Chapter 4: is she a gangster?

120 4 0
                                    

Spade Pov:

Nang masalinan na ng dugo si kashmie ay nakahiga parin ako sa higaan na katabi ng kama niya. Medjo nahihilo pa rin ako ng tignan ko ang oras sa relo ko seven na ng gabi pero hindi pa rin ngkamalay si kashmie. Sabi naman ni ian ay stable na siya at hintayin na lang na magising siya at umalis na rin sila ni letty kanina pa tatawagan na lang sila kung may problema at ang bilin pa niya ay pagnilagnat siya ay natural lang daw.

Si cj at red naman ay lumabas muna para bumili ng pagkain baka magising kasi mamaya si kashmie at magutom. Dahan dahan akong bumango at naglakad dahil nahihilo pa ako papunta sa side ng kama ni kashmie.

Nang makaupo ako sa tabi, sumamdal muna ako sa upuan bago siya tinitigan. Ang himbing ng tulog niya kung pagmasdan mo siya ng maigi doon mo makikita ang tunay na kagandahan niya. Ang amo ng kanyang mukha bagay na bagay ang tangos ng ilong niya at ang mahahabang pilik mata niya. Hindi sapat ang salitang maganda para sa kanya kung titigan mo siya ng mabuti ay hindi nakakasawa ang kanyang kagandahn. Ang mapupulang labi niya na katam taman lang ang laki, na para bang sinadyang ginawa para bumagay sa mata niya,sa ilong at sa korte ng mukha niya ang mahahabang buhok niya nabahagyang kinulot ang bandang baba na mas lalong bumagay sa kanya.

Shit at kailan pa ako naging makata para i.describe ang isang babae. Naman oh..

"hoy! lukaret gumising ka na dyan para may maasar naman ako." wika ko. tsk. as if naman magigising. Parang baliw lang e kameng dalawa lang kasi rito eh kukunin ko na sana ang phone ko para tawagn si cj ng marinig kong umungol siya at agad akong napalingon sa kanya..

"Ax! Ax! " rinig kong sabi niya at may nakita akong luha na unti unting dumaloy paibaba sa pisngi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nalungkot dahil sa narinig ko o sa luhang nakita ko. Dahan dahan kong pinunasan ang luha niya sa pisngi niya ng marinig kong may pumaradng sasakyan sa labas. Siguro sila cj na yan at bago ako bumaba inayos ko muna ang kumot ni kashmie at

"Magpahinga ka na. Huwag mo ng isipin pa yun" wika ko sa kanya kahit hindi alam kong hindi niya ako marinig. Nagpasya akonv bumaba na at sinalubong sila cj na kababa lang din nila sa kotse niya nagsimula na kame kumain nila cj ng bilang magsalita si red.

"Dude bakit ganun ang nangyari sa kanya? Is she a gangster" -red

"Dont know, pero hindi ordinaryong pangyayari yan sa isang ordinaryo tao at hindi isang aksidente ang nangyari. Kung pagtagpi-tagpiin natin first noog hinarang natin siya at nagmamadali ng hindi natin siya pinagbibigyan yung ginawa niya hindi mamagawa ng isang ordinaryong tao yun then biglang may nakita tayong isang patay then suddenly siya na ang nakita natin at may tama sa balikat at kung isip mo may mga palaso na ngkalat sa sahig at for sure hindi lng yung lalake ang target pati siya." paliwanag ko sa kanila.

" so therefore i conclude isa siyang gangster." - cj

"whoa! dude ha scientist ang peg.." natatawang biro ni red kay cj.

"tae mo! serious kaya to!"

"ikain mo na lang yan dude, ang mamakasagot lang satin niyan ay c Lorenzana" si red.

Tinignan ko lang sila habang nagtatalo malakas talaga pakiramdam ko na isa siyang gaya namin pero nagdadalawang isip rin ako baka naman nagkataon lang pero sa nakita ko kanina sa bag niya. Hindi naman sa nakikialam naghahanap kasi ako ng info kung sino ang pwedeng tawagan like her family para ipaalam na hindi muna makakauwi baka kasi magaalala sila.

Sa paghahalungkat ko ay may nakapa akong isang katamtamang pouch at mabigat iyon ng buksan ko nagulat ako bakit may mga shuriken at kunai ito at bakit hindi ma.detect ng metal detector ng mga guards ng sinipat sipat ang lalagyan ay ordinaryong puch lang naman ang pinagtaka ko ay yung isang maliit na bagay na naka.pin sa loob, isang kulay pula kung titignan mo ay parang botones lang.

Meet The Gangster and The GangstersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