Chapter 3: War Veterans

ابدأ من البداية
                                    

Nasa second floor ang office ng vice mayor, and using the elevator was not so Mystic that was why flying in front of the city hall employees was not a surprising view for everyone.

I loved the sound of my heels clicking on the tiled floor bago pa ako makalapit sa office ni Vinnie, the vice mayor. I loved the sound of power and superiority I was producing in this cursed building. Ito ang mga villain-meets-the-enemy moments na lagi kong ina-anticipate every time I visit the city council.

I don't do knocking, so I opened the door and found the man in his mid-forties, sitting on his cushioned swivel chair and doing some paperwork.

"You can knock, Mystic," he said, less than a greeting and more than a sarcastic remark. "You're supposedly my 1 p.m."

"Busy ako ng 1." Umupo na agad ako sa visitor's seat sa harapan ng office table niya saka nag-de-kuwatro. "News?"

Wala yata siyang balak tantanan ang trabaho niya. Ni hindi man lang ako sinulyapan. "Sigurado naman akong nakaabot na sa 'yo ang tungkol sa recession," sabi niya bago kumuha ng panibagong folder sa mesa.

"Unfortunately."

"Alam kong may agreement ang former administration sa 'yo pero magkakaroon ng amendment at nilalakad na 'yon mula pa kahapon."

I cringed upon hearing that. Mukhang ipararamdam nga nila sa akin ang problema ng ekonomiya ngayon.

"So what's the 'bad' news?" I asked, keeping an eye on his serious, busy face. I noticed his thin golden-framed eyeglasses. Alam ko, mahilig siya sa thick black frames. Naninibago ako sa itsura niya, nagmukha siyang sexy daddy.

"Hindi muna kami magbibigay ng project kay Mystic. Sandaling panahon lang naman habang inaasikaso ang pagbaba ng mayor sa position niya."

"And what about you?"

At last, his eyes—a victim of mild astigmatism—landed on mine. "Alam mong alam ko ang ginagawa ko, hindi ba?"

I rolled my eyes at that fact. Vinnie is a hell-raised demon. Well, not literally. Masama lang talaga ang ugali niya. Siya ang perfect definition ko ng tao pero halimaw. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya pero alam na alam niya kung paano kokontrolin ang lahat. And I was a part of that truth.

Napabuntonghininga na lang ako habang napapaisip sa nangyayari ngayon.

"Gaano katagal mababakante si Mystic?" tanong ko agad.

"Hangga't hindi pa dumarating ang eleksyon. Ang daming adjustments. Bumaba ang stock market. Nag-withdraw ang ibang investors."

"What about Mister Beckman?"

"Kakausapin ko siya later."

"Mawawalan na rin ba siya ng trabaho?"

"Is that even your business?"

"He is my business as Mystic. Siya lang naman ang nakakapigil sa 'kin dito sa city."

"Pero mababakante ka gaya ng sinabi ko."

"Then, mababakante rin siya habang bakante ako."

I was expecting for an answer pero nginitian lang ako ni Vinnie. Personally, wala akong pakialam kung mabakante ako as a part-time city villainess dahil hindi iyon malaking bagay sa buhay ko, pero sigurado akong malaking bagay iyon for Izan.

"My rate is ten times higher than him. Wala na rin siya sa Finnigan's. You can't just leave him without any pay," I informed, telling the "head" of the city council about the social and financial status of their so-called hero.

"I'm sure makakahanap naman agad siya ng trabaho, Mystic. He's Mister Beckman. He can do other jobs aside from being a city hero."

I wanted to punch Vinnie straight to his surprisingly good-looking face kaso napapaisip din ako kung bakit ko gagawin iyon.

He was right. Mister Beckman's business was not fully my business after all bilang Chillie. Unless, kailangan nang magbayad ni Izan ng renta. Pero napapaisip din ako kung saan kukuha si Izan ng pera ngayon.

"You may go now, Mystic. Kapag may emergency, just call me."

Tatayo na sana ako pero tinitigan ko pa nang mabuti si Vinnie, just in case na may idaragdag pa, pero ilang segundo rin siyang hindi namansin kaya tumayo na ako.

"If I need a job, will you give me one?" I asked.

"Malamang. Depende sa trabaho."

"If I will destroy the Meronna Bank to steal money because I'm broke, what will you do?"

Napahinto siya sa pagbabasa at inangat ang tingin patungo sa akin. His eyes were full of questions as if I said something worthy of his information-eliciting glares.

"Come on, Mystic. Huwag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa pera. May kasunduan ka at ang siyudad na 'to. Huwag mong kalilimutan 'yon."

Hindi ko na napigilan; natawa ako nang mahina sa sinabi niya.

"Huwag kong sirain ang sarili ko dahil lang sa pera? At talagang sa 'yo galing 'yan, Vinnie, ha?" Napailing na lang ako habang pinapagpag ang balikat ng damit ko. "I agreed to be the city villainess kasi roon lang kami nagkakaroon ng trabaho ni Mister Beckman bilang kung ano talaga kami. Begging is not my thing so please, huwag sana tayong umabot sa puntong paninindigan ko na kung ano ba talaga ako sa Hidden Sparks." Dumeretso na ako sa pinto bago siya lingunin ulit. "Let me remind you, Vinnie: I was a war veteran and I was trained to kill, and so is Sergeant 11."


###

Cosmic Trouble at the Guillen's Rooftopحيث تعيش القصص. اكتشف الآن