CHAPTER 1

32 8 4
                                    

Author's Note:

This is the latest update of this chapter, so expect new scenes. Though, hindi naman sobrang naiba ng pagkwe-kwento. May words lang ako na inayos, pinalitan, o tinanggal. May nabawas at marami ang nadagdag na scenes. Kaya better read it again, thanks!


Mwua!!!

--


Chapter 1


"Anong balak mo?" Tanong sakin ng kaibigan ko na si Andrea. Katatapos lang ng klase namin.


I shrugged.


"Oy bakla ka! Seryoso ako, ano nga?"


"Seryoso rin ako."


"Time is gold, te. Gumawa ka na ng desisyon para sa buhay mo." Sabi nito at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Pumasok na rin ako at na-upo sa passenger seat.


Nang maihatid ako ni Andeng sa tinitirhan ko ay naglinis muna ako ng sarili bago ako mag-isip sa loob ng kwarto ko. Nag drive thru na rin naman kami ni Andeng kaya dumiretso na ako sa kwarto ko.


Tama si Andeng, kailangan ko na magdesisyon ngayon. Ang hirap naman kasi maging mahirap. Pota lang. Gusto ko magkaroon ng magandang future pero wala naman akong pera. Ang hirap kasing magsabi ng problema sa iba, bukod sa hindi ka na nga naiintindihan ay huhusgahan ka pa. Kesyo 'hindi hadlang ang pera para makamit mo ang pangarap mo sa buhay.'


Lol, hindi ka sure.


Hindi ba pwede na isa talaga yun sa hahadlang sa pangarap mo? Unfair ng buhay, yung mga mayayaman mas lalong yumayaman habang kaming mga dukha. Dasal dasal muna, 'di mo pa time.


Hirap kalabanin ng tadhana, kaya ito ako, no choice kundi sumabay na lang sa agos. Kung pwede lang talaga, makikipagsabunutan ako sa tadhana na 'to. Masyadong unfair, may galit sakin?


Nasa bahay ko ngayon si Andeng, chichika sa ganap ko sa buhay. Matapos ko kasing mag-isip-isip kagabi ay nakapag-desisyon na ako. Kaya bago ako matulog ay itinext ko si Andeng na puntahan ako rito sa bahay. Hindi pa ako nakakaligo at saktong kakamulat ko pa lang ng mga mata ko nang marinig ko ang pagkatok ng babaita.



Hindi pa man tuluyang nakakapasok si Andeng ay nagsalita na ako, "Titigil muna ako." Wala ng paligoy-ligoy ko na sabi. Na-ibuga nito ang juice na iniinom at nanlalaki ang mga mata na humarap sakin.


"Pasayang ka. Wag mo akong igaya sayo na pambili lang ng candy ang 1k ha. Atsaka bwiset ka talaga paglalampasuhin mo pa ako ng sahig, tinatamad na nga ako maglinis e." Padabog akong naglakad papuntang kusina para kumuha ng basahan.


"Wow ha, hiyang-hiya naman sa taong nag-imbita na papuntahin ako sa bahay nila pero hindi man lang ako naisipang papasukin muna. Heller! Baka gusto mo akong papasukin muna sa bahay mo diba?" Agad akong napahinto dahil sa isinigaw nya at pa-irap syang tinignan at tinawanan.

My Warmth On A Cold Starry NightWhere stories live. Discover now