KTMH57

14 6 0
                                    

"Nandito na tayo." Anunsyo ko kay Bella. Nakangiti kaming bumaba sa kotse.

Hindi ko alam.. pero sa kanya ko lang naramdaman ang ganito. Sa iba flings lang gusto ko. Hindi nga kami umaabot ng isang linggo, eh.

Pero itong si Bella, kahit umabot pa ng isang taon o pahirapan niya ako manligaw. Okay lang, gagawin ko ang lahat marinig lang ang matamis na oo nya.

Sabay kami naglakad sa restuarant na napili ko. Sikat at kilala, hindi ko dito dinadala ang mga dati kong babae. Sa malapit na kainan lang. Minsan sa Jollibee or Macdo lang, eh.

Hindi naman sila nagrereklamo. Kahit saan ko nga sila idala, ayos lang kahit sa langit pa. Joke! Sila rin naman kasi ang lumalapit sakin.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at ngumiti ng bigla tumingin sakin si Bella. Ang ganda ng ngiti nya. Para bang angel na bumagsak sa lupa.

Bakit ngayon lang kita nakilala? Siguro kung dati pa.. maaga sana akong nagtino.

"Hey, Chase. Are you okay?" Tumango lang ako sa kanya.

Nagulat ako ng isampay niya ang braso nya sakin. Napangiti rin kalaunan. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Sana ganito na lang araw-araw.

Nahagip ng mata ko si Wilder. May kasama rin siyang babae. Ito 'yong laging kasama ni Bella, ah?

Tinignan ko si Bella. Tinignan niya ko. Ngumiti naman ako sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Pero hindi pa man kami nakakapasok nang may biglang tumawag kay Bella.

"Bella!" Tinignan namin kung sino 'yon.

"Juliet!" Tumaas naman ang kilay ko.

"Chase!" Tawag naman ni Wilder sakin.

"Magkakilala kayo?" Sabay na tanong ni Bella at nung tinawag niyang Juliet.

"Oo," sabay kami ni Wilder.

"Magkaibigan kami, bakit?" Sabay pa rin kami.

"Are you copying me?" Sabay namin tanong sa isa't isa. Natawa naman 'yong dalawang babae sa gilid.

"Double date?" Sabay sabay naming tanong.

"Hahahahahahaha." Tawanan namin at sabay sabay pumasok sa restaurant.

Key To My Heart [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz