Simula

38 3 0
                                    

Kanina pa umiihip ng malakas ang hangin. Bukod pa ro'n, kita at ramdam 'ko na ang kakaibang dulot ng madilim na langit. Parang kaninang umaga lang ang aliwalas ng langit pero ngayon, kulang na lang ay bigla kaming bagyuhin.



Simula nang makita niya yung lalaking yun, bigla na lang nagkaganito ang panahon. Gusto 'ko na tuloy paniwalaan na nakabase sa nararamdaman niya ang panahon.




Pinanood 'ko ang paglalakad niya papunta sa dalampasigan. Umabot na ang maaliwalas na tubig sa paa niya. Walang alinlangan na binabad niya sa basa ang sapatos niyang mamahalin pati na ang beige niyang pantalon. Tulala lang siya sa dulo ng dagat habang nakapasok sa mga bulsa ang mga kamay niya.




Ang sarap niyang panoorin. Pakiramdam 'ko, nabubusog ang puso 'ko sa tuwing ganito ang eksena niya. Depende na lang talaga kapag nagsasalita ang walang modo niyang bibig. Kapag nangyayari yun, gusto 'ko na lang siya tapalan ng masking tape.




Hinangin ang buhok niya kaya inangat niya ang kanang kamay para ayusin ang nagulong buhok. Lumitaw ang kumikinang na kadena sa kanyang pulsuhan. Naaakit ako sa tuwing makikita 'ko na parehong may kadena ang bawat pulso namin. Pakiramdam 'ko... connected kami.




Ano bang meron sa lalaking yun para magkaganto si Calypso? Magkakilala na ba sila simula dati? Meron ba silang history? Connected din ba sila?




Tumayo ako at naglakad para malapitan siya pero hindi pa man din ako nakakalapit ay lumingon siya agad sa 'kin. Huminto ako para salubungin ang mapanghusga niyang mga mata.




"Don't get close to that man," mahina niyang sambit habang nakatitig sa mga mata 'ko. "He's nothing but trouble, Iris Selene."




Tumango ako. Rule number two; always obey the guardian. Wala na naman akong choice kundi sundin ang rule na nilatag niya sa 'kin.




"Sino ba yun?" Sinimulan 'kong maglakad para makalapit sa kanya. Huminto lang ako nang marating ang tabi niya.




"No one." Matigas niyang sagot at iniwas ang tingin sa 'kin. "Wag mo na pansinin yun." Tumango ulit ako.




"Ginalit ka niya," wala sa sariling bulong 'ko, "gusto mong resbakan 'ko?"





Pinanood 'ko na lang ang kumakalmang hangin. Nawawala na rin ang madilim na langit at gumaganda na ang panahon. Lumingon ako kay Calypso nang makita na nakangiti na siya habang nakatingin sa dagat.





"Kapag ginawa mo yun... ikaw lang din ang mapapahamak." Walang alinlangan niyang sagot. "Diyos yun ng araw. Kalaban mo."





Nanlaki ang mga mata 'ko at gulat na tinignan siya. Ang lalaking lumapit sa 'kin kanina ay isa ring diyos? Wow! Kakaiba na talaga ang buhay 'ko. Mamaya magulat na lang ako na iba na ang lumapit sa 'kin. Mamaya si Kamatayan na o kaya ay si Bathala!





"Mukha naman siyang mabait. Matagal na nagkasundo sina Apolaki 'saka Mayari, 'di ba?"





Tumango si Calypso para sabihin na tama ang sinabi 'ko. "Oo pero kayo ang mga sumunod kala Mayari at Apolaki bilang tagapangalaga ng araw at buwan. Iba mag-isip si Kiko."





Kiko. Ayon pala ang pangalan ng lalaki na lumapit sa kanya kanina.





"Hayaan mo na," pagkuha 'ko sa atensyon niya. Umaliwas na nga ang panahon. Ayoko na muling padilimin ang langit. "Kapag may ginawa siyang masama sa 'kin, nandiyan ka naman sa tabi 'ko para iligtas ako 'di ba?"





Odd One OutWhere stories live. Discover now