Chapter Thirty-Seven

Start from the beginning
                                    


To: Misis ko

Bakit ba hindi ka man lang marunong mambola? Puwede mag-reply ka lang ng 'I miss you, too' kahit hindi totoo? Hahaha! Lumandi ka naman, ano ba? XD


From: Misis ko

What's XD?

Kinagat ni Johann ang labi para huwag matawa. Iyon talaga ang napansin nito sa message niya? "Kakaiba ka talaga, Misis!" nangingiting bulong niya sa sarili habang nakatingin sa wallpaper niya. "Kaya mahal na mahal kita, eh."

Hindi na siya nag-reply rito dahil tapos na ang oras nag exam at nagsimula nang magpasa ang ilan. Nag-extend pa siya ng five minutes para sa mga hindi pa tapos. Maya-maya lang, wala nang tao sa loob ng classroom at nasa kanya na lahat ng bluebook.

Palabas na rin siya ng kuwarto nang tumunog ang phone niya. Napangiti siya nang makita ang caller.

"Yes, Misis?" magiliw na sagot niya.

"Bakit hindi ka na nag-reply?" mataray na tanong nito.

"Pasenya na. Natapos na kasi iyong exam kaya naabala na 'ko sa mga nagpasa. Papunta na 'ko nang faculty ngayon. Ayusin ko lang mga gamit ko pagkatapos ay uuwi na 'ko. Huwag kang masyadong excited, ah?" biro niya.

"As if. By the way, nag-aya si Daddy Darwin mag-dinner. We'll go, okay?"

Doon niya narinig ang excitement sa boses nito. "Okie-dokie!" Napagtanto niya na talagang sabik sa isang ama ang asawa niya. Mabuti na lang talaga at mabait at mabuting tao si Sir Darwin. Kahit napahiya siya nito noon, maayos naman na ang lahat sa kanila ngayon. Ang kaso... inaalala niya si Sir August. Hindi na niya nakitang pumasok ito sa eskuwelahan magmula nang magkakilala sina Sir Darwin at Sapphire.

Ayaw naman niyang manghusga. Si Sir August ang mas kapalagayan niya nang loob noon pero hindi niya lubos maisip na paanong hindi nito gustong akuin si Sapphire noon? Naiinis siya sa totoo lang. Bakit ba may mga lalaking hindi kayang akuin ang responsibilidad?

Pero hands up and down talaga siya kay Sir Darwin. Mas may karapatan talaga itong matawag na ama. Kakaunti na lang silang mga lalaki na may mga bayag! Yeah!

"Mister."

"Hmm?" Tinulak niya ang pinto ng faculty gamit ang balikat at nagtuluy-tuloy siya sa table niya.

"Ahm...I miss you, too," malambing na sabi ni Sapphire kaya bahagya siyang natigilan.

Tengene. Sa ganoon magaling ang misis niya, eh! Biglang lambing! Natira na naman puso niya. Pucha.

"Mister?"

"Sandali. A moment of silence para sa poging mister na kinilig."

Sapphire chuckled. "Umuwi ka na!"

"Opo, misis!" natatawang tugon niya at saka na nito tinapos ang tawag. Mabilis na inayos ni Johann ang mga gamit. Kinuha niya ang black leather briefcase na gamit at saka nagpaalam sa mga kasamahan niya sa loob ng faculty.

Pasipol-sipol pa siya habang naglalakad patungong parking lot nang may tumawag sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya si Cindy.

"Sir Johann!"

"Cindy. Kumusta?"

She smiled widely. "Marami po akong nasagutan sa exam niyo, Sir! Ang galing niyo po talagang professor. Ang cool niyo pa. Sana po, next semester ay maging professor pa rin namin kayo."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now