CHAPTER 6

3 1 0
                                    

"Thank you for the ride. Ingat ka." I sincerely said when we arrived at the street where he usually pick me up.

"Thank you also, for giving me a chance to be with you. Matagal na kitang pinapangarap Solidad. I just didn't have the guts back then, but now I'll do anything to prove how sincere I am for you."

Pinamulahan nanaman ako ng mukha pero mabilis akong nakabawi lalo at ayokong ipakita sa kanya na apektado ako sa bawat salitang binibitiwan n'ya.

" Sus! Ang cheesy ha! Baka dagain tayo dito. Sige na uwi ka na, walang kasama yung Lola mo."

"You go first. I'll leave when you're finally home."

"Sige. Bye."

Sa kagustuhan kong umalis na sya dahil hindi ko kinakaya yung presensya nya kapag ganyang seryoso sya ay umalis na ako at binilisan ang pagpasok sa bahay namin.

When I entered our house, I felt the need to wander in another place again but as what I've said earlier, I'll start embracing this life. This life with my family.

"Pumunta dito si Aling Nena kanina, tinatanong kung bakit hindi ka na raw pumasok sa karinderya ng biglaan? Ano ka ba naman Solidad, hindi kita pinalaking ganyan! Kung ayaw mo na mag trabaho doon ay dapat sinabi mo sa tao, napaka iresponsable mo talagang bata ka! Hindi ka manlang nahiya!"

Pero pagpasok ko pa lang ng bahay namin ay iyan na kaagad ang bumungad sa akin. Ang mga maanghang na salita galing sa Nanay ko.

The idea of going in that place again is killing me. That's where I met the person who tried to rape me. It is so insensitive of my mother to not think of the reason why i didn't want to go there.

"Pasensya na po Nay, ah eh hahanap na lang po ako ulit ng ibang paraan para makatulong dito sa bahay."

"Dapat lang Solidad, dahil dito ka pa rin nakatira. At palagi mong itatak d'yan sa utak mo na may responsibilidad ka sa pamilyang to! Huwag ka ng gumaya d'yan sa tatay mo na umaasa na lang sa pagtugtog! Musika, Musika! Pwe!"

Napayuko na lamang ang Tatay ko ng dahil sa narinig nya sa Nanay ko. Palagi naman ganoon. Para hindi na humaba ang pag-uusap ay hinahayaan na lamang nya ang mga pang-aalipusta sa kanya at sa akin ng Nanay. Nagsasalita lamang sya kapag dumating na sa puntong sinasaktan na ako ng Nanay ng pisikal.

Masakit 'yon alam ko. Masakit marinig na dapat ang taong nangungunang susuporta sayo ay syang taong humihila sayo pababa.

"Palagi po yang nakatatak sa utak ko Nay, hindi ko po kinakalimutan. Taas po muna ako," nasabi ko na lang dahil konting-konti na lang babagsak nanaman yung luha ko.

Ilang minuto akong nakahiga lang at nakatitig sa kawalan dahil mas pinili kong huwag umiyak ng pumasok sa kwarto ko ang kapatid kong bunso. May dala itong pagkain galing sa isang fast food chain. Siguro ay binili ni Nanay para sa kanila kanina noong wala pa ako.

"Hi ate, kain ka po. Hati tayo."

"Nako bunso, para sayo 'yan, kainin mo na kasi busog pa naman si Ate."

Nakakaiyak na sa bahay na  ito, sa kapatid kong bunso lang ako nakakaramdam ng tunay na kapanatagan at pagmamahal. Sa bata nyang isip ay malawak na ang kanyang pag-intindi sa mga bagay bagay.

"Itinabi ko po ito para kainin nating dalawa, magtatampo ako sayo kapag di mo kinain 'to Ate."

"Sige na nga! Ang cute talaga ng bunso namin, kaya love ka ni Ate eh!"

"Ayan, naka smile ka na Ate! Sana lagi ka na lang naka smile at masaya Ate, ayokong malungkot ka."

"Okay sige, para sa'yo palagi na mag smile si Ate okay ba yon?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding My SolaceWhere stories live. Discover now