"Magpapaalam muna ako sa prinsepe."

"Aalis na ako." Umakma siyang iiwan na ito.

Pero nahawakan nito ang coat niya. "Teka lang! Sige na nga, payag na ako. Parang bayad ba iyon sa serbisyo mo?"

Tumango siya. Pinapintog ang ilong para itago ang pagsilip ng ngiti. "Take it as your enrollment to the club of my sisters in-law. Araw-araw binibigyan nila ako ng kiss lalo na si Safhire, bunso kasi ako."

"Oo na," tumawa ito. Kinagat ang pagpapa-cute niya.

Pwede na siyang ngumisi. Lusot na ang excuse niya.

***
"That's it?" tanong ni Rheeva matapos ilahad ni Raxiine ang detailed report na hiningi ng kapatid.

Akala niya galing doon sa meeting kanina ay makaaalis na siya para sunduin ang asawa. Pero pinatawag siya ng hari at hiningi ang report sa nakalipas na tatlong araw. Para siyang timang na nagsasalita roon sa hangin dahil hindi naman yata nakikinig ang kapatid sa mga sinabi niya. Wala itong ginawa kundi kalikutin ang cellphone nito.

"Yeah, that's all. Asking permission to leave now, King Brother." Nagpaalam siya at niligpit ang mga dokumentong bitbit.

"Hm, going out of Ragenei?"

"I'll pick-up my wife in Mauritius."

"You'll go on land travel. The airplanes are all out of order."

"What? Why?"

Umalis ito sa trono at bumaba. Naglakad palabas. Pagdating sa pinto ay lumingon sa kanya.

"Flat ang mga gulong," kumindat ito at nilamon ng awang ng pinto.

What is that? Flat ang gulong? Flat ang gulong ng mga eroplano nila? What the fuck was that? Inisip niyang nagloloko lang ang hari, pero nang puntahan niya ang hangar ay totoo nga na hindi pwedeng lumipad ang mga eroplano nila. Hindi na niya inalam kung anong dahilan at baka sabihin din ng mga pilotong flat ang gulong. Masasapak na niya ang mga ito.

He was forced to take a commercial flight. Ayaw niya sanang makaabala sa mga pasahero pero isa sa mga palipad na eroplano ay binakante ng airline management para sa kanya at umalis matapos itimbre sa tower ng Air Traffic Control. In just ten minutes, he arrived to Mauritius. Tapos na ang exhibit at kasalukuyang kinakausap ng media ang Crown Princess.

Kinuyog ng inis ang utak niya nang mamataan si Leih sa tabi ng asawa. He is holding her in the back while she is answering some questions. He'll bend every now and then to whisper something on her. Maraming taong nanonood sa live interview at hindi niya pwedeng itulak ang sarili para makarating sa kinaroroonan ng dalawa.

Natapos ang interview at sinubukan niyang makalusot sa makapal na agos ng mga tao. Paalis na rin sina Leih at Yvonne. Tinutungo ng mga ito ang kabilang exit kasama ang mga guwardiyang idinagdag niya sa security ng asawa. Saglit na huminto ang mga ito at lumingon sa gawi niya si Leih, bahagya itong umuklo. Mistula siyang hinambalos ng higanteng bricks sa ulo nang matanaw ang asawang hinalikan sa pisngi ang kanyang kapatid. May kasama pang matamis na ngiti pagkatapos.

"Leiiiiiiiiiiiiiiihnard!"

In a second, everyone, and everything stopped after his wild growled smashed the entire venue. Tigagal na tumingin sa kanya ang lahat. Nang makabawi ay mabilis na nahawi ang mga tao sa harapan niya. Nag-uumpugan ang kanyang mga bagang, tila mga batong nasa loob ng alimpuyo. Sumasabay sa bilis at galit niyang hininga.

Inilang hakbang lamang niya ang distansiyang nakapagitan. Si Leihnard ay nawala sa tabi ng prinsesa at nasa likod na ng mga bantay. Ang extention ng collar nito ay nakaangat, tinakpan ang bibig nitong alam niyang nakangisi ng malaki. Nalipat ang tingin niya kay Yvonne na nakatulala sa kanya.

"K-kamahalan?" utal na sambit ng asawa, hindi nawala ang bahid ng pagtataka sa mukha.

What the hell? Ito pa ang nagtaka pagkatapos ng nakita niya? Nakagawian na ba nitong halikan ng ganoon si Leihnard? Samantalang siya dati ay halos hindi ito mahawakan sa sobrang ilap. Pabalik-balik sa isip niya ang minsang sinabi nito na humahanga ito kay Leihnard.

