CHAPTER 2

18 5 6
                                    

Author's Note:

This is the latest update of this chapter, so expect new scenes. Though, hindi naman sobrang naiba ng pagkwe-kwento. May words lang ako na inayos, pinalitan, o tinanggal. May nabawas at marami ang nadagdag na scenes. Kaya better read it again, thanks!


Mwua!!!

--


CHAPTER 2


"Saan ba punta natin?" Tanong ko kay Andeng. Nilingon ko ito at kasalukuyan itong nakikipag-usap sa boyfriend nya thru phone. Parang hindi magkikita at magkakasama mamaya ah.


Tinignan at pinagtaasan ako nito ng kilay bago inilayo sa kanya ang cellphone, "Sama ka ng sama hindi mo pala alam pupuntahan. Kaladkarin ka ghorl?" Pambabara nito sa sinabi ko na tinawanan namin ng sabay. "Somewhere in Batangas, daming magagandang puntahan dun e."


Tumango na lang ako at ipinikit ang mga mata ko. Nasa dulong part ng upuan kami ng van naka-upo. Sa gilid ako pumwesto para silip silip lang sa bintana kapag humaharot kaibigan ko.


Dahil nga malayo ang pupuntahan namin. Hours to drive bago makarating, pinaki-usapan ni Andeng ang driver nila na kung pwede ay ito na lang ang mag-drive para samin kasi baka imbes daw na mag-enjoy sya sa outing ay mas lalo syang ma-stress dahil sa haba ng byahe na magpapaka-driver sya sa mga mababait nyang kaibigan.


Hindi ko rin 'to gets minsan e, puro reklamo pero plano naman ng plano na sya ang nasusunod.


Dahil nga ako raw ang best friend nya at gusto nya akong kasama sa outing ay ako ang una nilang dinaanan. Talaga naman na ako ang unang madadaanan kasi bahay ko ang unang madaraanan mula sa way ng bahay nila.


Madami kaming kasama sa outing na pakana ng babae na 'to. Kasama ang mga kaibigan namin at mga kaibigan ni Clint, yung boyfriend nya. Close ko si Clint pero hindi ko kilala ang mga kaibigan nito. Kasi ngayon lang naman nag plano ng magkasama ang both circle of friends ng mag-jowa.


Ilang oras din ang naitulog ko nang magising ako dahil nandito na raw kami sa Batangas. Ewan ko ba kahit maingay nakatulog parin ako ng maayos. Kahit kasi may earphones na nakasalpak sa tenga ko ay maririnig mo pa rin ang asaran nila. Pero ramdam ko na tumahimik din ang mga ito ng nasa kalagitnaan na ng byahe marahil ay mga napagod ito o di kaya naman ay nagsa-save ng energy para mamaya.


"HELLO BATANGAS!!" Sigaw ni Andeng ng huminto na ang van na sinasakyan namin. Katabi nito sa kanan nya si Clint habang ako ay nasa kaliwa ni Andeng. Bahagya pa itong tumayo at in-spread ang kamay nya ng sumigaw ito.


Nagpareserve na si Andeng ng tutuluyan namin habang nandito kami. Planadong planado basta Andrea. Three days and two nights kasi kami dito. Gusto raw kasing mag-enjoy ni Andeng. Syempre sa pag-eenjoy nya raw ay kailangan may kasama. Ang boring naman kasi kung sya lang.


The more the merrier.


Daming alam. Hindi na lang sabihin na walang ibang magawa sa pera niya.

My Warmth On A Cold Starry NightUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum