Agad naman nilapitan nina Aira at Trina ang dalawa

"Yuri gising!," ani ni Aira sabay tapik sa pisngi ng dalaga

"Kailangan na natin siya maiuwi kay Lola Maria," ani ni Nena,"Delikado ang kagat ng aswang na iyon,"

"Isakay na ninyo si Leigh sa jeep!," utos ni Khael habang nakikipaglaban sa mga aswang kasama si Sister Janelle at Kevin

Kinarga naman ni Bryan si Yuri habang nakaalalay ang tatlo at nakapaligid sa dalawa

Sila ang pumapatay sa mga aswang na nagtatangkang habulin silang tatlo

Agad na ipinasok ni Bryan sa loob ng jeep si Yuri at inihiga sa mahabang upuan

"Bantayan niyo siya!," utos nito habang pababa ng sasakyan,"Papaandarin ko na ang sasakyan para makaalis na tayo,"

"Bilisan mo, Bryan," nangingiyak na utos ni Nena sa binata na tumango lang bilang tugon

Agad na binuhay nito ang makina ng jeep at nagbusina para ipaalam sa tatlo na nakahanda na sila sa kanilang pag alis

Agad naman tumakbo sina Kevin at Sister Janelle papasok sa loob ng jeep at sa tabi naman ni Bryan naupo si Khael habang panay ang saboy ng katas ng kalamansi sa mga sumusunod sa kanila

Ganoon din ang ginagawa ng mga kasama nila sa loob, nakabantay sila sa bintana at pintuan ng jeep

Sinasabuyan ng asin at katas ng kalamansi ang mga humahabol sa kanila

Hinahampas naman nila ng tangkay ng kalamansi at bunyot ng pagi amg mga sumasabit at pilit na inilulusot ang mga braso at katawan sa bintana

Panay din ang sulyap ni Khael kay Yuri na wala pa ding malay

"Bilisan mo Bryan!," sigaw ni Nena,"Kumakalat na sa buong braso ni Leigh ang hawa ng aswang!,"

Natataranta namang pinasibad ni Bryan ang jeep pauwi kina Lola Maria, kinakabahan din silang lahat sa maaaring mangyari sa kanilang kaibigan

Binuhusan naman ni Sister Janelle ng katas ng kalamansi ang kagat ng aswang, pero umusok at bumula lang iyon pero hindi napatigil ang pagkalat ng laway at kamandag ng aswang sa braso ni Yuri kaya natatakot sila

Tinalian naman ni Nena ang sugat nito para maampat ang pagtulo ng dugo mula doon

"Leigh, lumaban ka," anas ni Nena sa kaibigan niya,"Sabay pa tayong babalik sa Lungsod at magiging isang ganap na Madre," umiiyak na sabi ni Nena sa kaibigan

"Malakas siya, Nena," ani ni Sister Janelle,"Malalampasan din niya iyan at makikita mo ulet ang ngiti at kapilyahan niya,"

Napatango nalang si Nena habang pinupunasan ang mga luha sa mata na patuloy pa din sa pag tulo

"Isang oras nalang at malakauwi na din tayo," ani ni Bryan na halos paliparin na ang jeep pauwi

**********

Samantala,

Patuloy pa din sa pang gagambala sa bahay nila Lola Maria ang mga kampon at alagad ni Apollo

Nasa di kalayuan din si Apollo at nakngising pinagmamasdan ang mga alagad niyang paikot ikot sa labas ng bahay

Mga malalaking ibong itim na nasa bubungan at palakad lakad para gambalain at inisin ang matanda para labasin sila nito

At iyon ang hinihintay ni Apollo para mapatay ang matandang hadalng sa pag ibig niya para kay Yuri at para makapag higanti na din siya sa pagpatay nito sa kanyang ina at kapatid

Labis labis ang gigil at galit na nararamdamab niya para sa matandang manggagamot

Gusto niya iyong patayin sa sarili niyang kamay at ipalapa sa mga alaga niyang sigbin na ngayon ay pilit na sinisira ang pintuan

Pero lalo lamang tumindi ang galit ni Apollo ng wala siyang mapala sa pang gagambala at pang iinis sa matanda dahil hindi iyon lumabas ng bahay

Lalo pa siyang nagalit ng umiwas ang mga alagad niya sa pintuan, bintana at bubungan

Alam na niya na naglagay na iyon ng mga pangontra laban sa kanuang mga alagad kaya lalo lang siya nagpuyos sa galit

Tumulong na din ang ilang tikbalang para balyahin ang pintuan pero hindi nasira ng mga ito iyon dahil sa napakatibay niyon

At higit sa lahat ay may mga pangontra at orasyon na nakapaloob sa pintuang binabalya ng mga malalaking tikbalang

"Aahhhh, mga walang silbi!," sigaw ni Apollo habang sinusuntok ang puni na nasa harapan nito

"Mahal na Prinsipe," sulpot ng isang aswang mula sa kadiliman

"Anong balita mo?," galit na tanong ni Apollo sa kausap

"Natalo kami ng mga tao," mahinang sambit nito,"Nakuha nila ang mutya mula sa bunga ng kalamansi at ang bunga ng niyog na gagawing banal na langis,"

"Talagang mga wala kayong silbi!,"sigaw niya sa tindi ng galit

"Pero ang isa sa kanila ay nahawaan ng aming pinuno bago sila nakatakas,"

"Sino?," takang tanong ni Apollo

"Yuri daw po ang pangalan," sagot naman ng isa pang bagong dating na aswang

Napapangisi nalang si Apollo sa nalaman, alam nito na walang lunas ang pagkakahawa ng aswang maliban nalang sa hawak nilang lunas

Langis na mula sa lahi ng mga manananggal, at siya lang ang nakakaalam kung saan iyon makukuha at makikita

"Magiging kauri na din kita, Yuri," napapangising sambit ni Apollo

"Ano po ang plano?,"

"Umatras na tayo!," sigaw nito sa mga aswang na nasa paligid ng bahay ng matanda

Agad naman nagsipag pulusan ang mga iyon at nagtakbuhan na pasunod kay Apollo

Wala na silang magagawa kapag ang amo at ang Prinsipe na ang nag utos kaya kailangan nila iyong sundin bago pa sila mapagbalingan nito ng galit

At kapag nangyari iyon, dalawa lang ang kahihinatnan nila

Una ang maging pagkain ng kapwa nila aswang at ang pangalawa ay mamatay sa mga kamay nito

**********oo**********

Read.Vote.Comment

Maraming Salamat Po!

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon