Chapter 10: Reason

79 4 0
                                    

A/N : hi guys sana nagustuhan niyo yung chapter 9..hindi ko mauplod yung teaser na nagawa ko.. Thnks sa pagbasa po.

>>>> nasa side po yng soundtrack ng ginawa kong teaser i'll find a away para maiuplod yun.. thnaks po :)

Chapter 10:

Kashmie POV:

Sabay na kame pumunta ni spade sa susunod na klase namin hawak hawak parin niya ang kanan kong kamay habang naglalakad kame at yung isang kamay naman niya ay hawak ang strap ng gitara habang nasa balikat niya. Pinagtitinginan na kme ng mga studyante na nilalampasan namin at yung iba naman masama ang tingin sakin.

Kanina habang inaayos niya ang mga gamit ko na nagkakalat kasi nag halungkat ako ng mga gamit ko.

Habang hila hila niya ako tinigna ko ang kamay namin dalawa na magkahawak napangiti ako,basta masaya ako.. Ng makarating kame sa clasroom sakto lang wala pa kameng prof ang maingay kanina ay biglang tumahimik at silang lahat ay nakaharap samin at gulat na gulat sila habang nakatingin sila sa pababa sa kamay namin na magkahawak parin at pataas sa mga mukha namin.

Lumapit kame sa kinauupuan nila cj habang hawak pa rin niya ang kamay ko, ng simula na naman ang mga babaeng ito na magbulungan pero hinayaan ko na lang sila. Nakaningisi silang dalawa samin.

"Yo dude kaya pala hindi ka namin mahanap dahil hinanap mo rin pala ang boo mo!"

"Kaya pala hindi mapakali kanina eh, bakit ba kasi hindi ka pumasok kash?"

"Mga baliw!"wika niya sabay bitaw sa kamay ko at nilapitan ang dalawa at kinutusan..

Habang pinagmamasdan ko sila na masayang nagtatawanan ngayon lang ako nakakilala ng mga taong kagaya nila na kahit bago ka lang nakilala ay tinuturing ka nang kaibigan at parang ang tagal ka na nilang kilala,silang tatlo ang bagong kaibigan ko.

Parang gusto kong maging kaibigan sila tuwing kasama ko sila kahit hindi ko sabihin o ipakita sa kanila pero masaya ako kapag kasama ko sila nandyan si cj na puro kalokohan ang iniisip, si res na tahimik lang pero pag may kalokohan si cj always partners in crime ang dalawa si spade na minsan mayabang, minsan madaldal pero kadalasan bipolar..hihi sila ang nagpapatawa sakin kahit hindi nila nakikita, sila ang nagpaparamdam sakin na lagi silang nandyan, kapag kasama ko sila ay ang gaan ng mundo ko walang problema, ang lahat ay parang dinadaan lang sa biro.

"Tsk. Kanina mo pa ako tinitigan hindi ka pa ba sawa sa kagwapuhan ko boo umupo ka nga dyan!" Nakangising saad niya.

"Boom! Taena dude bumabanat ka na rin ah. Ayiie, ang chessy niyo naman!" Kantyaw ni cj, yan si cj ganyan lagi ang roll niya nakangisi ako habang pinagmamasdan sila.

"Oh nakangiti na siya, ayie! Ngumingiti na si kashmie akala ko hindi marunong ngumiti yan!" Wika ni red.

"Dali kunan ng picture, akin na cp mo!" Rinig kong saad ni cj huli na para suwayin sila dahil nakunan na nila ako. Taena parang tanga lang e.

"Oy! Burahin mo yun!" Sabi ko kay cj.

"Kay spade mo sabihin kasi sa phone naman niya naka.save" ngising aso

Ngtignan ko si spade ay nakatitig parin sa phone niya, taena baka pagtawanan niya ako sa itsura ko dun. Bwisit talaga tong cj na to pahamak, lumapit ako kay spade kukunin ko sana yung phone niya ng maalala ko may pilay pala ako at bumalik na lang ako sa upuan ko sakto naman ang pagpasok nila grace ang mga alipores niya.

Masama ang tingin nila sakin naramdaman kong biglang may humawak sa nga daliri ko ng pagtingin ko kung kanino ang kamay na iyon ay kay spade pala.

Aalisin ko sana ng maalala ko nasa harapan ko pala si grace.

Meet The Gangster and The GangstersWhere stories live. Discover now