CHAPTER 5

9 3 0
                                    

"Ano ba naman yan Helena! Tumigil ka nga, huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang anak mo!" bulyaw ng Tatay ko ng maabutan nya ang nangyayari sa pagitan namin ng Nanay ko.

"At kailan ka pa nagkaroon ng papel sa pamilyang ito Leandro para pigilan ako sa gusto kong gawin d'yan sa anak mo?"

"Anak natin Helena,"

"Ay ewan, tangina magsama nga kayo! Kailan ba ako makakalaya sa letseng bahay na 'to!"

Matapos ang senaryo na iyon ay umakyat na lamang ako sa kwarto para doon magmukmok. Gusto ko nanaman maiyak pero hindi ko ginawa dahil nakakapagod rin. Nakakaubos.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at naroon pa rin sila. The moon and the stars above. Sila yung nand'yan kapag malungkot ako. Kapag umiiyak ako at nanghihina ako. Nasaksihan nila lahat 'yon at ang ideya na iyon somehow saddens me dahil kahit isang tao lang sana, kahit isa lang ayos na ako pero wala. Isang tao na makakasama ko sa mga panahong hindi ako maayos. Isang tao na mapagsasabihan sabihan ko ng lahat lahat.

Matapos ang malalim na pag-iisip ay nahiga na ako at nagpakalunod sa lungkot hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan ay napilitan akong bumangon dahil kahit gustong gusto kong magmukmok na lang dito ay hindi pwede. Kailangan kong mag-aral. Oo, sa ngayon pakiramdam ko ang pag-aaral ay isa na lamang pangangailangan at hindi kagustuhan. Dahil araw-araw parang nauubusan na ako ng dahilan para magpatuloy pa. 

"Nay, pasok na po ako." Paalam ko sa Nanay ko ng makasalubong ko sya sa pintuan. Marami syang bitbit na mga pinamili, kasama na roon ang pagkain mula sa isang kilalang restaurant. Napatingin rin ako sa leeg nya at kapansin-pansin ang kumikinang na kwintas doon. Ngayon ko na lamang sya napagmasdan ng ganito dahil sa mga nagdaang araw ay mas pinili kong magmukmok.

"Ano pang tinitingin-tingin mo? Halika na at baka sabihin mo ay napaka walang kwenta ko naman talagang Ina dahil hindi kita niyayang kumain."

"Ah, hindi na Nay, sa school na lang po ako kakain"

"Bahala ka nga"

Kataka-taka kung saan sya kumuha ng pambili ng mga iyon gayong kapos kami sa pera pero binalewala ko na lamang iyon at naglakad na.

"Good morning Villegas" nagsulat ako ng makita ko si Dexter na naghihintay sa akin sa may kanto.

"Ah eh, magandang umaga rin. Ano naman ang ginagawa mo rito?"

"Kung hindi pa obvious sayo, sinusundo ka"

"Ha? Bakit naman?"

"Kasi, gusto ko. Sakay na. Ayokong malate."

Hinagis nya sa akin ang helmet at wala na akong ibang nagawa kundi ang salohin iyon at sumakay katulad ng gusto nya.

Katulad ng unang beses na sumakay ako sa motor nya, sobra pa rin yung naramdaman kong kaba. Para nanaman may paru-parong nagpipilit kumawala sa tiyan ko.

"Hindi dyan ang kamay. Dito," Aniya at mabilis na inilipat ang kamay ko sa bewang nya.

"Sus! Tsansing ka masyado ha!"

"Nag-aalala lang naman ako na baka malaglag ka dahil nanginginig yung kamay mo habang nakakapit sa balikat ko. At least d'yan mas okay hindi ba? Tsaka if I know gusto mo rin naman" Sabi nya na may kasamang halakhak.

"Hoy ang kapal mo!" if I have a mirror with me, I'm sure I'd look so red now. How dare he use his moves on me?! Hindi ko pa nakakalimutan na mapaglaro sya kaya dapat kong bantayan ang sarili ko dahil baka matalo ako sa huli.

Matapos ang ilang minuto ay hindi ko na namalayan na nakarating na rin kami sa school dahil sa sobrang hiya ko kanina.

"Baba na, napasarap ka masyado d'yan" he said chuckling.

Finding My SolaceWhere stories live. Discover now