036

747 49 24
                                    

Yvonne's POV

Hindi ko alam kung saan ang lugar na 'to pero basta nasa harap kami ng dagat ngayon at naglalaro sa buhangin. Napatingin ako kay Benjamin na seryosong nakatitig sa dagat at sa araw na palubog.

Lumapit ako sa kanya, kaya naman agad siyang napatingin sa akin. Sobrang gwapo niya talaga, sobrang angelic ng mukha.

"Matunaw na ako niyan," sabi niya kaya natawa nalang ako ng bahagya at iniwas ang tingin sa kanya. Nahuli yata ako. Nanatili kaming tahimik habang nakatingin sa sunset. Sobrang ganda ng paglubog ng araw.

Naguguluhan ako sa katahimikan ni Benjamin. Maingay din kasi siya kaya sobrang suspicious niya. Ang lalim-lalim yata ng mga iniisip nito.

"Nags-stare ka na naman sa face ko, e'." Imbis na mahiya, natawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Ang conyo talaga niya kahit saang lugar. "Baka ma-inlove ka na sa akin."

"Asa ka naman." Sabi ko. Naalala ko lang din kasi 'yong sinabi ni Ethan kanina. Parehong sabog talaga ang magbabarkadang 'to. Kaya siguro they are inseparable, kasi kung ano ang isa, ganon din silang lahat.

"Kapag ikaw nahulog sa akin, nako." Pinutol niya ang sinabi bago tumingin sa akin.

"Ano?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngumisi lang siya at saka nilapit ng ilang pulgada ang mukha sa akin. Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa lapit niya tapos ang in fairness, ang bango ng hininga niya.

"You look like a tomato right now, a ripe one." Sabi niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Juice colored, nakakahiya naman 'to.

Tinago ko nalang ang mukha at dumiretsong tumingin sa dagat.

"Inaya ka ba nina Jay at Ethan hyung kanina?"

"Oo, pero tumanggi din ako." Sabi ko. Ngumiti lang siya at saka bumuntong hinga. Sobrang misteryoso ng mga iniisip niya, at sobrang labo nito. Parang may mali sa mga nangyayari eh.

——————————————————

Jake Sim
•Active now

6:46 PM

Jake
Benjamin nasan ka? Hinahanap ka
ng ate mo sakin😑

Jake
Huwag mo lang akong i-seen, may
topak ka ba at naglayas ka na naman
sa inyo?

Jake
Benjamin Park!1!1!!1

Jake
Patience. I shouldn't curse🙃/ deleted

Benjamin
Pauwi na ako, don't worry

Benjamin
Masyado ka namang concern sakin😚

Jake
I'm your friend kaya I'm concern

Jake
Huwag ka ng humarot, nakakaumay na🙂

Benjamin
Awwtss gege #pain

Benjamin
Jake mashaquette

Jake
Saan ka ba kasi galing?

Jake
Wala ka namang sidechic ngayon
diba?😕

Benjamin
I'm not a playboy, dude


Benjamin
I'm a good boi✊😌

Jake
So saan ka nga galing?

Benjamin
Sa may seaside, kasama ko si Yvonne
kanina

Jake
Really?

Jake
Hinatid mo ba siya?

Benjamin
Don't tell me, pati ikaw Jake/ deleted

Benjamin
Ano bang meron sa kanya?/ deleted

Benjamin
Oo naman, I'm gentleman kaya😌

Jake
That's good to hear

Benjamin
Alam mo ba kung ano bukas?

Jake
Uh, the d-day of the play (?)

Benjamin
Di mo na naremember?

Benjamin
Don't you remember her death
anniversary

Benjamin
It's tomorrow, Jake.

Jake
What the—

Section IV-E | Enhypen FFМесто, где живут истории. Откройте их для себя