Umuna na akong pumunta sa beach, sumunod si Kai habang inilapag niya ang towel at kanyang t-shirt sa nakitang upuan, siguro ay kay nila Eddie 'yon.

"Marunong kang lumangoy?" He asked.

I nodded, tense, I didn't even glance at him.

Nasa malayong parte sina Annete kaya plano kong habulin namin sila do'n.

"Puntahan natin sila!" I said, trying to calm myself down.

Kada tingin ko kasi kay Kai ay sa katawan niya bumabagsak ang mga mata ko.

Nauna na akong lumangoy habang umiiling, ginigising ang sarili ko sa kahibangan sa katawan niya.

"Natasha Skye be careful, may cobra dito," His voice is so serious.

Basa na ang buong katawan ko gano'n din siya.

Nakaramdam ako ng panick sa sinabi niya. Takot ako sa mga ahas, isipin ko palang ang katawan nito na pupulupot sa'yo ay para na akong aatakahin.

"You're just kidding!"

Lumapit ako sa kanya ng mapansing medyo malayo ang space namin sa isa't-isa.

Aahon talaga ako dito kapag totoong may ahas dito.

Kaso medyo malayo na din kami sa baybayin at hindi kaagad ako makakaahon kapag nagkataong makakakita ng ahas.

"Marami na ang nakagat dito—"

"Wala naman silang sinabi na may ahas dito nung nagswimming kami nung isang araw!" My anxiety level rising up.

I looked at him with my dagger eyes. Hindi natutuwa sa pananakot niya.

"Hindi talaga nila sasabihin para hindi ka matakot,"

Nakalapit na ako sa kanya. Nakamasid lang siya sa'kin, I was shivering here to death like a scared little kid.

I looked around to see kung may ahas sa paligid, malinaw ang tubig at kita ang ilalim nito.

"You're bluffing," sabi ko sa mahinang boses.

Naramdaman ko ang pagdikit ng mga paa ko sa kanya at sa sobrang takot ay napagkamalan kong ahas ang paa niya!

"Fuck! May ahas!" I shouted panickly.

Lumayo ako sa kanya.

He has a playful smirk on his face now.

"Wala pang ahas, paa ko lang 'yon Skye," He chuckled softly.

Sinundan niya ako at nilapitan.

"Dikit ka lang sa'kin para hindi ka matuklaw,"

Binasa ko siya ng tubig dagat. Sabi ko na nagsisinungaling siya! Gusto niya lang makatsansing eh!

A crisp laughed escape his mouth.

Tuwang-tuwa pa siyang makita akong asar na asar sa kanya.

"Tsansing ka lang!"

His brow shot up.

"Wala pa nga akong ginagawa,"

I glared at him.

"Puntahan nalang natin sila, pwede?" I rolled my eyes again.

"Ang sungit mo na ah?"

Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin.

Nakaramdam ako ng kaonting guilt dahil kahit papano'y boss ko parin siya at baka nao-offend siya sa ugali ko.

"Nananakot ka kasi," sabi ko sa mahinang boses, nakasimangot na din.

"Hindi na... Pero meron talaga dito e,"

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now