Chapter 43

12.2K 171 11
                                    

CHAPTER 43

Parang huminto ang takbo ng buhay ni DJ sa pangyayari. Ang alam nya lang, walang sawa nyang binabanggit ang pangalan ni Kath, mula sa ambulance, hanggang ngayon na nasa stretcher si Kath papuntang emergency room.

Walang ibang nakikita si DJ kundi ang puting pader na nakapaligid sa kanila habang mabilis na tinatakbo ang stretcher, at ramdam nya ang mabilis na pagtibok ng puso nya sa takot.

"Sir, hanggang dito nalang po" gusto pa sana niyang pumasok pero naisara na ang mga pinto. Sa sobrang kaba, takot, at sakit ng nararamdaman nya, hindi nya na marinig ang mga boses ng mga taong nagsasalita sa paligid nya.

"Sir DJ, natawagan ko na po ang mga magulang ni Miss K, papunta na raw po sila"

Walang luha na makikita sa mga mata ni DJ, tanging bakas lang ng taong tuliro sa pangyayari ang makikita mo.

Dumating na ang mga magulang ni Kath, kasunod nito ang mga kaibigan nila. Pero si DJ, hindi parin nila makausap ng matino. Tulala lang ito. Makalipas pa ang ilang oras...

"Sino po ang kamag anak ni Kathryn Bernardo?" bungad ng lumabas na doctor. Agad namang lumapit ang mga magulang ni Kath na nagaalala sa anak.

"Kamusta po ang anak ko?" tanong agad ni Mrs. Bernardo

"We've done several test, katulad ng mga test na naipaliwanag ko sa inyo bago ko kayo napapirma sa Consent. At... she's in Coma.." Doctor

"Hindi Doc.. hindi yan totoo.." kalmado pang sabi ni DJ. Napatingin naman sa kanya lahat "Doc, gumaganti lang yan si Kath dahil dati nagpanggap akong nagka amnesia..." pilit pa syang tumaaa to hide his feelings

Umiiyak lamang si Mrs. Bernardo habang ng asawa nito ay patuloy sa pagcomfort dito "Sir, totoo po ang narinig nyo... She's in Coma"

"Hindi nga sabi eh, gumaganti lang si Kath!!!" tumaas na ang boses ni DJ "..kakausapin ko lang sya, alam ko talaga na gumaganti lang si Kath" habng patuloy sa pagsasalita si DJ ay unti unti na syang umiiyak.

Hindi naman nakaagsalita ang mga kasamanila at naiiyak narin, habng ang mga kaibigan ni DJ ay pilit syang pinipigilan na hindi pumasok sa loob.

"bakit nyo baako pinipigilan? ha? kakausapin ko lang naman si Kath eh" walang tigil parin si DJ,..

..................

"Manuel, si DJ hindi oa nabalik dito.." ilang oras narin ang nakalipas matapos ang aksidente... nailipat na si Kath sa ICU. Habang ang magasawa ay nagbabantay sa anak.

"Hindi pa nya kaya... baka magwala lang sya ulit. Hindi natin sya masisisi, nakita nya ang pangyayari." sagot nito sa asawa.

Napatingin naman si Mrs. Bernardo sa anak na maraming tubo ang nakakabit sa katawan. Hindi nanaman nya napigilan ang maiyak, "anak wag kang sumuko"

.........................

"G*go ka!!" salubong ni DJ ang isang lalaki at suntok. Halos hindi na makalaban ang lalaki dahil sa ginawa ni DJ, agad namang umawat ang mga pulis.

"DJ, makukulong ka sa ginagawa mo..." pigil naman ni Lester. Napagdesisyonan ng mgababarkada na hindi muna iiwan si DJ, dahil baka may magawa pa itpng hindi maganda.

At hindi sila nagkamali,... eto si DJ, pumunta si police station ng mabalitaan na ang taong nagmamaneho ng mabilis na sasakyan, na dahilan na mabangga si Kath ay nakakulong na.

Napagalaman na bukod sa lasing ito ay nakatake din it ng drugs, kaya hindi malabo na nangyari ang lahat. "Dapat dyan pinapatay eh..." susuod pa sana si DJ pero piniilan na ulit sya ng mga pulis at barkada.

Five days nalang, ikakasal na sana si DJ at Kath, happy ending na sana, pero bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng ito? Dapat ngayon masaya ng maghahanda si DJ at Kath dahil kinaumagahan ay pupunta na silang Baguio.

Hindi alam ni DJ kung bakit nangyayari ito... At hindi nya rin alam paano haharapin ito, lalo na't kahit anong oras, pwedeng mawala ang babaeng pinakamamahal nya.

Sana panaginip nalang ang lahat,

Sana pagpapanggap nalang rin ang lahat tulad ng dati..

Pero hindi eh... TOTOO ANG LAHAT.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon