Chapter Seventeen

Začít od začátku
                                    

Nakita niya ang isang body guard ng kanyang abuelo na papalapit sa kinaroroonan niya. Hindi niya mapigilang mapaangat ang kanyang kilay dahil hindi niya rin naman inaasahan na mayroong lalapit sa kanya.

"Miss Calia." Simula nito. "Mr. Pabio wants to talk to you— privately."

Hindi siya umimik at pinanatili niyang walang makikitang emosyon sa kanyang mukha. Lumingon siya sa direksyon ng kanyang mga magulang at pareho ang mga itong nakatingin sa kanya, at nakangiti. Isang alanganing ngiti.

Her Mommy Camille softly touch her cheeks. "Sige na baby. Don't worry, your Pappoús won't bite you."

Tipid siyang ngumiti. Parang hindi alam ng kanyang ina ang malamig na pakikitungo sa kanya ng matanda. Isinantabi niya na lang muna ang ibang mga dapat isipin dahil sa ngayon, kailangan niyang maging matatag. May pakiramdam siyang hindi mabuti ang sasabihin ng matanda sa kanya pero sana hindi mapigti ang kanyang pasensya.

"Let's go." Tanging sambit niya at sinamahan siya ng body guard ng kanyang abuelo papunta sa ikalawang palapag ng mansiyon. Sa may veranda na nasa pinakadulo ng hallway sa second floor. Goodluck on facing the lion, C.

NAKITA NIYANG nakaupo ang kanyang abuelo sa isa sa mga upuan sa may veranda nang makarating siya roon. Tumalima kaagad ang body guard nito, pero alam niyang malapit lang ang kinaroroonan ng lalaking iyon.

"Pappoús—"

"Don't call me that. Call me, Mr. Ariti." Nakita niya ang malamig na pagtingin nito sa kanya.

Inhale.. exhale.. "Okay. Mr. Ariti. Bakit mo ako pinatawag?"

Kahit gusto niyang igalang at gamitan ng "po" o "opo" ang kanyang abuelo ay hindi niya magawa. Mayroong isang malaking pader na iniharang ang matanda sa kanilang dalawa.

"Why are you here? Who invited you here?" Walang emosyong tanong nito.

"What?" Hindi niya ito maintindihan.

"As far as I remember. I didn't send you an invitation. So, why are you here? I don't like to see your face here."

Ouch!

Sampal sa kanya ang bawat katagang binitawan nito. Akala niya hindi siya masasaktan sa kung anumang sasabihin nito. Pero ngayon-ngayon pa lang, tagos sa puso ang mga sinabi nito.

She let out a breath and look at the old man in front of her.

"Philip was the one who gave me the invitation. And it came from you. So now, why are you asking me that questions?" Matapang na tanong niya sa matanda.

"I didn't. You're out of my list. And you're the last person that I wanna see here. So, leave woman."

Napatayo siya ng wala sa oras dahil sa inasta ng kanyang abuelo. "Why are you doing this?! Bakit ganyan ang pagtrato mo sa akin?! Apo mo rin ako Pappoús!" Kahit hindi sa dugo!

Hindi napigilan ni Calia ang maging emosyonal dahil hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya kung iturin ng matanda.

"You're not my grandchild!" Bahagyang sigaw nito.

Napatda siya dahil sa sinabi nito. Does he know? Does he know that I'm only an adopted child?

Pinakunot niya ang kanyang noo, "what are you saying—"

"—hindi kita apo at kailanma'y hindi kita ituturing apo! Dahil anak ka ng isang mama—"

"Excuse me, Mr. Pabio. Philip texted his mother. He can't make it. May emergency daw at importante raw po iyon."

Nahampas ng matanda ang pabilog na mesang nakapagitan sa kanila.

"We already talked about it and he said yes to the marriage! Skatá! Skatá!" Hindi maawat na pagmumura ng kanyang abuelo dahil sa galit. "Call him now! At papuntahin mo ang mga magulang niya sa library pati na rin sina Rahfia. Move!"

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Kde žijí příběhy. Začni objevovat