Chapter 1

5.1K 79 4
                                    

BABANGON AKONG MULI

BOOK 2( ISANG DAKOT NA BIGAS)

written by: Sheng

"Hoy..! Cora, gising!"

"Britt..! Ikaw pala? Kanina ka pa ba?" ang nagulat na si Cora.

"Relax ang ganda mo pala talaga kapag tulog, iyon nga tulo laway." at nagtawanan na sila.

"Sumimangot ka na naman. Bad dreams?"

"Oo, siguro kung hindi dahil sayo, matagal na talagang patay ang mga anak ko."

"Ano kaba, nakaraan na iyon, ang mahalaga ay bumangon ka at take note dumating ako sa tamang panahon."

"Kaya nga napakalaki ng utang na loob naming mag iina sa iyo."

"Huwag na nga natin pag usapan iyan, ang isipin mo ngayon ay kung paano mapasok ang Pimentel Empire. May mga plano kana ba?"

"Wala pa nga. Bakit ikaw mayron na?"

"Tingnan mo itong néws paper."

"So, pabagsak na pala sila at kailangan ng investors."

"Tamang-tama, ikaw ang

i-assign ko doon. Hindi ba iyan ang matagal mong pangarap, kaya ka nagsikap? Kaya panahon na para ipakita mo sa kanila na nakabangon kana."

"Salamat talaga Britt ha, kung hindi kita nakilala nako! Baka kung saan na kami ngayong mag ina."

"Huwag mo ng isipin iyon, tutal halos anim na taon na ang lumipas, hindi na ikaw si Cora de Julian, na magnanakaw ng bigas. Kundi si Cora de Julian a successful businesswoman na hinahangaan ng lokal at international business community. Kaya pwedi ba tigilan mo na ang kakapasalamat sa akin. At isa pa malaki din ang naitulong mo sa akin, kung hindi ka rin dumating baka sa kangkonan na rin ako ngayon kaya patas lang tayo."

"Oo na..! Balik tayo doon sa ipinunta mo dito sa opisina ko."

"Iyon na nga, usap usapan ngayon na ang isa sa pinakasikat na business empire here and abroad ay papalubog na at kailangan nila ng makakapitan. But of course hindi sila umaamin na palubog na sila."

"Sige, Britt ako ang bahalang kumilos, oras na siguro para magpakita sa kanila."

"Sige kung iyan ang gusto mo. Siya nga pala may meeting pa ako maiwan na kita." sabay halik sa pisngi ng kaibigan.

"Okay, salamat sa dalaw."

Naiwan si Cora sa kanyang opisina na nakatingin sa labas ng building.

~~~

"Aling Mary Grace, pwedi po ba na sa akin nalang iyong tira ng anak niyo na pagkain? Kasi nagugutom na ang mga anak ko."

"Ay..! Hindi pwedi! Para sa aso at manok namin iyan!"

"Kahit kunti lang po, nagmamakaawa po ako sa inyo."

"Lumayas ka na nga riyan baka ipakagat pa kita sa aso ko kasi aagawan mo pa ng pagkain.!"

Walang nagawa si Cora kundi ang umalis, at dumaan sa tindahan ni Aling Linda.

"Aling Linda, pwedi po bang makautang kahit isang biskwet lang para po maipantawid gutom ang mga anak ko."

"Pasensiya na Cora, pero wala pang buena mano, kaya sa iba ka na lang mangutang."

Wala talagang tumulong sa kanila kahit isa sa mga kapitbahay niya kaya umalis siya sa lugar na wala sa sarili, at dahil sa problema ay hindi nito napansin ang paparating na kotse at nabundol siya.

BABANGON AKONG MULI(ISANG DAKOT NA BIGAS BOOK 2) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon