Chapter 20

12.8K 172 15
                                    

CHAPTER 20

Maagang nagising si Kath dahil marami talaga syang dapat gawin today. Dahil 5am palang, inisip nya na baka tulog pa si DJ kaya di pa ito tumatawag, nangako kasi ito na tatawagan sya. Since maaga pa, naisip nya na magexercise muna; simple stretching lang sa loob ng unit nya. But afterwards, no phone call from DJ parin, kaya naisipan nyang magluto muna...

Matapos maihanda ang agahan, she checked her phone... still no phone call from DJ. She's glad na binigbigyan nya si DJ ng benefit of doubt.. inisip nya na baka tulog pa ito dahil sa pagod sa byahe...

Naligo muna sya,. Matagal na nga syang naligo pero nang bumalik sya...

WALA PARIN!!

"Pagod na pagod ba sya sa byahe?..." tanong ni Kath sa sarili.

............

"Oh iho, anong hinahanap mo, ang aga-aga pa ah?" tanong ni Manang Lourdes kay DJ.

"Nawawala po kasi cellphone ko..." habang patuloy parin sa paghahanap

"Naku Daniel, ginamit mo pa yun kagabi diba?" Manong Lourdes na parang automatic na napahanap din

"Oonga po eh.. naglakad lakad po kasi kami ni Ari dito kagabi... kaninang umaga ko nalang po napansin nung tatawagan ko si Kath eh" DJ

"Naku iho.. may lalaki pa namang pumasok kanina dito sa garden, humingi kasi ng bulaklak.. di ko pa naman kakilala" sabi ni Manang na may pag aalala

"Ang problema ko naman po kasi di ko po saulo number ni Kath, naghihintay na yun ng tawag ko." bakit nga naman sya manghihinayang sa cellphone? Eh madali lang makakuha ulit ng ganun para sa kanya. Pero yung hindi matawagan si Kath... mahirap yun

"Hey, looking for something?" bigla namang may nagsalita sa likod nila.

SHE TAUGHT ME HOW [He Taught Me How Sequel]Where stories live. Discover now