Chapter 17

1K 45 3
                                    

Nakauwi ako ng bahay ay saktong alas syete.

Naabutan ko pa rin ang dalawa sa salas na kala mo hinihintay ako.

Napapadalas yata ang tambay ng mga to sa sala.

"Good evening." Bati ko.

"How's your date Ate May?" Agad namang tanong ni Yuki.

Si Donny ay naglalaro yata sa sa cellphone nito dahil tutok na tutok ito doon.

"Hindi natuloy. Ayaw nyong pumayag eh." Nakangisi kong sabi.

Si Yuki ay siniko siko ang kapatid sa hindi ko malamang dahilan.

Napatigil na din si Donny nun sa paglalaro.

"Oh sorry you're here." Anito ng makita ako.

Hindi ba obvious?

"Kumain ka na?" Agad nitong tanong na hindi naman nya gawain.

May himala ba?

"Oo kumain na kami ng mga kaklase ko sa labas." Sagot ko.

"Ay sayang. Bro's cooked dinner pa naman."

"Talaga?" Tuwa kong saad. Hindi ko kasi alam na nagluluto pala si Donny. Except dun sa pop corn nung nakaraan.

"Yeah. I iniated." Napahaplos na naman sa buhok na sabi nito.

Mannerism nya yata yung paganyan nya na hinahawi hawi.

At ang pogi nya pag gumaganun.

"Sige. Matikman. Magbibihis lang ako." Paalam ko naman.

Dali dali akong umayat at nagpalit ng pambahay.

Pagbaba kong kusina ay agad kong tiningnan yung lutong sinasabi nila.

Beef steak with brocolli na may onion rings topping iyon.

Natuwa ako sa nakita at nagutom ulit.

Favorite ko din kasi yun plus si Donny pa nagluto.

Dinala ko na din yung pagkain ko sa salas at sinamahan yung dalawa.

"Ang dami ah." Puna ni Yuki.

"Heheh. Gutom pala ako." Sagot ko.

Nagsimula na akong kumain.

Nasarapan ako at napa round 2 pa.

"Sorry." Nakatawa kong sabi ng bigla akong mapadighay sa kabusugan.

Napailing na lng ng sabay yung dalawa.

"Nabasa mo ba yung post ng TV sa fb?" Pag iibang usapan ni Donny.

"Anong post?" Takang tanong ko at napacheck na rin sa page ng TV.

Announcement iyon ng TVs monthly gathering at para iwelcome na rin ang bagong member, at ako yun na magaganap sa lunes ng gabi.

Medyo nahiya naman ako at parang ang espesyal ko. Ako lang nmn kasi pumasa. How I wish na nakapasa din si Kristel para sana may makasama ako.

Wala naman masyadong sinabi parang gathering lang na normal naman nilang gawain kasi follower na ako dati pa ng page.

"Anong gagawin ko dito?"

"Just be yourself."

Ganun lang?

For the first time in forever din ay nakakapagkwentuhan kami ni Donny. Yung nakakapagtawanan kami na walang ilangan. Si Yuki naman ay amuse na amuse na palipat lipat ang tingin sa amin kaya kami naman ni Donny ay napapatigil at napapatingin din dito.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon