17

154 13 0
                                    

Chapter 17 

Hindi ako nagsasalita, basta na lang tumigil ang pagpatak ng luha ko. Nararamdaman ko siya, nasa likod siya ng pinto na hinihiligan ko. Para akong nakahanap ng kakampi, nakaramdam ako na may kasama ako na hindi lang ako nag iisa. 


"Tahan na…". He added, then I sighed. 


"Go away, Evan". Pag tataboy ko sa kanya, ayokong makita niya na mahina ako. I don't want him to use it against me. "Umalis ka na, pakiusap". 


"Hindi mo kailangan na magpanggap na kaya mo, Karen. Hindi sa lahat ng oras kailangan na malakas ka, na kaya mo, na tinatanggap mo lahat". Nagsimula muling tumulo ang luha ko, at pinipigilan ang paghikbi ko. "People can be weak sometimes, and it's fine…" 


Napapikit ako, sa tagal na ganito ako nasanay na ako. Kapag may okasyon, si Kyle lang ang nakikita, si Kyle lang ang magaling, siya lang ang angat. Oo, matalino si Kyle, hindi niya ako katulad pero anak din nila ako. Yes, I don't want medecine. Yet, I'm their child too. 


Tinatanggap ko naman e, pero bakit ganon? Ang sakit pa rin. Kasi syempre magulang ko siya, at gusto ko na suportahan niya ako. Gusto kong maging masaya siya para sa bagay na pipiliin ko, sa bagay na gusto ko at sa kung saan ako masaya. 


"Hindi kita kailangan, umalis ka na". Sagot ko saka na ako tumayo at nagtungo sa kama ko. Nagtalukbong ako ng kumot, at doon ako umiyak ng umiyak saka ako nakatulog. 


Maga ang mata ko paggising ko, kaya hindi muna ako bumaba. Pinakiramdaman ko kung nandito sila daddy sa bahay, pero mukhang wala kaya lumabas na ako ng kwarto ko. Naka hoodie ako, at tuloy tuloy na pumasok sa kusina, nagulat pa ako kung sino ang naabutan ko. 


"What are you doing here?" Tanong ko kay Evan, nagluluto siya. Ngumiti siya sa akin, kaya lalo ko siyang sinimangutan. 


Amg aga niya naman saka umuwi ba 'to? Bakit siya nandito? Saka bakit siya ang nagluluto? 


"Good morning!" Nakangiting bati niya. "Upo ka muna hindi pa luto 'yung omelette, what do you want for drinks in the morning?" Tanong niya habang binabaliktad ang niluluto. 




"You didn't answer me". I said. 



"Nagluluto, obvious ba?". Sarcastic niyang sagot sa akin, parang gusto ko tuloy siyang batuhin ng baso. "Maagang umalis ang parents mo, yung kapatid mo naman nasa school". 


"I didn't ask". Masungit na sagot ko. 



Nang matapos ang niluluto ay nakangiti niya itong nilapag sa lamesa, dahil sa gutom ko ay agad ko 'yung kinain. Sinabayan niya naman ako, masarap ang luto niya kaya hindi na masama. Marunong pala siya sa ganitong bagay, akala ko kasi puro kalokohan lang alam niya. 


"Nag pa enroll ka na?" Tanong niya, habang kumakain kami. 


Umiling ako. "Saka na siguro". 


"Good thing". Kumuha siya ng tubig saka uminom. "Sumabay ka na sa akin, kasama ko mga kaibigan ko. Mag papa enroll kami, what do you think?" Pag aya niya sa akin. 


"Wag na, kasama mo pala kaibigan mo e". Sagot ko, saka sumubo ulit ng kanin. 


Hindi na siya nagsalita, tumigil na siguro sa kaka kulit sa akin at naisip niyang wala akong balak sagutin siya ng maayos. Dapat lang dahil wala akong oras makipag kulitan sa kanya, kailangan kong mag aral. 


Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now