Chapter 1

3.7K 87 0
                                    

Elaine's Pov.

Nasa pinto palang kami ng canteen ay agad na nagtama ang mga mata namin ni Drake kaya napangiti ako at napaiwas ng tingin.

"tinititigan ka ni Kuya." bulong ni Diane ng maka hanap na kami ng upuan, kaya napalingon ako sa dereksyon ni Drake at agad siyang umiwas ng mahuli ko ang titig niya.

"ano ba yan! Ang hina talaga ng kapatid ko,hanggang titig lang." reklamo ni Diane na ikina tawa ko ng mahina

"atleast ramdam kong may pag asa ako sakanya." nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Drake na abala sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagnakaw tingin niya sakin.

Pero nawala ang attention ko sakanya ng maramdaman ko ulit ang malalamig na titig sakin....pero hindi ko naman alam kong sino at kong nasaan siya kaya napayuko ako at kumain nalang.

"hindi man halata, pero may gusto sayo si kuya." biglang sabi ni Diane kaya muntik na ako mabulunan sa shake na iniinom ko

"pinagtritripan mo ba ako?" naka kunot ang noo na tanong ko, gusto ko isipin na totoo ang mga sinasabi niya pero malabo e dahil kahit magkaibigan kami ni Diane ay kahit minsan hindi ako pinansin ni Drake dahil hanggang tinginan lang kami.

"hindi kita trip dahil totoo ang mga sinasabi ko Elaine, trust me one day lalapitan ka rin niyan." ngumiti nalang ako.

Three years na kami magkaibigan ni Diane pero last year ko lang nakilala si Drake dahil sa newyork siya noon nag aaral.

At simula ng ipakilala siya sakin ni Diane kahit sa malayo lang ay agad ako nagka gusto sakanya pero hindi ako gumagawa ng moves para mapansin nkiya dahil hindi pa naman ako ganoon ka desperada na magustohan at mapansin niya.

After namin kumain sa canteen ay agad na kami bumalik sa room dahil baka dumating na ang susunod na teacher namin.

©sweetspicyqueen

Kidnapped By The DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon