One

79.9K 1.7K 530
                                    

NATASHA SKYE ARAGON

"What was I thinking?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What was I thinking?"

Umiling-iling ako nang mapansing ilang minuto na pala akong nakatulala sa trabaho. I was thinking of a random things in my head para hindi antukin dahil wala pa masyadong trabaho at nauwi ito sa malalim na imahinasyon. Ni-hindi ko namalayan na dumaan sa harapan ko ang boss namin na si Sir Tristan, mabuti nalang at hindi ako napansing nakatulala.

Pumunta ako sa pantry para salinan ng tubig ang tumbler ko at saktong ilalagay ko na sana ang tumbler sa water dispenser nang dumating si Chesca at inunahan ako sa paglalagay, isa siya sa katrabaho kong maldita.

Uminit kaagad ang ulo ko at napataray sa ginawa niya, sinasadya niya ba ang bagay na 'to para asarin na naman ako?

"Nagmamadali ka ba? Ba't nakikipag-unahan ka?" I asked, fuming mad.

Hindi niya ako pinansin at tinalikuran lamang after niya kumuha ng tubig.

"You don't deserve to be here," narinig kong sinabi ni Chesca ng may kaonting halakhak bago niya isinara ang pinto ng pantry.

What the heck is her problem? Bakit 'di ko magiging deserve manatili sa trabahong ito?

Napakamaldita niya talaga that's why, despite having worked here for almost a year, I didn't get along with her at aminado naman ako na parehas kaming maldita, so literally, hindi talaga magkakasundo.

Ang pinagkaiba lang namin ay siya natural na sa pagiging maldita, ako, lumalabas lang ang pagkamaldita kapag nagsisimula na siyang magtaray sa'kin.

Mas nauna siya sa'kin dito magtrabaho at magaling siya, no doubt, pero no'ng dumating ako, napalitan ko siya bilang sekretarya ni Sir Tristan.

I don't know the whole story, but I heard that Chesca has a huge crush on our boss, and that she is so obsessed with him.

Ang alam ko'y napromote si Chesca dahil sa personal na dahilan at kaagad na nalipat sa ibang department para daw maiwas kay Sir Tristan.

Pero nalipat man sa ibang department ay sa t'wing nakikita ko silang magkakasalubong ay parang may kakaiba, sa tinginan nilang dalawa'y parang nagkakaintindihan sila at kahit hindi magsalita'y nangungusap naman ang mga mata ng isa't-isa.

And to think na si Sir Tristan ang mismong naglipat sa kanya sa ibang department ay nakakapagtaka, gayong mukha namang may gusto rin talaga siya kay Chesca.

No one dare to talk about that issue kapag nandyan si Chesca, nang-aaway kasi yan kapag naririnig na pinag-uusapan siya kasi nga maldita pero hindi siya uubra sa'kin, ako lang ang naglalakas loob na sumasagot sagot dyan, kaya naman binansagan nila akong mortal enemy niya.

Lumipas ang maghapon at alas singko nang mag-out ako sa opisina. Dire-diretso ang labas ko ng hindi pinansin ang mga katrabaho kong nagpaalam, sobrang nabadtrip kasi ako kay Chesca. Baka nga kapag nakatalikod ako pinag-uusapan nila ako dahil mas close niya ang mga tenured, some of them are gay.

His Substitute Secretary (Secretary Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon