Chapter 69

1.2K 32 0
                                    

Elaine's Pov.

Nang bumalik ako sa room namin ay wala pa masyado ang mga kaklase ko ganun din si Diane siguro nasa canteen pa kaya umupo nalang ako sa upuan ko at inabala ang sarili sa pagbabasa ng librong dala ko.


"Hi Elaine." napaangat ang tingin ko at nakita ang class president namin na nakangiti sakin.

"hello, bakit?" tanong ko at nginitian siya at lumingon sakanya ng umupo siya sa tabi ko kung saan ang upuan ni diane.

"napapansin ko lang, bakit bigla bigla ka nalang nawawala at kapag bumalik ka may nagbabago sayo tulad ngayon nagbago ang itsura mo." napaiwas naman ako ng tingin sakanya at napailing


"wag mo nalang pansinin. Napagtripan ko lang talaga ang itsura ko ngayon." sagot ko at nginitian siya


"eh bakit kayo magkasama kanina ng bago nating teacher si prof luhence." napakamot naman ako sa ulo ko dahil masyado siyang mausisa.


"may tinanong lang." sagot ko at magsasalita pa sana siya mg dumating si diane kaya tumayo nalang siya at bumalik sa upuan niya.


"anong kailangan sayo ni pres?" nagtatakang tanong ni diane ng maka upo na siya sa tabi ko


"ewan ko sakanya." kibit balikat kung sagot at binalik sa loob ng bag ko ang libro na binabasa ko kanina.


"anyway saan pala kayo nagpunta ni prof?" tanong niya at may kinuha sa bulsa niya at binigay sakin ng tignan ko iyon nagulat aki ng makita ang favorite chocolate ko.


"binilhan kita nyan naalala ko kasi na favorite mo ito diba?" nakangiti niyang sabi kaya napilitang ngumiti naman ako at tinanggap.


"t-hankyou." sabi ko at nilagay sa bag ko sakto naman dumating si Miss dahilan para mapabuntong hininga ako.



Hindi ko na pwedeng kainin ang mga pagkain na favorite ko dati dahil ngayon tanging dugo lang ang pwede makapagpabusog sakin. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko at nakinig nalang kay Miss sa mga lesson niya dahil madami na din akong na miSs na lessons.


©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonWhere stories live. Discover now