- C H A P T E R S I X -

Start from the beginning
                                    

"Oo mga tanod yun! Pero 'di ko sure." si Joy-joy ulit kaya inirapan ko siya.

"Buti 'di ka tinamaan ng airsoft?" sabi ko at umupo sa gitna nila mommy at ate Dors.

Napabuntong-hininga naman siya. "Buti nga eh, sobrang bilis kong nakatakbo kagabi! Gosh hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako!"

Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil namumutla siya ng sobra o maawa.

"Ayan kasi, sobrang tigas ng ulo mo! Marunong kasi kayong sumunod sa batas!" turan ni Mommy sa kanya at tumango ako dahil sang-ayon ako sa sinabi niya.

"'Da Joy-joy! Gawas-gawas man!"

"Mao na! Gahig ulooo!"

"HAHAHAHA muntik ng ma hapit!"

"~ Sayang na sayang talaga ~"

We happily teased Joy-joy about what happened last night.

"Unya mu usab pa ka?" we said it in chorus.

"~ Di na jud ko mu-usaaab~" she sing it while shooking her head.

And together we laugh. Not until we heard a siren. Ang kaninang magkadikit na pagkaupo namin ay biglang nagkahiwalay. Ang mask na naibaba ay naibalik sa tamang pwesto at tumahimik na kami. Lalo na si Joy-joy Hahaha.

Nakita naming naglakad lakad na ang mga pulis, kinawayan pa nga ako ni Rico at ng mga kasamahan niya.

Ganiyan na ang naging routine till the last week of September. Nalipat na kasi ng ibang barangay sina Rico, kaya ibang mga pulis na ang nagbabantay dito. It's a first week in the month of October at ramdam na namin ang papalapit na pasko. Dapat nga malamig na yung simoy ng hangin pero magpapasko nalang yata sobrang init parin dito! Kung uulan naman, palaging gabi!

"Anong handa niyo ngayong pasko?" tanong ko sa best friend kong si Inday. Sobrang tagal na naming di nag-uusap.

"Alaws!" walang ganang sagot niya sa tanong ko. Pero s'yempre 'di ako naniniwalang wala silang handa! Sa kanila nga ako parating nakikain noon dahil sobrang dami at sobrang sarap ng mga handa nila!

"Weh? Di nga!? 'Di ako naniniwalang wala kayong handa ngayong pasko noh!" sabi ko sa kanya. Nandito kami sa bahay namin ngayon nanunood ng K-Drama. Its our bonding session time.

"'Di ko pa sure kung ano ang plano nila Mamshi at Papshi. Mamaya itatanong ko sa kanila at sisigaw ko nalang sayo ang sagot he he." Agad ko namang sinabunutan ang buhok niya.

"Buang ka! Alam kong magkapit-bahay tayo pero madidinig ko pa ba ang isisigaw mo kung ganito na kaingay ang paligid dito?" sobrang ingay na kasi dito sa amin, sa katabing bahay namin dito sa kaliwa ang lakas ng music puros mga Christmas songs, sa right side naman ng bahay puros budots! Sa likod ng bahay namin puros jejemon na kanta! Sa harapan ng bahay namin puros OPM tapos sa bahay namin ay nagsasalitang mga koreano at koreana! Too chaotic in our area.

Naka-volume ang t.v namin sa 76 sobrang lakas na tapos pagsama-samahin pa ang ibang ingay sa labas. Dagdagan pa ang mga nag-aaway na mag-live in at nag-vivideoke sa loob ng kanilang tahanan! It's a disaster! A happy one actually.

Sobrang saya kasi ng pasko at new year namin dito every year, ewan ko nalang ngayon lalo na't pandemic. Bawal ang makihalubilo sa maraming tao. Kahit yung boodle fight namin tingin ko mauudlot yun!

"Grabeeee ang gwapo ni Cha Eun Woo noh?" patungkol niya sa isa sa mga bida na aming pinapanood namin ngayon, ang 'True Beauty' na miyembro din ng boy band group na 'Astro'.

Pandemic Love (A Covid-19 Series)Where stories live. Discover now