24. Wedding Invitation

Start from the beginning
                                    

Napahawak ako sa railings ng bigla na lang umandar ang yate ng hindi ako handa. Ngumuso ako, hinanap ng mata ko si Zak. Missing in action pa rin ang ex-boyfriend ko, dapat magki-kiss na kami. Napakamot ako sa ulo.

Nang makaya ko nang i-balanse ang sarili ko sa umaandar na yacht, umakyat ako sa upper deck. The stars were showing in the night sky and the cold breeze was touching my skin. Medyo maikli pa naman ang dress na binigay ni ate sa akin. Inaalon ng hangin ang nakalugay kong buhok.

Ginaya ko ang pose ni Rose ng Titanic. Wala nga lang akong Jack, pero sa totoo lang, ayoko namang maging si Jack si Zak, I don't want him to be dead. Gusto ko magsama kami nang matagal.

As the yacht continued to go, the city lights were getting smaller. It was such a nice view. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ang tanawin.

I almost jumped when I heard someone cleared his throat. Nakapamulsa si Zak habang nakatayo hindi kalayuan sa tayo ko. Wala akong maapuhap na emosyon sa kanyang mukha. He was just staring at me. Kinagat ko ang labi ko.

"H-hi," May hiya akong naramdaman.

Ilang segundong nagtama ang aming paningin.

"Have you eaten?" asked Zak. Ang husky ng tunog ng boses niya.

Bahagya akong umiling. Hindi pa ako kumakain, matapos ang show, dito na ako dumiretso. Saka dinner date naman ito. He could have just asked me to have a dinner with him, hindi iyong gagastos pa siya ng fifty million para lang kumain kami sa yacht. Free kaya ako para sa kanya.

"Come,"

Tinalikuran ako ni Zak, nagsimula itong umabante sa kabilang bahagi ng yacht. Napasimangot ako. Ganoon, ganoon na lang iyon? Hindi man lang niya ako iki-kiss? Hindi man lang niya ako aalalayan sa paglalakad? Naiinis ako pero sumunod pa rin ako kay Zak.

I stopped on my tracks when I saw the table. It was decorated with lights and surrounded with petals of roses and other flowers. May nakapalibot ding scented candles, nawala ang inis ko ng bahagya.

Ipinaghila ako ng upuan ni Zak. Tahimik akong naupo sa hinila niyang chair katapat niya. There was an awkward silence between us. This wasn't what I planned in my head. Matapos niyang sabihing kanya pa rin ako at magwaldas ng fifty million, hindi niya ako papansinin nang maayos.

"How are you?" tanong nito. Pinagmamasdan niya lang ang bawat galaw ko.

Ngumuso ako at hindi umimik. Inirapan ko siya. Hmp!

Dumating ang pagkain namin dala ng tatlong waiter. There were Russian foods that I love. Mayroon ding ibang putahe na hindi pamilyar sa akin. They served me some medium-rare t-bone steak with mashed potatoes.

"T-thank you,"

Another moment of silence. Nagtitigan lang kami ng ilang segundo, hindi na naman siya nagsalita. Kumain kami ng tahimik. Papa always told me to respect the food in the table, pero gusto kong magdabog sa inaasta ni Zak. Hindi na nga niya ako ni-kiss, hindi pa niya ako kinakausap.

"Congrats on the success of the exhibit." He said huskily.

Kung hindi lang nakakapang-akit ang boses niya, inis! "Edi wow," sinabi ko.

Narinig ko iyon kay Lolay. I cut a generous amount of piece of meat. Sinubo ko iyon ng walang pag-aalinlangan sa inis ko sa kanya.

"What?" His voice boomed. "Where is that coming from?"

Ngumuso ako. "Bakit ka n-nagagalit? Bakit mo ako p-pinagtataasan ng boses?"

"No, Rainbow. Why are you acting like that?"

Kryptonited ✔ (Alpha Sigma Omicron #3)Where stories live. Discover now