You Got Me

3 0 0
                                    

"Bro, may dayo daw sa basketball court. Makikipagpustahan. Ano, game?" sabi sa'kin ng kaibigan ko sa messenger. Kailan ba ako humindi kapag usapang basketball? Kahit hindi pustahan, lagi akong game dyan.


"Matic, 'tol. Bihis lang ako." reply ko sa kaibigan ko. Naka-jersey lang ako tsaka nakasapatos. May bitbit din akong bag na may watter bottle sa loob at t-shirt pamalit mamaya pagkatapos ng game, tsaka towel. Nagdala din ako ng pera kasi nga pustahan.


Nang makarating ako sa court, nagwa-warm up pa sila. Kompleto na kami ng team ko at kulang pa ng isa 'yung kabila. Sakto namang may isang dumating mga ilang minuto mula nung dumating ako. Pakshet nga lang kasi, seryoso ba? Babae?


Naka-jersey ito at may nakapanloob na t-shirt sa ilalim ng jersey niya. Nakasapatos din siya at malinis na itinali ang buhok niya. Seryoso nga? Talaga ba? Wow, ah.


Masayang nilapitan siya ng kagrupo niya, nakikipag-apiran pa. Kami naman ay nakatunganga, di makapaniwala. Ibig sabihin, makikipaglaro kami sa isang babae? Nang sinulyapan kami nung babae, ningisihan niya lang kami. Angas, pre. Nang namataan niya ako, mas lalo siyang nakangisi sabay kinindatan ako. Ay, weh? Ako ba? Tinignan ko ang mga kagrupo ko kung napansin nila 'yun, pero bumalik na sila sa pagwa-warm up. Gagi, ako nga?


Nang magsimula na ang laro namin, holo cow! Those moves, hayop! Natalo kami sa laro. Ewan. Distracted kami. Ay, ako lang pala 'yun. Habang dini-dribble niya ang bola, habang walang palyang sino-shoot yung bola sa ring, kung paano niya naagaw ang bola sa'kin, man, kakahanga. Tuwing nalalapit siya sa'kin, napapahinto ako. Ewan. Baka kasi pag pinilit kong iniiwas ang bola o kung aagawin ko man ang bola sa kanya baka masaktan ko siya. Pisikalan ang laro, pre. Pucha, ayokong masaktan siya. Babae pa rin 'yun. Tangina. Nagka-crush yata ako sa kanya ng kaunti dahil sa husay niya.


Nagsialisan na 'yung kabilang grupo. Naiwan kami ng grupo ko dito sa court, nanghihina. Talo, eh. 5k pusta namin tapos talo. Nasisi pa ako. Mukha daw akong sinaniban ng banong ispirito kasi di naman daw ako ganun maglaro. Di nalang ako pumalag. Still bothered by that cool woman.


"Anong mukha 'yan, kuya Sky? Para kang ninakawan, ah." natatawang sabi sa'kin ng nakababata kong kapatid na si Rain habang kumakain nang pumasok ako ng kusina at uminom ng tubig. Di ko lang siya pinansin at nagpatuloy na papasok ng kwarto. Baka nasa paligid lang si kuya Cloud at interogahin pa ako. Kapag nalaman niyang nagsusugal ako, walang humpay na sermon na naman. Para siyang pinaghalong si mama at papa, eh. Tsk. Kaka-miss naman sila.


"Hey, may i see your shots?" napahinto ako sa pagpi-picture nang may magsalita.


Napaawang ang bibig ko nang masulyapan ko na 'yung nagsalita. She's wearing a cream colored gown with a thin strap. The last time i saw her was she was wearing a jersey. Damn. This girl right here is leaving me in awe.


Nagpi-freelance photographer din kasi ako kaya nandito ako napadpad sa isang party. Debut party 'to to be precise. May nag-email sa'kin. As usual, kapag may gusto ng photography service ko, dun nila ako kokontakin sa email ko. Medyo sikat tayo sa larangang photography eh. Medyo lang.


I handed her the camera i'm holding to let her see my shots. Napangiti siya nang tiningnan niya ang mga nakuha ko. Her smile is to die for, man. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya baka mahuli niya akong mukhang tangang kakasilay sa kanya. Nakakahiya pa.

The Story of Music (One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon