🍯37🍯

61 3 16
                                    

"Okay lang naman ako bakit?" Taka kong sabi habang may hawag akong chopsticks na may ramen na kulang na lang ay isubo ko na.

"Pumipikit ka eh" sagot pa ni Heeseung. Nahihypnotize ba ako sa amoy niya?

"Hyung I guess she's just still sleepy. Maaga rin siyang gumising eh." Sagot ni Jake kay Heeseung na akala mo spokesperson ko ang peg hehe

"Noona, thanks sa breakfast. Masarap yung bungeoppang." Sabi naman ni Niki at nag approve sign pa. Halatang nasasarapan at nag eenjoy siya sa kinakain niya.

"Wala namang hindi masarap na Bungeoppang sayo Niki eh." Sabi naman ni Sunoo sabay nag make face pa na akala mo ay nang aasar ng bata. "Pero seryoso noona masarap nga walang halong echos."

"Binola niyo pa ako. Bilisan niyo na lang kumain at baka malate pa kayo." Pagmamadali ko pa sa mga ito dahil 6:30am na rin.

Parang may anghel na dumaan at naging tahimik ang lahat sa pagkain ng breakfast. Binilisan ko lang rin ang pagkain dahil mag checheck pa ako ng mga gamit nila at baka may nakalimutan silang dalhin.

"Annyeong noona!!" Paalam ng mga batang members sa akin dahil sila ang unang susunduin.

Maya maya naman ay sumunod na ring sunduin ang ibang members kaya naman naiwan ako mag isa dito. Ay hindi, kasama ko pala yung mga ligpitin dito hehe.

Magwawalis na sana ako ng bahay ng may biglang mag ring sa phone ko. Si Jake tumatawag shet sfgsjdlffj "Yes Jakey?"

"Noona! Si Jungwon ito hehe." Napatakip tuloy ako ng bibig dahil sa hiya. Jakey pa nga yung sinabi ko.

"Ay sorry. Yes wonnie bakit ka napatawag gamit ang phone ni Jake?" Mas seryoso ang tono ng boses ko sa pagkasabi nito.

"Nakalimutan ko kase yung phone ko? Hehe" hiya pa nitong tono ng pagsasalita sa kabilang linya. "Noona favor naman oh, pakikuha sa kwarto yung phone ko Jebal huhu."

"You don't need to say it, dadalhin ko na. Pasend na lang ng location niyo ngayon para madala ko na." Sabi ko sabay ayos ng sarili ko agad.

Kinuha ko yung phone niya sa kwarto nila at kasabay nun ang pagsend niya ng location address ng isang cafe kaya dumiretso na ako palabas and nagtaxi agad.

Katabi lang ng Hybe Building yung Cafe shuuta. Omayghad. Jungwon bawal ba ako sa loob ng building? Gusto ko lang makita bebe ko. Speaking of Bebe, natext ko na bebe ko este si Jake na nandito na ako cafe at nagreply naman ito ng "Okay." Ayos ang tipid ng text.

Anyways, Umorder ako ng Iced Latte and cake rolls at saka nagselfie selfie sa gilid habang naghihintay. Pinost ko na rin ang selca and inoff ko na yung phone ko nung narinig ko na ang pangalan ko.

"Hey Honey!" Dinig kong tawag nito sa akin. Lah? Ineexpect ko si Jake or Jungwon ang tatawag sa akin. Bakit itong ibon na ito?

"Eto nga pala yung Phone ni Jungwon. Pakibigay ng maayos. Nag order rin ako ng cake rolls. Pakisabi sa ibang members, Huwag magpalipas ng gutom!" Bilin ko pa habang inabot ang cake rolls and ang phone ni Wonnie.

"Sila lang? Hindi ba ako kasali?" Common sense tss.

"Kunin mo yung isang roll gusto mo? Parang galet ka pa yata eh!" Pamimilosopo ko kay Jay.

"Oh siya mukhang mainit ang ulo mo. I'll go ahead na MADAME!" Then nagbow pa ito na parang royal style na prinsipe yung dating. Anyways, he's just wearing a printed polo with off white shirt and a short with bucket hat, eyeglass and mask pero ang lakas pa rin ng dating niya.

Tumalikod na ito akala ko naman aalis na ito pero kinuha niya yung iced latte ko at naki zip pa habang nakangising nakatingin sa likod ko or sa akin?

"Ang yaman yaman mo hindi ka bumili ng sa iyo!" Bulyaw ko dito. Ang siraulo naman ay biglang natawa kaya naman tumalsik yung iniinom niya. "Ano ba yan para kang batang kailangang alagaan."

Pinunasan ko yung labi niya gamit ang panyo ko. Ano ba itong pinasukan ko.

"Sorry na. Bawal ako mag iiinom ng malamig ngayon eh. You know." Bigla niya namang hinawakan yung kamay ko este yung panyo sa kamay ko at naestatwa ako ng hindi ko alam ang dahilan habang nakikipagtitigan sa mata niya. "Ako na."

Pinunasan na niya yung bibig niya at binalik sa akin yung panyo.

"Oh siya bumalik ka na doon at bitbitin mo na yan. Mamaya may makakita sa akin at isiping may kalandian ka rito." Medyo suplada kong tugon rito.

"Gusto mo naman." Ngumisi pa ito uli.

"Gusto mo naman.." panggaya ko pa ng tono nito. "Sapak, gusto mo?"

"Sabi ko nga, Gusto mo na akong pabalikin sa loob. Ang init ng ulo mo. See you later bestie!" Inayos niya pa ulit ang mask niya at ginulo gulo ang buhok ko at lumabas na talaga ng cafe at naiwan akong nakatayong nakatulala. Siraulong ibon, Bestie your face!

Umupo naman ako at hinawakan ang iced latte ko. Hindi ko alam kung iinumin ko pa ba ito dahil ininuman na ito ng ibon este ni Jay. Wait, bakit pa ba ako nagdadalawang isip eh kahit pa sabihin ng iba na indirect kiss yon wala naman akong pake tss. So here I am, sumipsip ulit.

Maalala ko, hindi pa pala ako nakakapaglinis ng bahay nila kaya tumayo na ako at lumabas ng cafe dala pa rin ang iced latte ko na hindi pa rin nangangalahati. Habang naghihintay ako ng taxi sa tapat ay may tumawag naman sa akin.

"Hoy Ky, bakit ka napatawag?" Bungad kong tanong rito. Tumili naman ito sa kabilang linya na halos nabingi naman ang tenga ko. "Putangina bibingihin mo ba ako?"

"Punyeta sis nasaan ka ngayon? Kanina pa kita chinachat eh. Trending ka ngayon gago shet aaaak Sana all!" Malakas nitong sabi habang nagtititili pa rin sa kabilang linya at habang nabibingi ang tenga ko.

"Hoy punyeta umayos ka nga. Bababaan kita ng telepono kapag hindi ka umayos." Pagbabanta ko rito at narinig kong huminga ito ng malalim. "Trending mo mukha mo. Anong trending trending yan?"

"Gagi kalat sa internet yung picture mo. Nasa iisang cafe ka pala kasama ang isang idol puta Sana All!" Medyo nanginig ako nang marinig ko iyon.

May nakakita sa amin ni Jay?

= ♡ =

Eyo wazzup. Namiss ko kayo at namiss kong mag update! Buhay pa ba kayo? Charot.

So ayun, sisikapin kong tuluyan akong makabalik dito dahil gusto ko na ring matapos ito haha. Paumanhin sa inyong nabitin ko ng ilang linggo. Salamuch sa paghihintay. Labyu all!

- J y n ♡

Honey🍯 | Enhypen Jay FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon