Hindi sila naniwala. I can tell from their faces. They were both looking at me funny as if I was caught doing something dirty. Hindi na tuloy ako makatingin ng matagal sa kanila.

"Ikaw may boyfriend ka pala 'di mo sinasabi samin. Naku, alam mo bang balak kang ireto ng mga unyango du'n sa dulo kay Brennon." Sabi ma'am na mukhang walang balak palipasin ang topic. Tinuturo niya ng pulang ballpen ang puwesto ng iba naming ka-department na nasa kabilang desk.

Tumingin ako roon. Nandoon nga ang sinasabi niyang si Brennon na trainee rin kaso galing naman sa ibang school. Hindi ko alam kung narinig niya bang banggitin ni ma'am ang pangalan niya pero napagawi ang tingin niya sa amin, o sa akin kasi ako lang naman talaga ang nakatingin.

Umiwas ako.

"Ma'am," pakiusap ko sa mentor sa nalaman.

Gino's gonna be furious! Hindi ba't ito nga ang dahilan kaya nandito rin ako? Gino's making sure no guys will approach me behind his back!

Paano kung malaman niya? Suntukan na naman at kung mangyari nga sa munisipyo pa!

"Naku, hayaan mo na lang sila. Huwag mo na lang pansinin pag niloko ka nila. Mga siraulo mga nandu'n sa kabilang dulo."

"Tama, Rhian. Pag tinanong ka rin nila 'tsaka mo sabihin na may boyfriend ka na nga. Titigilan ka ng mga 'yan, tamo." suggestion ni sir na tinanguan ng kaniyang ka-trabaho.

"Check, baby girl."

Hindi ako napanatag at sa halip lalong nangamba. Bakit ko sasabihin sa kanila? That was the least thing I should do during my training here!

Bumaling uli ako roon sa mga empleyadong kalalakihan. Majority sa kanila mga nasa mid or early twenties pa lang na parang last year lang gr-um-aduate sa college. Gumawi uli ko roon sa trainee.

Brennon reminded me of Renzo. Napaka-neat ring tingnan na boy-next-door ang dating. Siguro kung nasa school lang namin ito baka naging karibal niya iyon sa mga tagahanga. Hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa akin at natauhan na lamang nang mapansin ko ang mga mapuputi niyang ngipin. Brennon smiled at me.

Napaiwas na naman ako.

Göd, Rhiannon. Paano kung isipin niyang chinicheck mo siya?

Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Gino nitong lunch. Magkakaroon raw kasi ng meeting mamaya sina Papa tapos nakisuyo sa kaniyang tulungan niya ang sekretarya para sa mga oras na wala siya sa opisina.

"Punta ako sa inyo mamaya pag tapos ng meeting nila." Sabi ni Gino bago siya umakyat ng hagdan. Nasa itaas na palapag pa kasi ang opisina ng city mayor.

I really wanted to spend time with him more. Hindi sapat sa akin ang oras namin kanina habang kumakain ng tanghalian, pero ayoko rin namang isipan niyang nagiging clingy na ako.

"Ok," sagot ko.

Tumitig muna siya sa akin hanggang sa bumaba ang paningin niya papunta sa aking labi. He licked his lower lip for a second before leaning in for a soft, quick peck. Humabol pa ng kaunti ang labi ko kasi parang nabibitin talaga ako sa kaniya ngayon. Hindi ko na nga naisip na baka may makakita sa amin pero duda naman ako kasi lunch ngayon at siguradong karamihan ng mga empleyado nasa canteen o nasa labas para kumain.

Ugh, ba't nga ba nagiging clingy na ako?

"Update mo ko." maaligasgas na sabi niya bago nagmamadaling pumanhik ng hagdan.

Bumalik na rin ako sa department ko at pagkapasok na pagpasok, nahagip agad ng paningin ko ang grupo ng mga kalalakihan sa tabi.

Lahat sila busy sa kani-kaniyang hawak na cellphone habang magkakakumpol. Pamilyar ako sa ingay na naririnig ko kasi madalas ding laruin ng mga classmates ko ang sikat na game na iyon tuwing break.

REBEL HEART | TRANSGENDER X STRAIGHTHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin