KTMH56

16 6 0
                                    

"Bella, anak! May naghahanap sa 'yo." Rinig kong sigaw ni mommy sa labas ng kwarto.

"Mommy! Papasukin mo po!" Sigaw ko naman habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.

Pagkatapos ko ayusin ang buhok ko agad kong kinuha ang perfume at nagspray na. Kinuha ko rin ang pulbo at naglagay sa mukha.

Hindi ko na kailangan ng make-up sabi ni mommy. Natural na raw ang pula ng pisngi at labi ko.

Nakasuot ako ng simpleng dress at flat sandals.

Biglang bumukas ang pinto. Tumambad sakin si Chase na nakangiti habang nakatingin sakin. Ang gwapo nya. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya?

Elementary palang may pagtingin na ko sa kanya. Nakikita ko kung paano sya magpalit ng babae araw-araw. Para bang damit lang na pinapalitan niya.

Mahal ko sya noon pa. Hindi ko lang pinapangalandakan. Dahil takot pa ko sa mga oras na 'yon. Pero ngayon, handa na kong masaktan.

Hindi na nya kailangan mag-effort para lang sa babae. Dahil mismong babae pa ang gagawa ng paraan para lang mapansin niya. Ganon siya kagwapo.

Tingin ko nga kung hindi 'to pogi. Baka makikita mo na lang sa sulok ng silid na nag-aaral ng maayos.

Natawa na lang ako dahil sa naisip ko. Tinignan naman ako ni Chase nang nagtataka. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong niya.

"Wala, may naisip lang." Sagot ko naman.

"Sus, ako 'yan, 'no?"

"Kapal mo dyan ka nga." Naglakad na ko palabas. Sumunod naman siya.

Pagkababa namin sa sala. Nakita namin si mommy na nakaupo habang nanonood ng movie. Ngumiti sya nang makita kami.

"Oh, Chase. Alagaan mo anak ko, ha?" Bilin ni mommy.

"Oo naman, tita." Sagot naman nito.

"Mommy na lang." Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya.

"Mommy?!" Angal ko naman.

"Joke lang, sige umalis na kayo." Tumango lang kami ni Chase at naglakad palabas ng bahay.

Nakita ko ang kotse nya na nakapark sa harapan ng bahay. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Ngumiti pa muna ako sa kanya bago sumakay.

Nang malaman ni mama na nanliligaw si Chase sakin. Agad niya na itong tinatanong sakin. Gusto nya nga raw makita, eh.

Ngayon lang siya naging interesado sa manliligaw ko. Sa iba wala syang kibo, eh. I mean may nanliligaw sakin na dito mismo dumederetso sa bahay.

Nagugulat na lang nga ako na may nakatayo sa gate. Pinapapasok ko naman sila dahil ayaw ko maging rude kung papaalisin ko.

"Hey, ano iniisip mo? Kanina ka pa tulala, ah?" Tinignan ko si Chase, sa daan lang ang tingin niya.

"Wala, iniisip ko lang kung anong itsura ng lugar napupuntahan natin." Sagot ko naman.

"Maganda ron," sabi naman niya.

"Okay," hindi ko na lang ako nagsalita at nakangiting tumingin sa labas.

Key To My Heart [Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora