C6

7 1 0
                                    

Chapter 6





Sinilip ko ang labas mula sa veranda ng kwarto. Dismayado akong bumalik nang makitang papaalis na siya. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa kanya. Kanina pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinapasok ako sa loob. Naiwan do'n si Jarred kasama si daddy. Kabado ako dahil seryuso ang mukha nilang dalawa at halatang seryuso ang pag-uusapan. 


Panay ang iyak ko hanggang sa nakatulog nang tuluyan. Gusto kong kausapin si daddy pero nang bumaba ako ay hindi ko siya naabutan. Maaga daw na umalis.


My thoughts are here again killing me. 




"Mom, Where's J-Jarred?"


Agara kong tanong sa kanya nang makitang nagmamadali siya sa pagkain habang may tinitignan sa phone niya. Humupa na 'yong nangyari kagabi bumalik sa normal ang takbo ng lahat, maliban sa'kin. 



"I don't know. I think he's with your daddy."



Nanlaki ang mata ko. 

Ang alam ko umalis siya kagabi ba't magkasama sila?



I bitted my lower lips. Inisip ko palang ang mga mukha ni daddy kagabi ay takot ako. Hindi mawala sa isipan ko ang galit niya kagabi. Kung ganon ay hindi niya sa'kin binuhos ang galit niya, kay Jarred!




Umurong ang dila ko nang matananaw ang isang lalaking papalapit sa'min. Nahulog ang kutsarang hawak ko dahil sa naramdamang pinaghalong gulat at kaba. 



Bumungad sa harapan namin ang isang lalaking medyo may katandaan, kalbo ito at may sout pang shades. Nakasuot din ng pang driver na uniform.


This can't be...



"This is Manong Alan. He will be your driver, Fynn" binalingan niya 'yon. "I have to go now. Magpakabait ka sa kanya. Don't give him a headache. Are we clear, honey?"



Lito ko siyang binalingan ng tingin. Hindi kumbinsido sa mga nangyayari. 



"I have things to do. Your dad will explain this later. Sumunod kana sa kanya, baka ma late ka..."


Walang gana akong pumasok sa loob ng kotse. Sa back set ako umupo dahil do'n naman talaga ako dapat. Wala namang masyadong tanong ang bagong driver namin kaya nakatingin lang ako sa bintana sa buong byahe. Naninibago ako sa mga nangyayari.


Tuluyan naba siyang sinitante ni daddy? Tuluyan naba talaga siyang papalitan ng bago kong driver? Ba't iba ang naghatid sa'kin ngayon?

Driving her WildWhere stories live. Discover now