069

582 45 11
                                    

Yvonne's POV

Kung minamalas ka nga naman. Nagruopings kami by three tapos si Ethan at Jake ang kasama ko. Oo, sobrang awkward at hindi ako sanay sa ganito. Imagine dalawang manliligaw mo nasa tabi mo. Actually nasa library kami ngayon. Haba ng hair ko, 'no pero honestly, hindi ako mapakali sa paligid na 'to.

Nakaka-ilang, hindi kagaya noon na puro tawanan lang kami. I mean magkaibigan pa naman kami pero the fact na manliligaw ko na sila, hindi ako nasanay at natatakot ako na baka may masira ako.

Nasa library kami ngayon para sa group activity, 'yong iba nasa kabilang table.

"Ano ngang topic natin?" Tanong ni Jake habang tinitignan 'yong isang history book. Bale, nasa gilid ko si Ethan tapos kaharap namin si Jake. Sa kabilang table, nandon sina Sam, Benjamin, at Jay na mukhang walang ginagawa. Kumakaway pa si Sam sa akin na akala mo walang librarian na nakataas ang kilay sa amin.



"May topic ba tayo?"

"Hyung..." Napairap nalang si Jake.




"Sumerian civilization yata ang topic natin." Sagot ko kaya napatango naman si Jake at ngumiti. 'Yong katabi kong si Ethan, mukhang sabog na naman.

"Maghahanap nalang din ako ng libro. Tulungan mo kaya si Jake, Ethan." Sarkastikong sabi ko sa kanya kaya napatawa naman siya at tumango. Tignan mo 'to, parang tanga.

Actually, nakakafall 'yong mga ngiti nila kaya nga naguguluhan ako dito. Baka kasi kapag pinili ko 'yong isa, masasaktan ko 'yong isa, and the fact na kaibigan ko silang dalawa— anak ng tokwa, naguguluhan na ako.



"Sige, tutulong ako, pramis!"




Nagpunta ako sa kabilang shelf para maghanap ng history or literature books. Nakita ko 'yong isang libro na nasa ikatlong row, at kailangan ko pang tumingkayad para maabot 'yon.

Nagulat ako nang may kamay na nakahawak sa kamay ko para kunin din 'yong libro. Nabigla ako kaya agad akong napaatras at natapakan ang paa niya.

"Ouch!"

"Oh my gos— Jay?"

Agad ko siyang nahawakan dahil don. Nakahawak siya sa paa niya kaya I felt sorry. Gago, ba't naman kasi pabigla-bigla eh kilala naman niya ako.

"Ba't ka ba kasi nanggugulat?" Tanong ko habang nakahawak sa balikat niya. Tumayo siya ng maayos bago ako nginitian. Ginulo niya ang buhok ko bago inabot ang libro para ibigay sa akin.

"Nakita kasi kita na inaabot 'to. Tutulungan lang naman sana kita." Sabi niya habang nagkakamot ng ulo. Natawa nalang din ako ng bahagya.

Sabay kaming nagpunta sa table namin since magkatabi naman. Nag-uusap din kami habang papunta don.




"Luh, sa susunod ah, turuan mo naman akong mag-guitar, okay?"

"Oo naman. Basta ikaw."





Tumawa nalang ako habang hawak-hawak ang libro.

"Hoy Jay hyung, 'di ka naman nanliligaw sa jowa ko ah." Napatingin kami diretso kay Sam na ang lakas ng boses. Lahat tuloy ng tao sa library napatingin sa amin.

Anak ng tupa naman, pinapahiya talaga ako nitong si Sam. Tinago ko nalang ang mukha ko at naunang maglakad. Nahihiya ako kasi lahat ng tao sa library nakatingin na sa amin. Baka ano pa isipin ng mga 'to. Mamaya talaga 'tong si Sam sa akin.

"Are you okay, Von?"

"Ayos ka lang Yvonne?"

Sabay nilang tanong sa akin kaya napatingin ako sa kanilang dalawa. Dahan-dahan akong tumango, bago binigay kay Jake ang libro. Awkward akong napangiti bago napatingin sa mesa nila Sam.

Nakangiti pa ang kupal sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero tumawa lang siya. Nabatukan pa tuloy siya ni Jay at ayon natawa ng malakas 'yong conyo na soldier, si Benjamin ang sinasabi ko.

"Mr Kim, gusto mo bang lagyan ko ng zipper 'yang bunganga mo?" Sigaw nong librarian mula sa table niya. Natawa kami ng bahagya dahil don.

"Ano nang nasulat niyo? May matutulong ba ako?" Sabi ko kasi ako lang ang walang ginagawa dito. Hawak-hawak ko lang 'yong ballpen at iniikot sa daliri ko.




"Patapos na rin kami, don't worry."

"Tama, just sit back and relax, baby."




"Parang baboy hyung." Sigaw ni Sam na mukhang narinig ang pinagsasabi ni Ethan. Napailing nalang ako.

Ito talagang si Ethan sobrang harot. Pero kinilig naman ako slight. Oo, kinikilig ako sa dalawa at mukhang hindi normal 'yon. Gwapo sila, mabait, ano pa bang hahanapin ko? Pero ang hirap kasi kapag dalawa. May masasaktan.

"Hatid na kita mamaya, Von." Sambit ni Jake kaya agad akong napatingin sa kanya. Na-dumbfounded ang lola niyo.

"Ako ang maghahatid sa kanya."

"Hyung, I said it first, okay?"

"Hindi naman 'to first come, first serve eh."

"Walang hahatid sa akin. Tapos ang usapan." I butted in kasi may tensyon na sa dalawa. Baka magkagulo pa at ayokong mangyari 'yon.

Napatingin sila ng diretso sa akin. Gago, ang gwapo— okay focus! Dapat masolusyonan ko 'to. Para wala ng away.

"Why?"

"Ito nalang. Monday at Tuesday si Ethan ang maghahatid sa akin o whatsoever. Tapos Thursday at Friday ka naman Jake. Tapos ako na bahala kung sino isasama ko sa ibang araw. Understand?"

"Parang cleaners ah, may schedule. Pero agree po, boss."

"I understand, Von."



——————————————————

shai: hi, wala na akong maisip na ud HAHAHAHA hi sa inyong lahat :))

Section IV-E | Enhypen FFWo Geschichten leben. Entdecke jetzt