9

186 15 1
                                    

Chapter 09


Nakatitig lamang ako sa folder na naka lagay sa desk ko nandito ako sa canteen ngayon. Hindi ko naman magalaw ang pagkain ko, dahil ang isip ko ay nanatili sa folder. 



Naguguluhan ako, if he doesn't like me. Why would he help me? Kung ayaw niya sa akin, meaning… may pinaplano siya? 



Pero paano ko malalaman 'yun kung hindi ko susubukan? Kaso natatakot akong harapin 'yung consequences after nito. Naguguluhan na talaga ako. 



"Miss may kasama ka ba?" Nag angat ako sa lalaking nasa harapan ko, hawak ang upuan na nasa tapat ko. 



Umiling ako, ngumiti naman siya at kinuha ang upuan. "Salamat" 




I smiled back, I followed his direction then I saw him sitting beside… omg! Napa iwas ako ng tingin, hindi niya naman siguro ako namukhaan last time right? Hindi ko naman siya nilingon, saka hindi niya ako sinundan. 



"Labanan natin 'yung mga mayayabang na grade 12" sabi nung isa na lang kasama, samantalang seryoso lamang siya pagkain. 



"I'm busy, for nonsense staff". 



Woahh! Grabe, kinikilig ako sa mga sagutan niyang ganoon, halatang serious type siya. Nagbibiro kaya ito? Parang laging seryoso e. 



"Wala 'to pre…" nag apir pa 'yung dalawang kasama nila. "Duwag na si Jaist" 



Jaist… that his name? Omg! Ang swerte ko naman ata ngayon. Inabangan kong sumagot siya, pero hindi na 'yon nangyari. Binitbit ko na lang ang burger at coke na binili ko, pabalik ng room. Hawak hawak ko pa rin ang folder. 



Pagka uwi ko naman sa bahay ay naabutan ko si daddy na nagbabasa sa living room, nag beso lang ako kaya nakita ko ang binaba niya. Kontrata 'yon, pero hindi ko alam kung ano. Umakyat na ako agad para makapag palit ng damit, muli kong sinulyapan ang folder. 



Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo, kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. Sinisiraan niya si daddy sa akin, it means ayaw niya rin kay daddy. Does he dislike our whole family? Why? 



Pero ang lahat ng tanong sa isip ko ay nasagot ng gabing 'yon. 



"Malapit kayo sa anak ni Mr. Vergara?" Tanong ni daddy habang nasa hapag kami. 




"No, I don't like him" sagot ni Sin. 




"How about you, Sion?" Dad asked. 



Sumulyap sa akin ang kakambal ko. "Hindi rin po" 




"Well, be friendly with him" 



"W-what?" My twin reacted. 



"Kailangan natin siya, at ang daddy niya. So, kaibiganin mo siya Sion…" 



"D-dad?" 



"That's the only thing that you can give me…" 



Hawak hawak ang folder ay tinungo ko ang club office nila. Tama ba ang desisyon ko? O naguguluhan lang ako? Gagawin ko 'to para sa sarili ko right? At hindi para kay daddy? Naalala ko na naman ang huling sinabi niya kagabi. 



"Don't disappoint me this time". 



Kumatok ako ng tatlong beses, kaya may lumabas na babaeng maputi. Naka salamin siya, at kulot ang nasa ibabng bahagi ng buhok niya. Siya 'yung nakita kong kausap ni Evan last time. 



Until The Last Sunset (Senior High Series #3)Where stories live. Discover now