22

40.1K 1.1K 415
                                    

AGNELLA TELESE

Tinitigan kong mabuti si Ales. Pareho kaming na tahimik matapos niyang ikwento sa akin ang lahat. Mula sa kinailangan ng Ottavio Wildfox Company ng sikat na designer which is si Mommy, ang kondisyon at deal nila.

"I still don't believe you," mapait kong sambit na nagpa-uwang sa bibig niya.

Hindi niya siguro lubos maisip na sa sobrang haba ng kwento niya, 'yon lang ang tangi kong sasabihin.

"What the? Hindi ka pa rin naniniwala?"

"E ano 'yung narinig ko noong nasa kwarto ka? Ang sabi mo pa nga na malapit mo nang makuha ang loob ko habang kausap mo si Mommy sa cell phone. Na makukuha mo rin ang tiwala ko at ginagawa mo ang lahat para sa kapakanan n'yo."

Nagsalubong ang kilay niya at napaisip. Pilit niyang inaalala ang araw na 'yon. Narinig ko iyon noong napadaan ako sa kwarto nina Dad na siya na ang gumagamit.

"Ginagawa ko lang ang lahat para hindi mabuko ang totoo. Your Mom told me you're smart woman and you don't just easily trust anyone. She even told me that you can quickly become curious about something kaya kinailangan naming mag-doble ingat lalo na't hindi pa pinipirmahan ng Daddy mo ang divorce paper. Gusto ko ring makuha ang loob at tiwala mo dahil alam kong malaki ang galit mo sa akin. At isa pa, gusto ko ring mapalapit sa 'yo," mahinahon niyang paliwanag.

Saglit ko lang ulit siyang tinitigan.

Bigla ring pumasok sa isip ko 'yung nakita ko silang magkasama ni Mommy pati na rin 'yung sa hotel. Isang matalim na tingin ang pinukol ko kay Alessandro na labis niyang pinagtaka.

"Nakita ko kayo ni Mommy na masayang magkasama habang palabas kayo sa isang restaurant noong nasa Santa Monica pa lang tayo," saad ko.

"Nagsinungaling ka nga sa akin na may importante kang aasikasuhin na business. Two days kang wala tapos makikita ko na tinatrabaho mo ay ang Mommy ko? Kasama ko si Kylier nung sinundan namin kayo sa Hotel. I heard and saw everything, Ales!" sigaw ko sa matinding galit. Hindi ko na rin na pigilan ang bugso ng damdamin ko.

"What are you talking about?" naguguluhan niyang tanong kaya natawa ako ng mapakla. Magkukunwari pa ba siya na walang alam?

"Room 506, 5th floor. Dahil sa kalandian n'yo ay hindi ninyo napansin na nakabukas ang pintuan ng kwarto n'yo. Siguro nagtataka ka kung bakit nalaman ko na ginagamit n'yo lang ako para ako mismo ang pumilit kay Dad na pirmahan ang divorce paper, 'di ba? I heard everything that time! You are fucking topless while my Mom fucking caresses your fucking hot body. She kissed you at gumanti ka naman ng halik. You even touched her body like you did to me!" galit na galit kong sigaw at tuluyan nang bumagsak ang luha ko.

Nagulat siya, halatang naalala niya na nagpunta sila ni Mommy sa Hotel nung araw na iyon. Parang paulit-ulit na tinutusok ang puso ko sa tuwing naaalala ko iyon. Nagagalit ako dahil ako ang ginamit nila. Nasasaktan din ako dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog kay Ales.

"Ang baboy n'yo, tapos sasabihin mo na mahal mo ko? Bakit naman ako maniniwala sa iyo, eh ikaw na rin mismo ang nagsabi na playboy ka? Buti na lang talaga ay hindi ko sinuko ang sarili ko sa iyo!" dagdag ko pa.

"Agnella..." Akma siyang lalapit pero umatras ako. Tumigil siya at puno ng pagsusumamo ang mukha niya.

"Let me explain to you about what you saw at that time," aniya pero umiling ako.

"Explain? Bakit? Ikukuwento mo rin ba sa kin kung anong klaseng mga posisyon ang ginamit n'yo habang gumagawa kayo ng milagro? Anong klase ba? Missionary? Doggystyle? Cowgirl? Tapos ngayon ang lakas ng loob mo na akusahan ako na may ginagawa kami ni Kylier?"

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [SOON TO BE PUBLISHED] Where stories live. Discover now