007

1.3K 68 36
                                    

Yvonne's POV

"Aray naman. Masakit kaya hyung."

Sigaw ni Sam nang tampalin ni Benjamin 'yong kamay niya kasi natalo siya sa laro. Hindi na ako sumali kasi mukhang matatalo lang din ako.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Masaya naman silang kasama, maiingay nga lang. Sobrang ingay pero mababait.

"Gusto mo?" Biglang lumapit si Ethan sa akin at saka binigay 'yong isang juice. Ngumiti ako at saka tinanggap 'yon.

Tumabi siya sa akin at pinanood din ang mga kaibigan niya. Nacurious ako kung bakit sobrang close nila gayong magkakaiba naman sila ng ugali.

"Sobrang close niyo sa isa't-isa, 'no."

Sabi ko kaya ngumiti siya at tinignan ako. Mahina ang puso ko kaya huwag siyang ngingiti ng ganyan. Nag-iwas din siya ng tingin at saka tumikhim. Ilang pulgada lang ang layo niya sa akin kaya naaamoy ko ang pabango niya.

Sobrang bango, parang baby lang.

"Magkaklase kami simula elementary. There was this time na tinulungan namin sina Sam dahil binubully sila ng mga kaklase namin. Tapos don, mas naging close kami. Naging makulit kami sa isa't-isa. Pero kahit ganon, isa sa amin may tinatagong problema. Oh, alam mo na, kaya ikaw naman magshare."

Sabi niya at saka tumawa ng bahagya. Tumingin ako sa malayo at saka bumuga ng hangin. Wala namang masyadong masaya sa buhay ko. I don't have friends, wala din akong kapatid. Tapos wala sa tabi ko ang mga parents ko.

"Well, simple lang naman ang buhay ko. Wala akong mga kaibigan. Tapos nasa abroad ang parents ko."

Mapakla akong natawa bago tumingin sa kanya. Bigla siyang naging seryoso habang nakatingin sa akin. Ano ba naman 'yan, weak ako sa mga ganyang titig. I can't stand it kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Pero ngayon, kaibigan mo na kami kaya huwag kang mahiyang lumapit sa amin."

"Oy, ang daya ni Ethan hyung. Sinusolo si noona." Sabi ni Johnny kaya napatingin silang lahat sa amin. Natawa kaming pareho ni Ethan at umiling.

Punyeta, ang weirdo nila. Kinulang ba sa atensyon ang mga taong 'to?

Knowing them mukhang spoiled naman silang lahat. Binibigay naman yata ng parents nila ang lahat. Ang weird lang talaga nila. Pero they're fun and interesting to be with.



Nagsimula na rin ang klase, mabuti na nga lang din at hindi na masyadong nagdadaldal si Sam kaya may natutunan din akong slight sa leksyon. Ayokong bumagsak gayong last year ko na dito. Graduating na din kasi kami.

Nagdismissal na rin at hinila na naman nila ako sa hindi ko malaman kung saan. Ang kaibahan lang, sina Jay na ang humihila sa akin. Ang hyung line, to be exact.

Mabuti nalang at wala akong gagawin sa bahay o tatapusin na assignments.

"Saan kasi tayo pupunta?"

"Hindi ko din alam. Jay hyung, saan tayo pupunta?" Si Jake na siyang nasa likod ko. Si Jay kasi ang humahawak sa akin. Tangina ng mga lalaking 'to, kung saan ako dinadala.

"Hindi ko rin alam. May alam kang lugar Ethan hyung?"

Potek. Pinagloloko ba ako ng mga lalaking 'to? Napunta kami hanggang sa terminal ng jeep pero hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.

"Anong tawag sa sasakyan na 'yan?"

Turo ni Benjamin sa jeep. Patience. Patience. Gago, 'di ba nila alam kung ano ang jeep? Sa bagay, rich kids kasi 'tong mga kasama ko.

"Naliligaw ba tayo?" Tanong ni Jake. Ang usok na dito tapos wala silang alam kung saan kami pupunta. Mga sabog ba 'tong mga kasama ko?

"Yvonne, alam mo ba kung nasaan tayo?" Tanong ni Jay na halatang kinakabahan na rin. Mariin kong pinikit ang mga mata at naunang maglakad sa kanila. Juice colored!


"May alam akong lugar. Sasakay muna tayo ng jeep."



"Jeep? 'Yon ba 'yong tagalog ng mura?" Napaface palm nalang ako sa sinabi ni Ethan. Pasensya, Yvonne. Patience!

"Baka 'yong may kabayo." Isa pa 'tong si Benjamin eh. Akala ko ba matino 'to. Tahimik lang si Jake sa gilid habang nakatingin sa mga asong kalye.

Si Jay naman halatang hindi pamilyar sa lugar kasi kung titignan mo, aakalain mong pusa na nawalan ng amo.

"Yan 'yong jeep, okay? Tara na." Sabi ko at tinuro 'yong nasa terminal. Napatango naman sila pero halatang walang kaalam-alam.

Nang makapasok kami sa loob, parang mga ignorante 'tong kasama ko. Buti nalang at walang masyadong pasahero sa loob kundi, ewan ko nalang.

Katabi ko si Ethan tapos 'yong tatlo kaharap naman namin. Hindi masyadong traffic kaya ayos lang. Nang huminto 'yong jeep, dahil hindi nakahawak ng mabuti 'yong tatlo, ayon at nadausdos sila sa harap.

"Aray. Tangina ang sakit ng ulo ko."

"Nagmura ka pa."

"Slowly naman po manong."

Natawa nalang ako sa kanila habang tahimik lang si Ethan. Nanibago ako sa katahimikan niya kaya agad ko siyang tinignan.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Nasusuka ako."


Punyeta naman. Ewan ko nalang sa mga lalaking 'to.

Section IV-E | Enhypen FFWhere stories live. Discover now