"Engineer, can you on the oven, just only for two minutes. Papainitin lang." utos ko kay Rao habang nilalagyan ko ang mga liners.

Hindi siya umimik pero ginawa niya ang pinag-uutos ko. Alam niyo taka rin ako dito eh, ang sabi niya hindi niya alam mag-bake pero bakit parang alam niya kasi tignan niyo naman may Electric mixer na siya, may mga kagamitan na siya sa pagbabake. Nice wan Engineer! Kumpleto recados nga!

Baka mag-enjoy ako ditong mag-bake, balik balikan ko. Ganda pa naman ng kusina dito tapos ang gwapo nang may ari.

Matapos kung ipasok ang cupcake pan sa oven humarap ako kay Engineer na naka upo sa high chair. Nagulat ako ng tumayo siya at lumapit sa akin.

Nang makalapit na siya inilagay niya ang mga takas na buhok ko sa likod ng tenga ko, nagulat ako sa ginawa niya at higit sa lahat sa lapit namin sa isa't isa. Rao wag kang ganiyan baka mafall ako.

Omaygash! Rao anong gagawin mo?! Iiihhh omay! Dahan dahan niyang hinawakan ang baba ko at, Hay Marie umasa ka nanaman!

"I just wiped it, there's a flour in your face." Rao said then move a little away from me.

Naman Engineer! Paasa ka rin eh! kala ko masusubukan ko na! kala ko mararanasan ko na ang first kiss ko.

Tumawa nalang ako ng peke para hindi naman awkward.

"Salamat Engineer, wala na ba?" Sabi ko.

"Wala na." Sabi ni Engineer.

"Matagal pa to Engineer, kwentuhan muna tayo para iwas boring." Sabi ko.

"Okay, you go first." Engineer said.

"G! I'm Mariella P. Mon, living in Udiao Rosario La Union, I'm 21 years old turning 22 in August 11. I'm graduating Business student at NLAC. Tinataguyod ako ng mag-isa ni Papa dahil nung naipanganak ako ni Mama nawalan na siya ng hininga. Kaya si Mommy ang tinoturing kung Ina, kita mo naman diba? Pagka graduate ko gusto kung magpatayo ng Coffe and Pastry Shop or Restaurant pweding both, pero magtratrabaho muna ako, magiipon tapos magpapatayo ng Shop para makatulong kay Papa at sa bahay."

Engineer nod and he just started at me.

"Have you ever had a boyfriend or do you have now?" Rao suddenly ask.

"I have 2 ex's, I had my first boyfriend when I was grade 11 his name is James nakipag break ako sa kaniya dahil ayaw ni lola. Sumunod si Isaiah churchmate, Isang taon din kami eh actually magdadalawang taon na sana kami kaso, hindi ata sya will ni God sa akin kaya kinuha siya agad 2nd year Collage ako nung kinuha siya ni God, car accident." Pagkukuwento ko at papaluha na ng maalala ang nangyare kay Isaiah.

" I'm sorry." Rao said.

Pinalis ko ang mga luha ko at huminga ng malalim. "Oh tapos na ako, Engineer ikaw naman."

"Wala ng sumunod?" tanong niya.

"Wala pa, si Rendel sana kaso nagloko." Sabi ko.

"Siya lang ba ang nanliligaw sayo?" tanong ni Rao.

"Maraming nagbalak, pero basted agad." Sabi ko.

"Why? you don't give them a chance?" Rao ask.

"Pwedi naman na ngayon pero hindi ba ang unfair, kasi naghintay sila pero isa lang ang pag-bibigyan ko." Sabi ko.

"Why did you give Rendel a chance to court you?" he ask.

"Dahil tanga ako, gusto ko siya eh. Noon. Sa dinami-daming nagbalak na ligawan ako yung pinagbigyan ko pa eh babaero. Kita mo yun nililigawan ako pero nagawa na akong lokohin, paano nalang kung sinagot ko siya? edi kawawa ako." Sabi ko.

"You shouldn't let him court you. Christiano pa man din siya." Sabi ni Rao at iiling-iling pa.

"Kaya nga." Sabi ko at malayo ang tingin.

"Will you give another man a chance to court you?" he ask.

"Dependi sa manliligaw." Sabi ko at malayo parin ang tingin.

"Paano pag ako?" Sabi ni Rao.

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ako?! you mean ikaw! ikaw Engineer liligawan ako!? Sure why not! basta ikaw!

"Huh?" ma-ang ma-angan kung tanong.

"I said, where do you want to build your shop?" Tanong niya.

Ayun! bakit parang iba pag karinig ko sa sinabi mo kanina? Inlove na ba ako sayo, kaya ibaiba na naririnig ko? Kainis paasa.

"Sa Rosario, Dito sa Sison." Sagot ko nalang para di awkward.

He just nod.

"Teka nga Engineer, bakit puro nalang ako?! ikaw naman magkwento tungkol sayo." Sabi ko.

He shake his head, saying that he didn't want.

"Napaka daya mo naman!" Sabi ko.

"Okay let's play a game, kung gusto mo talagang makilala ako." Rao said.

"Ang daya talaga! Sige na nga pano ba?" Sabi ko.

"You chose.
A- I'm Engineer, My family and I are happy and treating well.
B- I already get my Pastor license.
C- I will marry someone that I don't love." He said.

"A!" sagot ko.

"Wrong. Marie your cupcakes is already cook." Sabi niya ng tumunog na ang oven.

"Ang daya mo naman!" Pagmamaktol ko at tinalikuran ko na siya para kunin ang cupcake.

"Oh, ayan na cupcake mo!" Sabi ko at sabay lapag sa cupcake pan sa harap niya na mainit init pa.

Bakit nakangisi to ano bang nakakatawa!? Wait, kung mali yung letter A tapos sabi ni Eda nung nakaraan na hindi pa niya nakukuha lisensya niya ibig sabihin! magpapakasal ka sa di mo mahal?! No, Engineer sa akin ka nalang! char parehas lang tayo, magpapakasal sa di natin mahal.


This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now