"Maayos din naman po ako pero masyado lang pong naging abala sa School kaya hindi na po ako nakapunta sa inyo." magalang na sagot ko.

"Ganoon ba? Aba'y hindi ba kayo nagkikita nitong aming si Samantha sa eskwela?" napatingin ako kay Samantha ng may pagkagulat. Animo nahulaan naman niya ang nasa isip ko kaya tumango siya.

"Schoolmates pala tayo? Hindi mo sakin nabanggit na doon ka din pala nag-enroll?" tanong ko sa kanya.

"Biglaan kasi, huli na din nung malaman ko na doon pala ako pina-enroll ni Dominic." sagot naman ni Samantha.

"Anong year ka na ba?"

"3rd year na ako, ikaw ba?"

"Aww sayang naman, akala ko pwede tayong maging magkaklase, 4th year na 'ko, eh."

"Huwag kang mag-alala, palagi kitang nakikita sa School, magkalapit lang din ang rooms natin at mukhang magkadikit lang din ang mga schedules, iyon nga lang hindi ako makalapit sa iyo dahil palagi kang maraming kasama, nakakahiya kasi, alam mo na, hehe." kiming ani Samantha.

"Ay ano ka ba naman! Next time na makita mo ako tawagin mo ako, ha? O kaya naman ay i-text or tawagan mo ako, okay?"

"Okay. Sabi mo, eh." nakangiting aniya.

"Teka, may mga kaibigan ka na ba sa School?"

"Meron naman kaso hindi ako masyadong makasabay sa kanila, alam mo na, mahirap lang kasi kami kaya hindi ako sanay sa mga sosyalan, ang yayaman ng mga students doon! Yung pang-isang araw na allowance nila, pang isang linggo ko na sa dati kong School! Mababait naman sila at maayos naman makisama, sadyang ako lang yata talaga ang may problema, hindi kasi ako sanay gumastos ng sobra." mahabang paliwanag ni Samantha.

"Madalas ngang sabihan ni Dominic yang bata na iyan, eh. Laging pinaaalalahanan na huwag gugutumin ang sarili sa School dahil maayos naman ang allowance na pinadadala ni Dominic at Sir Kier sa kanya."

Parang may sumaksak sa puso ko sa narinig. Mabuti pa pala si Samantha naiisip niya, mabuti pa sila natatawagan niya.

Tumikhim muna ako bago nagsalita para matanggal ang bikig na biglang namuo sa lalamunan ko, maging ang paglunok ay naging mahirap para sa akin.

"Nagpapagutom ka sa School?" totoong concern ako, kaibigan na din ang turing ko kay Samantha mahalaga na din siya sa akin at bilang babae ay hindi naman ako naninibugho sa kanya dahil siya ay naiisip ni Kiel at ako ay hindi.

"Noong first day lang naman ng School dahil wala pa akong kakilala."

"Dapat kasi ay pinuntahan mo ako sa bahay para sabay na tayong makapasok, next time ganun ang gawin mo ha? Masamang nagpapagutom." ang galing kong magpaalala sa kanya ngunit sa sarili ko ay hindi ko na iyon nai-aapply ngayon.

Palagi kasi ay wala akong ganang kumain, nagsimula lang iyon noong..basta.

" Makinig ka kay Mikaella, anak." sabi naman ni Manang Evitha sa kanya.

"Opo." nakangusong sagot ni Samantha.

"Ahm, mauna na po muna ako, nakalimutan ko na may kailangan pa nga pala akong gawin."

"Ganoon ba? Sige hija, sa susunod ay aanyayahan ka namin na magminindal sa iniregalo sa aming bahay ng mga Fuentabella, ha? Huwag kang tatanggi." saad ni Manang Edna na siyang lola ni Samantha.

"Opo naman, sige po mauna na po talaga ako sa inyo. Sam, magkita na lang tayo sa School." ngumiti pa muna ako sa kanila bago umalis.

Ang plano kong maupo at makipaglaro kay Clingy sa park ay hindi natuloy.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Where stories live. Discover now