"Your Highness-"

"Sabihin mong mahal mo ako," he demanded.

"Mahal kita," mabilis nitong sabi.

Umalog ang puso niya. Sinikop niya ang asawa at mahigpit na niyakap. Damn! Is he going crazy? He still has so much to do back in Ragenei. Pero nawawala siya sa sarili dahil sa mga litrato at ngayon sa halik. He cannot afford to go home without his wife or allow her to travel alone with Leihnard. Kailangang kasama na siya nito kung hindi kakalas ang utak niya sa tamang katinuan.

"Let's go?" malambing na apura ni Yvonne sa kanya.

Pinagmasdan muna niya ito ng matagal. Is he obssesed or what? "Why are you so beautiful, huh?" he asked losing all his sense.

"Me?" Her cheeks flushed in bright pink. "I think because you love me, and I love you." Ngumiti ito ng matamis. "Nakagaganda at nakaguguwapo ang pagmamahal kapag nasa tamang lugar at panahon." 

"Yeah, on that note, I am convince that I should go with you for the rest of your exhibit tour. Gusto kong mas lalong gumuwapo at mangyayari lang iyon kung kasama kita lagi."

"Oh, okay. Pero paano ang tungkulin mo sa Ragenei? Paano ang Ragenei Extension Project?"

"The King can handle it." He smiled back, and kissed her lips.

***
Yvonne heard the gasping of their audience. Ang impit na mga tiling kinililig dahil sa nasaksihang tagpo. Hindi niya alam kung tama pa ba iyon o hindi. Basta asawa niya ang kanyang kahalikan at kayakap sa harap ng maraming tao. She anchored her frail arms around his nape and responded his kiss.

What she saw in his eyes earlier confused her. He is anxious for something and uncertain for himself. May ginawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Saglit siyang natigilan nang maalala ang halik na ibinigay niya kay Leih. Nakita iyon ng prinsepe?

Kailangan niyang ipaliwanag dito ang kasunduan nila ng kapatid nito. Baka hindi ito komporme sa nakita kanina kahit wala namang malisya iyon at bahagi lang ng deal.

Pagkatapos ng halik ay tumingin siya sa mga tao, ngumiti at kumaway. Hiyawan at palakpakan ang iginanti ng madla. It's wonderful how her world is changing day by day because of her husband. She is not alone anymore. She is part of something, she is part of the bigger purpose of life.

Hinatid sila ng palakpakan hanggang sa labas ng venue. Todo bakud sa kanya si Raxiine habang naglalakad sila sa kalyeng binantayan ng Mauritius police. Pinabayaan na lang din niya at kunyari ay hindi na pinansin si Leih na nakabuntot sa kanila.

"I still have 499 kisses to collect, right, Princess?"

"You'll get that through delivery, asshole!" angil ng prinsepe at umuklo, sumenyas sa kanya ng halik sa pisngi.

Tumingkayad siya at hinagkan ito ng matunog sa pisngi. Nagulat na lang siya nang huminto ito. Hinablot sa kuwelyo si Liehnard at hinalikan sa pisngi.

"Fresh delivery by your hot prince," nakangisi nitong banat. "498 to go?"

Isang bigwas ang pinakawalan ni Leihnard. Umurong si Raxiine at tumagos sa hangin ang kamao ng binata.

"Tama na iyan," awat niya sa dalawa at nagtungo sa gitna ng mga ito. Kahit natutuwa siya minsan sa bangayan ng magkapatid pero ayaw niyang humantong sa pisikalan ang mga ito.

Inakbayan siya ng asawa at lumapat sa labi niya ang damping halik. "Your kiss is delivered and received. I think, I like this kind of job, taga-deliver ng halik mo kay Leihnard."

Kinurot niya ito sa tiyan. "May deal kasi kami ng kapatid mo. Seloso ka lang talaga."

"Kapag nagseselos ako, ibig sabihin may lagnat ang puso ko." He maintained a smug face.

Natawa siya.

"Update, the other two venues are ready for the exhibit. We can't cancel the event anymore," balita ni Leihnard sa kanya ipinakita nito ang nasa cellphone.

Tumango siya at bumaling sa prinsepe. "Sorry, hindi pa ako makauuwi ng Ragenei."

"Told you, right, I'll go with you."

Ngumiti na lang siya. Talagang malala ang epekto ng pusong may lagnat.

NS 14: PRINCE IN COLD ARMOR ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora