"Oh tapos? bakit hindi yung Van?" sabi ko sa walang gana at nakatingin lang sa daan.

"Bakit nga ba hindi yung Van?" tanong niya pabalik sa akin.

Alam mo Engineer oo gwapo ka, pero bakit ang hirap mo atang kausap ngayon, magkukuwento ka tapos tatanongin mo ako. Lakas ng trip mo Engineer ah!

"Ewan ko! bakit sa akin mo tinatanong? eh Van mo yun!" Sabi ko.

"Because I don't have the key." He said.

"Eh, Van mo yun Engineer bakit wala kang susi?" Sabi ko.

"Ewan ko eh, hindi ko alam kung nakanino." Sabi niya at ang mga mata niya ay nangaakusa.

"Engineer, wag mo akong titignan ng ganiyan! aanuhin ko naman susi mo?" Natigil ako ng may maalala at dahil dun napalaki ang mata ko.

"nasa akin ba? ay patay," sabi ko at kinalkal agad ang bag ko. Nasa akin nga nakalimutan kung isa uli sa kaniya, eh halos two weeks ng nasa akin susi niya.

"Pasensya na Engineer, nakalimutan ko." Sabi ko at sabay abot ng susi sa kaniya dahil nahihiya ako sa panunumbat ko kanina.

I heard his chuckled. Anong nakakatuwa dun Engineer? eh makakalimutin ako tska nagsosorry na nga ako eh.

"Where do you want to eat?" He ask and get his key on my hand.

Nagulat ako ng tumama ang mga kamay namin at naramdaman ko nanaman sa kaniya ang kuryente. Ano ba Engineer kuryente man ka ba hah?

"Sa Condo mo. Pagbabake kita, remember?" Sabi ko sa kaniya at tinanguan niya lang ako.

"Kumpleto ba rekado mo dun Engineer?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah, shall we?" Sabi niya at pinagbuksan pa talaga ako ng pinto. Oh pak gentleman.

Paakyat na kami sa Condo niya ng makasabay namin ang babaeng nakita ko kanina she still smiling and she's alone. Hindi ko parin siya pinansin at lumapit pa ng mas lalo kay Rao, sa takot ko sa babae bigla akong humawak ng mahigpit sa braso ni Rao.

Napansin ata ni Rao ang kinilos ko dahil imbis na tanongin ako he put his one arm to my back like his hugging me and his protecting me even he didn't know what is the reason why I'm afraid to that girl.

"Uh, excuse me, can I know what floor-" Hindi palang natatapos ng babae ang sasabihin niya sinagot na siya agad ni Rao.

"24." Rao said in a serious and creepy tone.

"Ah, same." Sabi ng babae.

Nasa harap na ang tingin niya at samantalang ako pinagpapawisan na sa takot. Nakahinga lamang ako ng narinig kung nandito na kami sa floor kung saan ang Condo nila.

Unang lumabas ang babae at sumunod kami, ang akala ko nauna na siyang umalis pero nagulat ako ng nasa gilid siya ng elevator.

"It's nice to see you again, take care." She said before turning back and walk.

Sa subrang bilis ng tibok ng puso ko sa takot hindi ko namalayang may luha ng lumalabas sa mata ko, agad kung pinunasan ang luha ko at huminga ng malamim bago humarap kay Rao.

"Do you know her?" Rao said.

I just shake my head "Tara na, ipagbabake pa kita." sabi ko at hinila siya patungong Unit niya.

As I mixed all the ingredients he just watching me seriously.

"Baka malusaw ako Engineer." sabi ko ng napansin kung muka ko ang tinitignan niya hindi ang gawa ko.

Hindi siya umimik at binaling niya nalang ang tingin niya sa hinahalo kung mixture.

Pinatay ko na ang electric mixer dahil pwedi naman na, inayos ko ang cupcake liners sa cupcake pan at nilagyan ko na ang mga ito.

This Is What I'm Praying ForWhere stories live. Discover now