Chapter 7:

113 5 0
                                    

(A/N) : guys madaming typos na naman po.. unedited pa po lahat ng chapters. slamat po sa pagbabasa..

#happyreadings :)

------++--------++++-----

Kashmie POV:

Katatapos ko lang sampay ng mga labahan ko pagkatapos kong naglinis at nagayos ng mga gamit ko ay nilabahan ko na ang ilang pirasong damit ko na madumi na naisuot ko kahapon at ngayon. Naglaba na kasi ako noong isang araw kasi nga di ba isang linggong hindi ako pumasok.

hayst..kapagod Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nakatitig sa kisame mamaya na ako pupunta sa grocery maaga pa naman at medyo malapit lang naman ang groceryhan mga tatlong kanto pag labas sa main gate ng semi subdivision na tinitiraan ko..sosyal no? may semi pang nalalaman eh..hihi Bigalang ng pop up sa utak ko ang eksena kanina yung paglingo ko at nahalikan ko si spade.

Shit ramdam na ramdam ko pa ang init ng labi niya sa labi ko kahit daplis lang iyon at hindi matatawag na halik yun pero bakit sobra ang epekto sakin. Ang puso parang hindi maipaliwanag kung kinikilig ako or what.

Ang gulo talaga ng nararamdaman ko, uo masaya ako kapag nandyan sila pero natatakot ako, natatakot ako na masaktan at sa ngayon buhay pala si Ax kaya naguguluhan talaga ako.

hay ano ba yan sa dami dami ng pwede ko isipin bakit siya pa dapat pinapagulo lang ang isip ko ang dapat kong isipin ay kung ano ang gagawin ko pag nagkita kame uli ni ax, yung tungkol kay louie maliban pa doon ang tungkol din sa school malapit na ang summer at malapit na rin ang bakasyon madami na namang mga projects ang kailangang ipasa.. Hay buhay nga naman...

-------

Grocery:

Nang makapasok ako sa grocerihan malapit lang sa tiniturahan ko ay agad akong ngtungo sa kabilang dulo para makakuha ng push cart. Pang isang buwan na ang bibilhin ko para hindi na ako pabalik balik pa sa pagbili katamad kasi makipila pa eh.

Dumiretso na muna ako sa section ng pang toiletaries ito muna mga binili ko ang mga kailangan ko wala na rin akong mga powder panglaba dinamihan ko na rin ang binili ko sunod ay mga can goods konti lang naman tig dalawang piraso kada uri nito wala lang gusto ko lang matikman lahat..

Bumili rin ako ng konting junk foods para pag nanonood ako ay may malamon ang panghuling punta ko ay sa frozen section malapit na ako sa may malaking open fridge kung saan nakalatag lahat ng mga ibat ibang uri ng frozen food pumili ako ng mga bibilihin ko ng mamataan ko dalawang pares na naguusap mukhang nagkatampuhan pa sa may bandang kanan ko hinahawakan ng babae ang kamay ng lalake tapos biglang tinataboy ang kamay nito. tsk LQ

Tsk. dito pa na gawang magtalo pinagtitinginan na sila ng mga ibang customer kaya.. Nakatalikod ang lalake sakin at kaharap niya ang isang babaeng parang ewan lang magsyota talaga.

Hayst.. hindi ako intresado sa pinaguusapan nila kaya nagpatuloy lang ako sa pagpipili ng mga frozen food minsan kasi tintamad akong magluto at mamalengke sa talipapa kaya nagsstock ako ng mga ito.

Ito ang mga pagkain ng mga tamad..hihi jowki lang..lumipat naman ako sa kabila kaya mas na palapit na ako doon sa dalawang nagtatalo yuyuko sana ako ng biglang humarap sakin ang lalakeng kanina pa nakikipagtalo sa makulit na babaeng to.

"boo nandyan ka na pala"saad noong lalake at bigla niya akong niyakap.

"boo?" sa isip isip ko. taena lang walang ibang tumatawag sakin ng ganoon kundi-- agad kong tinulak yung lalakeng yumakap sakin at ng magkalayo na ang katawan namin ay nakita na, taena sabi na nga ba eh.

Hangang dito pa ba dala dala ang kaadikan niya..

"problema mo del fuente"wika ko.

"oh boo huwag ka ng magselos please hindi ko naman siya girlfriend at please please babe huwag ka ng magalit ikaw lang naman ang mahal ko" mala dramang saad niya sabay yakap sakin. Taenas lang parang totoo ang lahat pwede na siyang mag.artista bwisit feel niya ah. Mas lalong nagkasalubong na ang mga kilay ko taena anong palabas ba ang gusto niyang mangyari ha..

Meet The Gangster and The GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon