Tumango lang sila at saka bumalik sa sasakyan bago umalis doon

Nakita nilang nagsasara na ng mga bintana at pintuan ang ilang kabahayan na nagbukas para makalanghap ng sariwang hangin

Napapailing nalanh sila at nakakaramdam ng awa sa mga pamilyamg namatayan

Lalo na sa mga nasa arko na hindi na nila.nagawang linisin, nakasabit na iyon doon kagaya ng naunang tatlong bangkay

Ilang sandali pa ay nakauwi na dij silang pito, naabutan nilmg nagsasara na ng bintana ang binatilyo nilang kasama

Habang ang mag asawa ay nagpapasok ng panggatong sa silong ng bahay at mga pagkain

Para kapag naubusan sila ay doon nalang sila papasok sa may pintuan na nasa kusina

"Tatay, Nanay,"ani ni Khael sabay mano at yakap sa mga magulang

Nagmano din ang mga kasama nila at niyakap naman ni Janelle ang kanyang kuya at ate

Tinulungan naman sila ng mga iyon na magpasok ngga kakailanganin para sa kusina

Pinuno ng tubig ang lahat ng kanilang mga lagayan sa loob ng bahay, sa banyo at sa kusina

Matapos iyon ay isinaradong maigi ni Tatay Carlos ang pintuan ng silong ng bahay ay nilagyan ng mga sanga ng suha at kalamansi

Nilagyan at sinabuyan din nila ng asin na may bawang, katas ng kalamansi at pinatuyong buto ng kalamansi na dinurog ang buong paligid ng kabahayan at maging ang bubungan

Matapos iyon ay pumasok na sila sa loob, nagkwentuhan habang naghahanda ng kanilang hapunan ang mga babaing kasama nila

Ala Sais pa lang ng gabi ay tahimik na ang buong paligid ng Sitio na dati ay may mga nag iinuman pa sa labas at tapat mg tindahan

Mga batang naglalaro at mga ginang na nagku kwentuhan sa labas ng kani kanilang mga bakuran

Pero ngayon, daig pa ang sementeryo sa sobrang tahimik na kahitga kulisap at mga Pang gabing insekto ay nananahimik din

Ang mga aso na tila nakakaramdam ng takot at panganib ay pinapasok na ng mga amo nila sa loob ng kabahayan

Ang mga alaga nila ay ikinulong n nila sa mga kulungan na may dingding at bubong

Tahimik na ang bawat tao na nasa loob ng kabahayan, kumakain ng tahimik habang nakikiramdam sa kapaligiran

Npakadilim ng mga mga sandaling iyon, halos walang buwan o kahit bituin man lang sa kalangitan

Hindi sasapat ang poste ng ilaw para matangalawan ang ilang kabahayan at mga kapaligiran lalo na ang mga madadamo, madadawag at mapupunong lugar sa kanilang Sitio

"Lumabas tayo," yaya ni Bryan,"Para maipagtanggol natin ang ating mga kababaryo,"

Nagkatinginan sila, tinignan nila si Khael na tila tulala at nakatingin lang sa kawalan

"Problema ng isang yun?," may pagtatakang tanong ni Nanay Alfie

"Na kay Leigh na naman ang utak at puso niyan, Ate," sagot ni Janelle na ikinatawa nilang lahat

Napaiwas nalang ng tingin si Khael dahil sa tinutukso siya ng mga kaibigan niya

"Kapag tumibok ang puso

Wala ka ng magagawa kundi sundin ito

Kapag tumibok ang puso

Lagot ka, siguradong huli ka," kanta at pangangantiyaw nina Kevin at Bryan sa kanya na sinasabayan pa ng sayaw

Napasimangot nalang siya, tumayo at nagpunta sa kusina

"Mukhang malaki ang problema ng ating binata," puna ni Tatay Carlos

"Malapit na po kasi ang pagbilog at pagpula ng buwan," sagot ni Nena,"Saka ang pamumukadkad ng bulaklak ng punong Arguas,"

"Baka iniisip lang niya ang ating haharaping panganib kapag dumatinh na ang oras na iyon," sabi naman ni Aira

"Baka nga," pag sang ayon nila kaya napapailimg nalang ang mag asawa sa kakaharaping problema at pagsubok ng anak nila

Inayos nalang nila ang kanilang mga gamit para sa pagro ronda nila pagkatapos ng hapunan

Inihanda na nila ang bawat gamit nila na panlaban sa mga tiktik at sa kung ano pang mga aswang ang darating sa kanilang Sitio ng gabing iyon

Kinakabahan ang bawat tao na nasa loob ng kanilamg mga kabahayan sa maaaring mangyari sa kanila ng gabing iyon

Tila napaka haba ng gabing iyon para sa kanila

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

P.S

Any suggestions about sa kwento?
🤔🤔🤔🤔

Welcome na welcome po para mapaganda pang lalo ang daloy ng kwento nila Khael Moon😊😊🙏🙏

Salamat po sa mga magsa suggest at salamat din po sa mga hindi, no problem🤗🤗🤗👍👍👍

Keep safe po lagi 🛐🛐🛐

God Bless Us🙏🙏🌺🌺🌷🌷

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Where stories live. Discover now