Chapter 8

1.7K 45 1
                                    

Kinabukasan ay agad kinausap ni Cora ang mga anak at napag alaman niya na na trauma ang kanyang bunso na si Rachma.

"Bunso, halika ka nga yakap kay nanay. Gusto mo dalhin kita sa doktor?" ang lambing niya sa anak.

Hindi sumagot si Rachma, niyakap na lamang niyang mahigpit ang ina. Kahit naman kasi masaya siya at nakita na ang ama. Pero dahil may ibang babae na ito ay nasasaktan ang kanyang murang isip at damdamin.

"Nanay, gusto ko pong kausapin si tatay." ang biglang wika ni KJ.

Napatingin silang lahat sa binata.

"Kuya, pwedi ba akong sumama?" ang turan naman ni Weng Cheng.

Walang masabi si Cora, hindi naman niya pweding pigilan ang mga anak kaya papayagan niya ang mga ito. Pero kinakailangan na kasama siya.

"Sige, kung iyan ang gusto ninyo, makipagkita tayo sa kanya sa sunday."

"Sige po nanay at salamat dahil pumayag po kayo. Huwag po kayong mag alala hindi ka po namin pipiliting makipagbalikan sa kanya, kasi alam namin na may sarili na siyang pamilya."

Biglang nalungkot si Weng Cheng.

"Nanay..? Talaga po bang hindi na kayo pwedi na magkabalikan ulit ni tatay?" halatang maiiyak na si Weng Cheng, habang tinatanong ang ina. Maka ama kasi siya.

Sasagutin niya sana ang mga anak kaso, kahit siya ay naguguluhan sa kanyang naramdaman. Kasi pumapasok sa isip niya si Britt.

Ang lalaking tumulong sa kanya, na walang hinihinging kapalit sa kanya. Pero ramdam niya na mahal siya ng binata.

Kahit alam ng binata na si Kenneth parin ang laman ng puso niya.

"Nanay..! Natulala na kayo riyan." ang untag sa kanya ni KJ.

"Wala anak, may naiisip lang ako."

"Nanay, pwedi na tayong mamasyal ulit ngayon?" ang suhesyon ni Weng.

"Sige maghanda na kayo, at mamasyal tayo buong araw.! Gusto niyo ba iyon?"

"Yeeheeyy!!" ang sigaw ng mga anak niya.

"Hellooo...!" Halos pumuno sa buong kabahayan ang boses ni Liziel.

"Titaaa...!" ang sabay na sigaw ng tatlo.

"Tita, bakit ngayon lang kayo napasyal?" ang wika ni Weng Cheng.

"Busy, sa love life..." at tumawa pa ang dalaga.

"Tita, mamasyal po kami ngayon. Pwedi po kayong sumama, na miss kana namin."

"Sige ba, at ng makapag bonding din tayo."

"Mga anak, pwedi iwan niyo muna kami ng tita Liziel."

"Sige, po nanay. Tita iwan ka muna namin ha." ang paalam ng tatlo.

"Mare, ang balita ko sinugod ka raw ng Ex at ng asawa niya?"

"Oo, nga at hindi ko sila mapapatawad, naaawa ako kay Rachma kasi nagka trauma siya. Kaya mamasyal kami para kahit papaano malibang siya."

"Huwag mong sabihin na pumayag kang insultuhin sa sarili mong pamamahay?"

"Ayaw ko kasing makita ng mga anak ko na nakipag away ako."

"Kaya pumayag ka lang na sabunutan ka?"

"Dahan lang sa boses mo, baka marinig ka ng mga anak ko."

"Iwan ko ba sayo, kahit kailan martyr ka talaga!"

"Pero sa susunod na magkasalubong kami ulit hindi ko na sila pagbibigyan pa, maghalo na talaga ang balat sa tinalupan!"

"Siya nga pala, bakit hindi kana pumapasyal dito? At totoo ba iyong nabalitaan ko na nag di date kayo ni Atty. Joseph?"

"Oo... Tutal binata siya, dalaga naman ako." ang kinikilig pa na si Liziel.

"Ang landi mo!" sabay kurot sa braso ng kaibigan na hindi parin nawawala ang kilig.

"Ingat ka, kasi balita ko may humahabol sa kanya na babae. Baka pagdating sa huli iiyak ka."

"Sanay na ako sis na pinaiiyak, para namang hindi mo rin alam ang talambuhay ko."

"Kaya nga mag iingat ka, ayaw ko ng makita kang bumalik sa beerhouse ni Mang Douglash."

Nagtawanan ang dalawa ng maalala nila ang nakaraan.

~~~~

"Tita, pwedi bang samahan mo ako sa restroom?"

"Sige Weng at mag retouch din ako, baka susunod si papa Joseph ko."

"Hay naku! Liziel, pati si Weng matoto ng mag nobyo niyan."

Namula si Weng Cheng dahil may crush na ito.

"Hahaha...! Namula si Weng!" ang buska ni KJ.

"Tama na iyan baka mag-aaway pa kayo." ang awat ni Cora.

Pagkatapos nilang kumain ay, nag arcade sila at doon inubos ang kanilang oras. Napakasaya nilang mag ina, nakalimutan nila ang mga pinagdaanan kahapon.

Papauwi na sila ng biglang may nakasalubong sila.

"So..? Namasyal din pala kayo?" si Miles kasama ang mga anak.

"Mommy, sila po ba ang mga siblings namin?"

"No! Hindi niyo sila kapatid!" ang sigaw ni Miles, sabay hila sa mga anak niya at walang nagawa ang mga bata kundi ang sumunod sa ina nilang galit na galit.

Umuwi na rin sila at kahit may nasalubong silang tegre ay hindi sila nagpadala.

Pagdating sa kanilang bahay, ay kanya kanya na sila ng pahinga.

"Diyos ko kung ano ang kagustuhan niyo kayo po ang masusunod. At sana patawarin niyo po ako sa mga hakbang na aking gagawin at sana patnubayan niyo ako."

Natulog ni Cora at bukas sisimulan na niya ang kanyang mga plano.

BABANGON AKONG MULI(ISANG DAKOT NA BIGAS BOOK 2) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon