Chapter 5

1.8K 52 1
                                    

"Miles, dadaan tayo sa saloon ha, kailangang maganda tayo, para sa sunday."

"Naman mommy! 'At para maging maganda ulit ako sa paningin ni Britt. ' ang dugtong niya sa isip.

"Siya, sige Trixie at Tresha bilisan ninyo."

"Opo, lola." ang sabay na sagot ng dalawang bata.

Habang sila Cora naman ay masayang naglalaro sa arcade at tuwang tuwa ito dahil sa nakita niyang kasiyahan sa mga mukha ng mga anak. Lalo na si KJ na alam niya na may mga tanong ito, tungkol sa ama pero, sinarili nalang. Pinipilit niyang gampanan ang pagiging ama at ina. Mabuti nalang at kapag tungkol sa pagbibinata nito ay si Britt ang kausap at natutuwa siya at magkasundo ito at ang mga anak.

"Nanay, sana kasama natin si tatay no?" ang sabi ni Weng na siyang pinakamalapit sa ama.

"Anak, Weng, halika ng dito sa tabi ni nanay. Alam mo anak, matagal ng wala ang ama niyo kaya pwedi ba huwag mo na siyang hanapin. At saka, hindi pa ba ako sapat sa iyo?" ang lambing niya dito.

"Na mis ko lang po siya."

"Hindi kita masisisi anak, kasi alam kong papa's girl ka eh. Huwag kang mag alala hindi ako nagagalit saiyo." at niyakap ang anak.

Natapos ang araw nila sa kakaikot sa mall at kumain sila. Dumating ang araw ng party at ang stockholders meeting.

"Kenneth...! Bilisan mo na at mahuhuli na tayo sa meeting at sa party." ang nagmamadaling ina pero hindi maitago ang kaba.

Sa meeting hall ay andun na ang lahat ng stockholders at ang mga board of directors, mga may matataas na katungkulan sa Pimentel Empire. Maliban kay Cora na nagpahuli kasi si Britt ang haharap at si Joseph.

Nagsimula na ang meeting at nagulat si Kenneth sa kanyang natuklasan, dahil ang akala niyang siya parin ang major stockholder. Iyon pala ay wala pang 25% ang kanyang shares. Galit na galit itong nakatingin sa ina, at nagtaka siya kung bakit nagkaganon e, wala siyang pinirmahan na bininta niya ang 15% ng kanyang shares.

"Diyos ko, bakit nagkaganito ang lahat?" si Kenneth pagkatapos ng hindi niya maisip kung bakit nagkaganon. Hindi na siya dumalo sa party, hindi kayang makipagsaya kung mawawala na sa kanya ang kumpanyang pinaghirapan ng kanyang mga ninuno.

Samantalang si Cora ay pababa pa lang sa kanyang kotse at siyang pag alis ng kotse ni Kenneth.

"Ladies and Gentlemen.!"

"Nais kong ipakilala sa inyo ang bago nating president ng Pimentel Empire, ang bagong nagmamay ari ng kumpanya!"

"Once again! Ladies and Gentlemen!

"Cora de Julian...!"

Natulala si Minerva sa kanyang nakita ang babaing hampas lupa at kaagaw sa kayamanan ng mga Pimentel.

"Hindi ito maaari! Palabasin ang babaing iyan wala iyang karapatan na angkinin ang kumpanya ko!" nagsisigaw ito habang nilalapitan niya si Cora at sinabunutan ito.

"Ang kapal ng mukha mong angkinin ang pag aari ko.!"

Mabuti nalang at napigilan ito ni Britt. Samantalang si Miles ay hindi makapaniwala ang dating asawa ni Kenneth, buhay? At ang pinakamatindi ay ito na ang nagmamay ari ng kumpanya nito.

Nagtaka din siya at bakit magkakilala ito. Naghihestirikal na si Minerva, at nagbanta ito na babawiin niya ang kumpanya.

"Mangkukulam ka talaga! Sa tuwing nagtatagpo tayo ay may masamang nangyayari sa akin.! Miles! Halika na uuwi na tayo ayaw kong mapalapit sa eskwater."

"Ito ang tandaan mo! Lahat ng kaapihan na natanggap ko mula saiyo! Sainyo ng anak mo! Ibabalik ko sa inyo, paisa isa. Pero sa ngayon, magsasaya muna ako, at bukas magsisimula na tayong maglaro." Sabay talikod at nakiparty na.

"Mommy, siya iyong babaing pumatid sa akin sa isang mall. Hindi ko masyadong namukhaan."

"Hindi ka pa ba uuwi? Ayaw ko makihalubilo sa isang amoy eskwater."

"Dito na lang po muna ako, tutal party ito ng kumpanya kaya welcome ako. At may plano pa ako, kaya mauna na po kayo."

Hindi na nakatapos magsalita ang manugang umalis na si Minerva na hiyang hiya. Dahil siya na reyna ng mga Pimentel ay napaalis sa kanyang trono.

Pero nangako siya na babalikan niya si Cora kung nagawa niya itong patayin, sa isip ni Kenneth, magagawa na niya itong tuloyang patayin.

"So...! Ikaw pala ang patay na asawa ni Kenneth na buhay pala." ang nang uuyam na si Miles.

"Ako nga! Bakit? May angal ka?" ang sagot din ni Cora.

"Ang yabang mo! E, kung alam lang ni Britt kung sino ka talaga, baka isuka ka pa niya." ang nang iintrigang si Miles.

"Aws! Talaga lang huh? Bakit nga ba kita pinatulan! Diyan ka na nga!"

sabay talikod ni Cora.

Lalong nagngingitngit si Miles. Pero wala siyang nagawa kundi ang magmura na lamang. Natapos ang party na masaya ang lahat maliban kay Miles na nakabusangot sa isang sulok habang umiinom ng alak.

Kinabukasan kahit madaling araw ng natapos ang party ay maaga pa ring pumasok si Cora, gusto niyang makita si Kenneth. Kahit kinakabahan ay excited parin siya.

" Talaga nga pa lang gagawin mo ang lahat maabot mo lang ang kinalagyan mo! Kahit katawan mo ay ibibigay mo! Makuha mo lang ang gusto mo.!" ang bungad sa kanya ni Kenneth.

Natulala si Cora, hindi siya makapaniwala na ganon ang pagkakilala nito sa kanya. Ni hindi man lang siya nakapagpaliwanag sa lalaki. Dahil agad itong umalis.

BABANGON AKONG MULI(ISANG DAKOT NA BIGAS BOOK 2) completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon