Chapter 2

2.1K 54 4
                                    

Habang kumain sila ng hapunan sa isang sikat na restaurant  ay nahagip ng kanyang mga mata si Cora, kinurapkurap pa nga niya ang mga mata dahil baka namalikmata lamang siya pero bigo siya dahil naghuhumiyaw ang katotohanan na buhay nga si Kenneth at masaya ito, kasama ang isang babae at dalawang bata na sa tingin niya ay 11years old at 10 halos kaidad ni Rachma.

Gusto na sana niya itong lapitan at kumprontahin pero, pinigilan siya ni Britt. Nakita pala nito ang nakita niya.

"This is not the right time to face him Cora, so please control your emotions."

"Mga anak bilisan niyo ang pagkain para makauwi na tayo."

"Nanay, manonood pa tayo ng sine di po ba?" ang tanong ni Rachma.

"Kaya nga bilisan niyo, para makahabol tayo sa last full show." ang salo ng binata alam kasi nito na pinipigilan lang ni Cora ang sarili.

Samantalang si Kenneth ay napatingin sa harapan nila at parang pamilyar sa kanya ang babae, kahit nakatalikod ito

pero hindi matandaan kung saan niya nakita ito.

"Hon, are you okay?" ang tanong ni Miles sa kanyang asawa kasi napansin niya itong napapikit.

"Wala naman, may parang nakita lang ako na kakilala."

"Ganon ba? Sige Trexie at Tresha, bilisan niyo na ang pagkain mukhang masama ang pakiramdam ng daddy niyo?" ang pataray na sabi ni Miles.

Siya si Miles Olivar, isang sikat na modelo, pero dahil sa kagustuhan ng kanyang magulang ay nagpakasal siya na wala sa oras kay Kinneth Pimentel isang sikat na business man. Dahil kung hindi siya papayag ay makukulong ang kanyang ama dahil sa utang nito sa pamilya ni Kenneth at siya ng hininging kabayaran ng magulang ni Kenneth. Kaya kahit labag sa kalooban ay pumayag siya. At sa London na sila nanirahan at kababalik lang nila ng Pilipinas upang ayosin ang kumpanyang ng mga Pimentel na papalubog na dahil sa kapabayaan ng ina nito na si Minerva.

"Honey, pwedi bang dumaan muna ako sa sementeryo gusto ko lang dalawin ang libingan ng mag ina ko."

Kahit nakasimangot ay pumayag

din ang babae, kahit naman papaano nagseselos din siya.

"Ano, aalis na ba tayo?" ang tanong ni Britt.

"Sige po tito, baka po hindi natin masimulan ang movie." ang sagot ni Weng.

"Ito talaga si Weng kahit kailan laging nauuna." ang hirit ni KJ.

"Nanay, o, si kuya nang aasar na naman."

"Tama na iyan mga anak at baka lalo tayong matatagalan." ang matamlay na saway niya sa mga anak.

"Ano pa ang hinihintay natin tayo na !" ang pinasiglang boses ni Britt upang mawala ang sad moment.

Umalis na sila ng restaurant at sa huling pagkakataon lumingon siya sa pwesto nila Kenneth at lalong nagpupuyos ang kanyang damdamin ng makita niyang masaya si Kenneth kasama ang pamilya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at nagulat si Kenneth bakit kilala niya ang babae, pero imposible patay na si Cora. Hahabulin niya sana ito pero pinigilan siya ni Miles.

"Saan ka pupunta?"

"Sa mens room lang."

"Siguraduhin mo lang ha, kasi nakita kitang nakipagtitigan doon sa babae."

"Ano ka ba naman pati ba dito, dinadala mo ang kamalditahan.!"

"Ano ba mommy? Daddy? Magsisigawan ba talaga kayo dito?

"Iyang ama ninyo, kung sino sino ang tinitingnan.!"

"Tumigil ka na nga Miles! Sige, tapusin niyo na nga ang pagkain niyo at may pupunahan pa ako."

Habang nalibang ang mga anak ni Cora sa kanilang pinanunuod ay, nag uusap sila ni Britt.

"Sinasabi ko na nga ba, buhay na buhay siya! Pero itinago sa akin at ni hindi kami pinuntahan, o hanapin man lang, at kanina nagkita kami ni hindi ako nakilala? Ganon ba siya kadaling makalimot sa aming kanyang pamilya at iyong kasama niya mga bagong pamilya niya?"

"Tama na Cora, atleast ngayon mas lalong may batayan ka para pabagsakin sila lalo at andito ako sa likod mo."

"Salamat Britt, kailangang masimulan ko na ang mga hakbang ko, baka sakaling maalala niya na may pamilya siyang iniwan."

"Mahal mo pa ba siya?"

"Hindi ko alam, ang naramdaman ko kanina ay halo halong imosyon, galit, suklam, pagkasabik na mayakap siya. Basta hindi ko alam at bakit hindi niya nakilala ang mga anak namin?"

Hindi na sumagot ang binata, isinandal nalang niya sa dibdib niya si Cora at niyakap ito at hindi tumutol si Cora. Ang daming naiisip si Cora kung paano mapasok ang kompanya ng mga Pimentel at kailangang paghandaan niya ang paghaharap nila ng dating asawa na nag abandona sa kanila.

"Kenneth? Sinabi sa akin ni Miles na may katitigan ka raw sa restaurant na isang babae?"

"Nagsumbong na pala siya? Mayron nga at may kamukha siya, si Cora."

Nang banggitin niya ang pangalan ni Cora ay namutla ang kanyang ina.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakalimutan ang hampas lupang iyon!"

"Mommy, ang hampas lupang iyon ay ina ng aking mga anak! At hindi ako titigil hanggat hindi ko malaman kung ano ang ikinamatay nila."

Biglang namutla si Minerva sa sinabi ni Kenneth.

Sa totoo lang hindi niya alam kung talagang patay na ang mag ina ni Kenneth.

'Kailangang maunahan ko siyang mahanap ang mga bastardang iyon! Hindi ako papayag na sila ang magpakasasa sa kayamanan ng mga Pimentel,nadispatsa ko na ang ama ni Kenneth kaya hindi siya papayag na papalpak siya.

Dating magkaibigan ang ina ni Kenneth at si Minerva pero dahil mayaman ito kaya ito ang pinili ni Roberto ang ama ni Kenneth, at ng mamatay ang kanyang ina at nagkita sina Minerva at Roberto ulit kaya nagpakasal sila. Pero bago mamatay ang kanyang ina ay nagpagawa na ito ng kasulatan na ang tanging mga anak lang ni Kenneth ang magmamana ng kayamanan nito. Kaya ginawa ang lahat ni Minerva para mawala ang pamilya nito. May anak siya kay Miles pero hindi iyon ang taga pagmana dahil hindi sila kasal ni Miles. Dahil kasal na sina Cora at Kenneth.

Pero sadyang maliit lang ang mundo. Isang araw habang trapik ay napatingin si Minerva sa labas ng bintana ng kanyang kotse ng masipat niya si Cora.

"OH! MY God, buhay nga siya at bakit nakakotse siya di ba mahirap pa sa daga iyon at walang pinag aralan?" susundan na sana nya ito ng biglang may banggaan sa harap niya kaya hindi na niya nasundan pa. Pero nangangako ito na hahanapin niya ang babaing iyon upang tuloyan ng walisin sa buhay namin.

Tuwang tuwa si Cora sa kanyang nakitang pagkagulat sa mukha ng ina ni Kenneth.

"Huwag kayong mag alala malapit na tayong magkaharap harap din tayo, at pagdating sa araw na iyon, sisiguraduhin ko na kayo naman ang bibigyan ko ng isang libo.!"

ang sigaw niya sa loob ng kanyang kotse.

BABANGON AKONG MULI(ISANG DAKOT NA BIGAS BOOK 2) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon