Kabanata 02

561 10 4
                                    

Kabanata 02

Departure

SA sobrang excited ko sa unang araw ng trabaho ko bilang isang official flight attendant ay sobrang aga ko ring nagising. Nakapag-jogging pa ako sa alley at nakapag-exercise sa gym room. Ganado rin ang katawan ko dahil sa sobrang excitement.

This is it. This is the beginning of my dreams. Sa wakas ay natupad ko na rin.

Agad kong sinuot ang itim na may pulang tela sa hem na uniform namin at nag-ayos sa sarili bago lumabas bitbit ang maleta ko. Isa-isa na ring nagsi-akyatan ang mga kasamahan ko sa eroplano kung saan ako na assigned.

My smile gets wider as I slowly walk towards the plane. Nilibot ko rin ang paningin sa buong alley at namamanghang pinagmamasdan ang mga luxury plane na nakahilera.

My heart is thumping so hard because of the mixed feelings, pero nangibabaw roon ang saya at excitement para sa unang araw ng trabaho.

"Is this what we call coincidence?"

Unti-unting napawi ang ngiti ko dahil sa pamilyar na boses ng lalaking sumabay sa akin paakyat. Nakasuot na ito ng pilot uniform katulad ng suot nito kagabi nang dumating ako rito sa DIA.

"Or this is what they called destiny?" he added and wiggles his eyebrows at me at tuluyang nawala ang ngiti ko sa labi.

Naiirita ko itong binalingan.

Kasasabi ko lang na maganda ang araw ko ei, tapos ito na naman itong lalaking 'to?

"Ang coincidence at destiny ay gawa-gawa lamang ng mga illuminati, mister!" I hissed, dahilan para matawa ito.

I rolled my eyes heavenward at nagpatuloy sa pag-akyat ng hindi ito pinapansin.

I can feel his presence behind me.

"Nice booty," rinig kong bulong nito.

Mas lalo akong nairita at pumantig ang tenga dahil sa narinig.

Nasa huling baitang na ako bago makapasok sa eroplano nang lingunin ko ito.

"I can kick you off this plane, mister, if you keep on pestering me. You pervert!" nanggigil kong ani. Hindi talaga ako natutuwa sa mga ginagawa at sinasabi nito sa akin.

"Uh uh... you can't do that, Luv, I am the hottest co-pilot of the plane where you were assigned," mayabang itong umiiling.

I groaned.

Napakahangin talaga ng lalaking 'to. At ngayon ko lang din na-realize ang dahilan kung bakit ito nandito ngayon sa eroplano kung saan ako.

"Tch! Self-proclaimed hot." Sabay irap ko at tuluyan nang pumasok sa eroplano.

Sinalubong ako ng chief flight attendant namin at kinausap tungkol sa mga dapat at hindi ko dapat gawin. I listen carefully, para wala akong makaligtaan. Ayaw kong sa unang araw ko pa lang ay papalpak na agad ako. Inaamin ko na kinakabahan ako. Hindi naman kasi iyon maiiwasan lalo na't hindi mo mga kilala ang mga kasamahan mo.

Hindi na rin naman ako kinulit ni Officer Cohan. Yes, nakilala ko siya dahil sinabi iyon ng chief flight attendant namin.

Officer Anthony Anders Cohan is our co-pilot, and Captain Santana Yadiel Sullivan will be the one who navigates this aircraft. Pero magle-leave si Captain Sullivan sa susunod na linggo para sa kasal nito kaya magkakaroon ng bagong piloto sa susunod na linggo.

Mas mabuti sana iyon kung pati ang co-pilot papalitan.

"Did you meet our co-pilot already?" Mahina akong tumango sa tanong ni Luella. "Ang hot niya 'di ba?" dagdag nito na kinikilig pa.

Luella dela Calzada is one of the flight attendants here in this aircraft at fresh graduate rin ito, a half Filipino-Spanish girl who was born and raised in the Philippines.

I'm bewildered because of what she said. I can't believe that they're too smitten with that self-proclaimed hot aviator, eh?

"At balita ko ang galing din nito sa kama!" Luella added while cackling, na ikinalaki ng mata ko! She shrieks because of my reaction.

B-Bakit naman ganito ang narinig ko?! Feeling namula ang tenga ko dahil sa narinig!

"My gosh, you're blushing!" tudyo ni Luella sa akin.

Ang colonizer na ito!

Nag-iwas lang ako ng mukha sa kanya kaya mas lalo itong natawa.

I saw the last passengers are boarding at kasabay noon ang boses ng chief flight attendant namin. Nagpapaalala ito sa mga pasahero.

I sighed and smiled widely at ganando sa unang araw ng trabaho. I entertained those passengers who needed help with their luggage and seat belts, lalo na sa mga first time pa lang sumakay ng eroplano.

I still heard Officer Cohan's voice roared in the speakers na ikina-ingos ko na lang.

Ganito ba talaga siya? Nakaka-inis at napakayabang!

We heard Ms. Villanueva's voice again echoing inside the plane before the door was closed.

The door slowly closed at komportable na ring nakaupo ang mga pasahero. I glanced at the flight deck when I heard the fake cough on the speaker, kasabay ng mahinang tawa ni Officer Cohan.

Napairap na lang ulit ako.

"Cabin crews, please prepare for gate departure." Captain Sullivan's voice echoed again. "Cabin crews, doors on automatic, cross-check and report. Thank you," pagtatapos nito.

Napangiti ako nang tuluyan ng unti-unting tumakbo ang eroplano. I then realized that I'm always craving this kind of feeling since then...

Cruising Through The Clouds (COMPLETED)Where stories live. Discover now