Chapter 6

3 0 0
                                    


NOTE: This work may contain grammatical errors and wrong spellings. If you are too sensitive to see those, better check another story that will satisfy your desire.
All of the happenings in this story came from my wild imaginations.

_________________________________

Chapter 6

Dalawang araw na lang bago ang Students' day. Sobrang busy na ang lahat dahil bukod sa gaganapin na battle of the bands ay mayroon ding mga booths na inihanda bawat sections. Sobrang nahahaggard na si Pres.


Habang hinihintay ko si Hera para sabay kaming maglunch ay lumapit sa akin si Pres.


"Ashi, patulong naman ako dito oh. Wala kasi tresyurera natin ngayon masakit daw puson." Seryosong sabi nito.


"Wooaaahhh! Si Pres humihingi ng tulong kay Ashi? Woaaaah?!" eksaheradang saad ko.


"Bilisan mo na napakarami po pang satsat." Sabi nya sabay akbay sakin at kinutusan ako.


Kinagat ko ang kamay nya at nagharutan pa kami ng biglang may tumikhim sa likod namin. Sabay pa kaming napalingon at ng mapansin ko kung sino ito ay agad akong lumayo at bumitaw kay pres.


"Ashi, tapusin mo yan ha?" May kalakasang sabi niya at kinuha ang bag nya. Pero bago nya pa ako lampasan ay bumulong siya."Nagselos ata lagot ka." at umalis siya habang tumatawa.


Bwisit talaga yun ang lakas mang-asar.


Pinuntahan ko yung table kung saan nilagay ni Sean yung mga resibo ng expenses namin at kinuha ko na rin yung laptop ko para mailagay yun sa excel.


"Shi, di ka daw masasamahan ni Hera maglunch. Marami pa daw silang tinatapos sa office."


"Ah ganun ba? Sige salamat" Sagot ko at nginitian siya.


"Here's your food. Let's just eat together." Sabi niya at hinila ang upuan papunta sa kabilang parte ng table. Sa harap ko.


Paano naman ako kakain ng maayos kung nanjan siya sa harap ko. Paano ako susubo ng maganda? Syet di ko napraktis.


"Here. You eat first bago mo gawin yang excel mo. I'll help you." Seryosong sabi niya at inilayo ang laptop at resibo sa harap ko.


Wala akong nagawa kundi buksan ang styro ng nabili niyang pagkain. Ginisang kalabasa na may sitaw at adobo ang binili nyang ulam kaya naparami na rin ako ng kain kahit pa di ko alam kung maganda ba akong tignan habang kumakain.


Nang matapos siya'y hinintay nya muna akong matapos. Tinignan nya ang mga resibo habang walang halong pagkabagot na hinihintay ako.


Matapos akong kumain ay kinuha nya agad ang mga basura. "Start labeling that. I'll just put these away." Sabi niya at lumabas na para itapon yung pinagkainan namin.


Pagbalik niya'y nagulat ako dahil may dala-dala siyang isang litrong tubig at may hawak din siyang chuckie. Yayksss !


Agad akong natuwa at napansin nya yun kaya napangiti din siya.

"Here." Simpleng saad niya at walang hiya-hiyang kinuha ko ito saka ininom.


Nang maubos ko iyon ay inabot niya sa akin ang tubig na may bawas na. Ibig sabihin ay ininuman na nya iyon. Ang ganda naman ng araw ko!


"Sorry this is the only bottled water that I bought. Di ka naman laway conscious?" Tanong nya na medyo natatawa.


"No problem. It's fine." I said na medyo nahihiya pa kahit sa loob loob ko'y tuwang-tuwa ako dahil madidikit ang labi ko sa dinikitan ng labi niya. Indirect kiss na this!

-------

Katatapos lang namin magpractice at dumiretso ako sa banyo. Nag-ayos muna ako sa sarili at pumunta na sa room namin para magpaalam at ibigay kay pres yung ginawa kong excel sa tulong na rin ni Crayn dahil siya ang nagdikta nung mga nakasulat sa resibo.


"Pres, oh! Pasalamat ka labs kita. Charr!" Pabirong saad ko habang inaabot sa kanya yung flashdrive kung saan nakasave yung file na ginawa ko.


"Nakuuu super salamat, Ashiiiiiiiii ! Napakaswerte ko namang presidente!" saad nya na may halong pagkasarkastiko. Natawa ako sa kanya at kinurot na lang siya sa tagiliran. Napansin kong may nakatingin sakin kaya nang lumingon ako'y nakita ko mismo ang mga mata ni Crayn na nakatingin sa akin.


Ngumiti lang ako sa kanya at nagpaalam na sa kanila. Mag-isa nanaman ako ngayon dahil busy si Hera.


Habang naglalakad ako palabas ng gate ay napansin kong nanghihina ako at ang sakit ng tyan ko.


Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon lang ako nagkaganito ng wala ako sa bahay namin. Ganito kasi ako pag malapit na akong datnan.


Dali-dali akong umupo at niyakap ang paa ko. Naitama pa yung bitbit kong gitara sa semento pero wala dun yung atensyon ko kundi sa tyan ko.


"Please, please mamaya na please!" Mahinang sambit ko dahil ayaw kong nakakaramdam ng sakit kapag wala ako sa bahay. Naiiyak kasi ako agad lalo pa't di ako umiinom ng gamot.


Napansin kong mas lalong sumasakit ang tyan ko kaya napahiga na ako sa sahig. Kailangan ko talagang ihiga yung sakit dahil mas lalo kong nararamdaman kapag nakatayo ako o nakaupo.


Nanghihina na ako sa sakit ng mapansin kong dumadami na yung mga taong nakatingin sa akin. Pilit kong itinayo ang sarili ko ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.


Sobra na ang pagpigil ko sa iyak ko at nang makita kong hawak ni Crayn ang braso ko at ang gitara sa kabilang kamay nya ay diko na mapigilang sumandal sa balikat nya at napaiyak na ako habang nakahawak sa tyan ko.


Bago nanamang kaartehan. Kasama ka Crayn.

Set Him Free (totga series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon