29

203 11 0
                                    

Chapter 29 


I don't believe in falling in love, because falling in love means your biggest downfall. I witnessed how girls cry over my twin, I remembered them begging to love them back by Sin. That's why I told myself, I will never fall in love in that kind of easy way. 



Evan, never make me feel falling. Kaya alam ko sa sarili kong hindi ganun kasakit kapag iniwan niya ako. Pero may side sa akin, na malungkot ng sobra. Dahil nasanay na ako sa presensya niya. 



Isang linggo bago ang graduation, my boss told me she want me to find an article on one of a rising author. Hindi niya sinabi ang name, kaya naman inexpect ko na baka nagandahan siya sa story kaya pinapahanap niya. 



Ang tagal ko na ring nagtatrabaho sa kanya, at marami na akong natutunan. Kaya lahat 'yon ay ginagamit ko talaga, para makagawa ng mga magagandang kwento. Dumarami na rin ang taga suporta ko, kahit na hindi nila ako kilala personally. 



"Saan tayo sa vacation?", tanong ni Evan. Habang kumakain ng popcorn, nandito kami sa condo niya nanonood ng movie. Pareho kaming walang pasok, kaya ito ang pahinga namin. 



"Ewan ko", sagot ko. 



"Hanap ka na, ako bahala", sabi niya. 



Nag isip ako, saan ko nga ba ulit gusto pumunta? Gusto ko mag coron Palawan, at Vigan. Pero may isang lugar akong gusto talagang punatahan noon pa man, dahil magandang manood ng sunset doon. "Marami akong gustong puntahan e", sabi ko. 



"Gaya ng?", tanong niya. Sinabi ko naman sa kanya lahat, at ang mokong attentive na pinakinggan ako. "Ang dami 'di ba?".



"E di puntahan natin lahat", sagot niya. 



"Ay mayaman ka?".



"Soon", kumindat pa siya. 



Kung sa tutuusin kaya niyang makapunta sa mga lugar na 'yon pero hindi siya ganoon. He wants to be successful on his own. He's not using his connection to go on top, he wants to go through the process. 



Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa akin, kung wala si Evan. Tinulungan at sinamahan niya ako sa lahat ng bagay. Kaya masasabi kong kinaya ko 'to kasama siya, sa apat na taon na magkasama kami mas nakilala ko siya. 



Kaya naman hindi ako magtataka kung bakit, marami ring nagkakagusto sa kanya. He's smart and talented. A very supportive son and brother, a protective friend. Paano pa kaya sa babaeng makakasama niya? Ang swerte ng babaeng makakatuluyan niya. 



He attended my graduation, and he looked a parent that proud to his daughter lol. Kaya natawa ako sa kanya, naiiyak pa siya. May isang taon pa siya sa architecture, pero sana naman kasama na niya ako doon. 



"Malayo pa ba?", tanong ko sa kanya. Dahil kanina pa kami naglalakad, hindi ko alam kung bakit naisipan niyang umakyat ng bundok. 



"Malapit na, mas maganda kasi kung nasa tuktok tayo", sagot niya. 



Tinulungan niya akong umakyat, kaya naman ng makita na ang sinasabi niya ay natuwa ako. Nakakapagod din 'to ha! At hindi ko alam kung bakit ito ang naisip niya. 



Nag assemble na kami ng tent, dahil pagabi na rin. Dalawang tent ang itinayo namin, matapos kong ayusin ang loob ng tent ko ay inayos ko na ang pagkain namin. Tanging huni ng ibon lamang ang maririnig, at ang hangin na tumatama sa sanga ng mga puno. 



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now