12th Tainted

56.4K 2K 413
                                    

Tainted

Clingy

We remained on the swimming pool for an hour. Mukhang maayos na si Asiel at hindi na nagsusuplado kaya nagkakasundo na kami.

"I really want to go somewhere where I can do extreme adventures. Kaso I'm not familiar with the City," I said nang nakaupo na ako sa gilid ng pool habang nasa aking harapan ito, nanatili pa rin sa tubig.

"Like what? Cliff diving?" hula niya.

Tumango ako lalo na't iyon ang madalas naming gawin ng aking mga kaibigan sa Canada. But when my Mom found out galit na galit siya at ayaw niya na akong umulit sa ganoon.

"That's very dangerous," he commented.

Umirap ako. "Para ka lang si Mommy."

"You can actually get killed doing it, spoiled brat," aniya.

Iritado kong sinipa ang tubig para sabuyan siya ng tubig. The water hit his face kaya tumawa ako. Lumangoy siya bigla sa akin at hinila ang aking paa. Sumigaw ako at muling nalaglag sa lupa ngunit sinalo niya lamang ako.

"What the hell?!" sigaw ko at iritadong hinanap ang kanyang mga mata.

Asiel chuckled on my ear. Sinamaan ko siya ng tingin habang nakangisi ito at nag-eenjoy.

Doon lamang kami nagpasyang umahon nang mangulubot na ang balat ng aking mga daliri dahil masyado nang babad sa tubig. I finished my breakfast so I can join him for a horse back riding right away.

Tinuruan niya akong mangabayo. I am learning every bit of it at sinubukang mag-isa na lamang sa kabayo. Katulad ng kanyang turo ay swabe kong kinontrol ang lubid at iginiya ang kabayo sa takbo na sakto lamang.

"You're doing good," ani Asiel nang sumabay ang sakay niyang kabayo sa takbo ng akin.

Ngumisi ako at pinatakbo ng mabilis ang kabayo. Humabol siya at nag-angat ng kilay sa akin, unti-unti nang nilalamangan ang takbo ng aking kabayo. Pinabilis ko rin ang takbo para higitan siya at ako naman ang nag-angat ng kilay sa kanya nang lingunin ko siya sa likuran.

Muli siyang lumebel sa akin. Sa tuwing natatamaan siya ng sinag ng araw ay nagtatagal ang paninitig ko sa kanya ngunit mabilis ko ring binabawi lalo na't napapangiti na lamang ako.

"Ba't ka nakangiti riyan?" puna ni Cana na ikinakurap ko.

Kumurap ako at napagtantong iniisip ko pala iyong pangangabayo namin ni Asiel noong nakaraang araw. Hindi ko namalayang nangingiti na pala ako habang nasa sala.

"Nothing..." I smiled while pinching my lowerlip.

"Nothing daw..." Saka siya umikot at tumabi sa akin. "Pero nakangiti. Hindi naman pwedeng natutuwa ka sa pinapanood ni Trench eh nasa kawalan ang tingin mo." Tukso niya.

Tiningnan ko si Trench sa kanyang play mat na naglalaro habang nakatingala sa tv at gumagalaw rin ang ulo.

"Wala naman talaga," I said to defend myself.

Tinusok niya ang aking tagiliran habang nanunuya na ang kanyang ngiti.

"Iniisip mo si Asiel 'no? Akala ko ba ayaw mo roon? Ba't parang inlove ka?"

"Inlove?" Tumawa ako sa kahibangang iyon.

I've never been inlove. I mean may mga lalakeng nagugustuhan ko pero hindi umaabot sa puntong na-iinlove ako. I am more inlove with myself than being inlove with someone else.

"You actually like being around him. You like him..." hindi na patanong ang pagkakasabi ni Cana at tila sigurado na talaga siya sa kanyang sinasabi.

I trace my lowerlip using my tongue in a slow manner. I remembered Asiel's face. Malinaw naman sa akin ang plano ko. Malinaw rin iyon sa kanya. Marriage? I am too young for that. I am not hating it too much but I am not in the mood to chase it at an early age, too.

T A I N T E D (NGS #8)On viuen les histories. Descobreix ara