25. An Alpha's Repercussion

Start from the beginning
                                    

I just nodded. Satisfied naman ako sagot ni Zak. Sana lang kapag naging kuto kami, hindi kami tirisin at baka mamatay kami nang maaga. Namomoroblema naman ako kung sakaling maging kuto kaming dalawa. Peste kasi ang kuto, pero paborito siya ng unggoy.

Parang kailan lang hindi ko makita ang sarili kong may kasama sa panghabang - buhay. But Zak found his way to me. No, I found my way to him. Ang dami na naming pinagdaanan para marating namin ang ganitong estado.

To love is to experience great pain, I always believed. The pain part is inevitable. But even diamonds undergo roughly in order to achieve their highest form. To love is to take a risk, and I did.

We both did.

"Ano?!" Nanlalaki ang mata ni Manang na may dalang sandok. "Nagpakasal ka na?!" sigaw nitong hindi makapaniwala.

Kinabahan ako ng konti sa lakas ng boses niya. Gustong sumama ni Zak sa pagsasabi kay Manang na kasal na ako, pero sinabi kong kaya ko naman. Alam ko namang sobra pa itong busy ngayon, madalas itong mayroong katawagan sa phone. Si Mr. del Fuego. Hindi ko alam kung magseselos ako sa kanilang dalawa. Natatawa ako. Iyon ang lalaking kasama ni Aramis sa tabloid news.

Postponed ang honeymoon namin sa Bali. They are experiencing a problem, hindi ko lang alam kung ano iyong conflict, hindi naman ako masyadong nag-usisa.

"Buntis ka ba, Rainbow?!" muling tanong ni Manang.

Mabilis akong umiling. "H-hindi po,"

"Sigurado ka ba?!" pasigaw na naman siya.

"H-hindi po..."

I bit my lip. Nara-rattle ang utak ko sa mga tanong ni Manang, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Hindi ako sigurado kung buntis nga ba ako? Nagawa naman ni Zak ng maraming beses.

"Kalma, Manang. Nabuntis ako ng mas maaga, remember?" sumingit si Reign sa usapan. She was eating some kamote chips.

"Iba iyon, Reign!"

"Kasal na si Rainbow," nagkibit - balikat ang kapatid ko.

"S-sorry po, Manang..." mahina kong sinabi.

Her face softened as she glanced at my direction.

"Hindi naman ako galit, anak. Ang akin lang, bigla - bigla kang nagdesisyon ng pagpapakasal, hindi naman iyan kanin na pwede mong iluwa kapag napaso ka. Isa pa, matatali ka ng panghabang - buhay sa isang tao. Ayos ba iyon sa'yo?" sambit nito ng diretso.

"Bakit po m-matatali, Manang? Hindi naman po kami aso." I asked innocently.

Inis na inis itong umirap sa akin. Bumaling siya kay ate. "Kausapin mo nga iyang kapatid mo, Reign." padabog itong umalis ng sala dala ang kanyang sandok. Napanguso ako. "Naunahan ka pa ng kapatid mo."

"I still don't want to get married, Manang." depensa ni Reign. "I just enjoy sins with my lover."

Naupo ito sa katapat kong couch. Reign looked at me in the eye. I always fear her for that. Presensya pa lang ng kapatid ko, nangangatal na ang ibang tao.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Reign asked. Nakataas ang kanyang kilay sa akin.

Tumango ako. "Opo, ate. Alam ko naman pong hindi joke ang p-pagpapakasal."

"But I demand another wedding, Rainbow. Iyong engrandeng kasal at invited si Manang Lukreng at kahit sinong gusto mong imbitahin. She's a bit tampo, ito ang unang beses na ikinasal ng kanyang mga alaga, hindi pa siya saksi. You need to do something to make up with her." She explained.

Na-guilty ako sa sinabi ng kapatid ko. Pamilya ko sila, sana ipinaalam ko muna ang plano sa kanilang dalawa. Pero madalian naman ang pagpapakasal namin ni Zak, tanging pari at sakristan lamang ang saksi sa simbahan. Magpapakasal naman kaming dalawa na saksi ang buong pamilya. Hindi lang ako sigurado kung kasama sa mga imbitado ang Papa ni Zak.

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now