- C H A P T E R E I G H T -

39 4 0
                                    


PANDEMIC LOVE❤

C H A P T E R E I G H T

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat, takot at nerbyos dahil sa nangyari. Si kuya naman hindi rin gumalaw at nakatulala lang kahit bumalik na sa pagkatulog ang aso.

" M-ma!?! N-nakagat ako ng aso! " sabi ni kuya ng matauhan, napatingin naman ako sa kinagatan at parang bigla akong nahilo. Gosh nasa dugo pa naman namin ang hihimatayin!! Walang dugong lumabas pero nakita ko yung butas dahil sa pangil ng aso kaya lalo akong nahilo at dumilim konti ang paningin ko!!

" Maaaa!!!! Si kuya!! " sigaw ko,

" Ano na naman!? Kanina pa kayong dalawa nag-iingay ah!? Magsitulog na nga kayo! "

" M-ma si kuya kinagat ng aso!! " sumbong ko, nakarinig naman ako ng lagubo sa kwarto nila na parang may nahulog. Ang unang lumabas ay si papa at kaagad tinignan ang sugat ni kuya at biglang namutla kaya lumabas muna siya. Sunod naman ay si mama na salubong ang kilay.

" Ano ba kasi ang ginawa mo Frendrew Zaire!?!?? Bakit ka kinagat!?! " si mama na agad sinuri ang sugat ni kuya, " Praya kumuha ka ng tubig na maligamgam at ipaiinom mo sa kuya mo. At ikaw naman hugasan mo ang nakagatan at kumuha ka ng bawang! " utos niya sa akin at kay kuya, tumayo naman ako at muntikan pang matumba. Nakita ko pang binatukan ni mama si kuya bago pa ito tumayo para hugasan ito sa labas at kumuha na rin ng bawang.


Agad akong kumuha ng baso at sinalinan ng mainit na tubig galing sa thermos at tubig galing sa gripo. Nang makapa kong hindi na masyadong mainit ay imbes na ibigay ko sa kuya kong nakaabang na kamay---dahil nahihilo na din siguro siya---ay ininom ko ito!


" Anak ng! Ikaw ang kinagat? " reklamo niya sa akin,



" Teka lang! Nahihilo din ako eh! " sabi ko pagkatapos uminom at binigay sa kanya ang baso.




Tinignan ko ang ginagawa ni mama, dinikdik niya ang bawang at kinuskos ito sa sugat ni kuya. Ouch! Ang hapdi nun!!



" A-aray ma, Teka lang! Dapat wi-narningan mo ako ma! " reklamo ni kuya kay mama kaya nakatanggap siya ng sabunot sa buhok.




Di ko na tinignan ang sugat ni kuya dahil lalo akong nahihilo, medyo nandidilim din ang paningin ko.






" Praya! I-check nga papa mo dun baka napano na yun!!! "







Mabuti pa nga kesa tumunga-nga ako dun. Lumabas naman ako at nakita ko si papa na nagduduyan. Lumapit ako at nakita kong nakapikit ito. Tulog?




" Ma! Tulog ata si papa! " sigaw ko kahit madaling araw palang. Bahala ng maka-disturbo dahil emergency ito!




" Ano? Anong tulog? Di yan tulog! Anak ng! Nahimatay yan! Nahimatay!! Jusko naman! " si mama, na mukhang namro-moblema sa amin.






Agad ko namang ginising si papa, pero hindi nagigising! Pumunta si mama kay papa para gisingin at ako na ang naglalagay ng bawang kay kuya. Habang nilalagyan ko 'to ay walang kibo si kuya at ng tignan ko ito. Anak ng!





" Maaa!! Si kuya nahimatay din!! " sigaw ko kay mama na siyang dahilan ng unti-unting panglalabo ng paningin ko.





" Ano!? Putlig-tiil! Praya wag ka ding mahihimatay kundi tatamaan ka din sa akin!? " sabi niya, pero huli na ang lahat.





" Pero ma nahihilo na ak----- " di ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumilim na ang paningin ko.





***********





Pandemic Love (A Covid-19 Series)Where stories live. Discover now