7th Chapter

18 5 2
                                    

~

"Kuya! Hindi nga kasi siya ang gusto ko!"

Kanina ko pa sinasabi kay kuya na hindi ko gusto si Kenneth nga eh!

"Ano mo siya? Ba't kayo magkasama at naghahabulan pa?"

"He's just my friend." Angil ko pa, Kuya Louisse is in the backseat, he put his headphone para hindi kami marinig ni Kuya.

"Diyan nagsisimula lahat Krystal, sa pagkakaibigan." I rolled my eyes, how could we like each other kung diring-diri kami sa isa't isa?

Kuya can't just understand it!

"Don't force someone to believe you, kung ayaw maniwala ni Kuya ay wag mong pilitin." Biglang sabat ni Kuya Louisse na nakadungaw lang sa bintana.

"I didn't ask your opinion Louisse," Maowtoridad na saad ni Kuya.

"You're now using your power as the older when I am even right," I just patiently close my eyes sasakmalin ko talaga kayo pag nag-away kayo ewan ko nalang talaga!

"Stop it Kuya Louisse." Pagpipigil ko may Kuya Louisse, sa sobrang talino niya ay palagi pa naman siyang tama at hindi kailanman tumatanggap ng pagkatalo same as our older brother.

"Ako na naman ba?" Nilingon niya ako, nakita ko 'yon sa reflection.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa, ang sa akin lang ay sana po tumigil na kayo." I look at him, he looked away. "Sawa na ako sa kakasigaw at sumbat ni mommy sana naman po ay wag na pati kayo." Mahinahon kong saad, ayokong ma misunderstand nila ako.

Hindi naman ako malapit ni isa sa kanila, ngayon lang kami nagkasama-sama sa iisang kotse. We just talked when our parents are around us, pretending that we're close. Busy si Kuya Kit, Kuya Louisse with his ego and pride at ako naman ay nahihiya at hindi malambing na bunso.

"If you just give what our mother want then she'll never scold you," Pangaral ni Kuya Louisse, nakita ko kung paanong humigpit ang kapit ni Kuya Kit sa manibela.

I held it, he look at me, I shake my head telling him not to do what's in his mind. Kumalma ito, ayokong mag-away sila ng dahil sa akin.

Nakarinig kami ng pagkabasag sa loob ng bahay, sigaw ni mommy ang namutawi. Kaagad akong bumaba, ano na naman ba ang nangyari dito?

"How dare you to accuse me na may kabet ako at hardinero pa talaga natin?" Sigaw ni mommy, "Kung mangangabet nalang rin ako ay 'yon namang mas lamang sa 'yo!" Tumaas ang presyon ng dugo ni mommy.

"Baka ikaw ang may kabet at hindi talaga ako?" Natatawang saad ni mommy.

"Sa akin mo ibinubunton ang kasalanang nagawa mo, really Ermilinda?"

"Shut up Luiz!" Sobrang lakas ng pagkasigaw ni mommy no'n.

Parang binawi agad 'yong sayang naramdaman ko kahapon lang, parang pinasaya lang ako tapos ay paiiyakin din pala ako.

"Sa kwarto na kayo Louisse and Krystal." Utos ni Kuya Kit but I didn't moved, I can't take it that my parents would take apart.

Hindi ko kaya.

Hinila ako ni Kuya Louisse patungo sa kwarto namin, wala akong nagawa kundi ang magpatianod na lamang.

"Wag ka ng babalik doon kung iiyak ka lang rin naman baka masigawan ko si mama at papa." Hinaplos niya ang aking buhok saka ako sinamahang pumasok sa kwarto ko.

"Take a half bath then sleep and don't overthink little sis," He locked my room.

Dumapa ako sa kama ko, wala naman akong ginawa ay pagod na agad ako. Ginawa ko ang sinabi ni Kuya Louisse, nag half bath ako saka nagbihis ng pantulog.

Loving Him Secretly (Crush Series #6)Where stories live. Discover now