Chapter 11

1.1K 49 2
                                    

Today is Thursday!

The last phase of audition.

Here I come. Nasa loob na ng auditorium.

After my class ay dumeretso na ako.

Nagtataka na sa akin si Sue at Edward dahil ang busy ko daw.

Ang alibi ko ay ayaw ko pag antayin ang sundo ko at nakakahiya hindi naman kamo ako ang amo.

Nagtatampo na nga ang mga ito. Hindi ko pa lang masabi ang tungkol sa pagauaudition ko. Saka na pag nakapasa ako.

Ibinigay ko na ang usb ko sa isang studyante na syang mag ooperate sa sound system.

Ako lang dn ang nagbigay ng USB.

Live yata sa instrument nila ang apat pang nakapasa sa second phase.

"Miss yung folder na MAYMAY. Tas yung title 'Someone's Watching Over Me" Paliwanag ko.

Tumango lang ito.

So ayun, bumalik na ako dun sa waiting area kasama ang apat kong kasamahan.

"Makakapasa kaya ako?" Tanong sa akin na sa pagkakilala ko ay Kristel.

"Tiwala lang." Nakangiti ko namang sagot.

'Yung tatlo naman ay hindi makausap. Snob sila.

Mayamaya pa ay tinawag na isa isa mula sa speaker. Nauna si Hernadez, Sumunod si Kristel, at yung dalawa pa bago panghuli ako.

Panghuli talaga.

Waiting is tiring sa totoo lang. Bat kasi hindi ako ang nauna?

Sa wakas naman ay tinawag na apelyedo ko.

Tumayo na ako at kinuha ang mikroponong inabot skn at tinahak na ang center stage.

Ganun pa rin ang posisyon namin sa second phase. Sila pa rin judges. At andun pa rin si Donny sa pwesto nya. This time nakaupo na ito.

Si Inigo, Joao at naman ay nakaupo na din kahilera ng mga babae.

Pahinga sila ngayon dahil hindi naman sila tutugtog.

Pansin ko din na may nadagdag na isa.

Isang lalaki na nasa mid 40's nya.

"Hi Marydale!" Kaway sa akin ng kikay na si Maris.

Awkward na kumaway naman ako kay Maris.

"Oh, we may introduce you Mr. Ernesto Manulat" Pagpapakilala ni Janella sa bago.

"He's a song writer of PYRAMID RECORDING." Gabbi added.

Nagsmile lang sa akin yung pinakilala nila at tumango.

Kaya pala behave yung dalawang kumag at may bisita pala.

Ang tinutukoy nila na Pyramid Recording ay yung sikat na Recording company sa kasalukuyan. Marami silang pinasikat na artist at kanta. Isa sa bigating artist nila ang tatlong babae.

Naexcite ako bigla.

"Hhmm. Your song title is Someone's watching  Over Me." Sabi naman ni Mr. Manulat na tumingin sa hawak nitong papel.


"I love the lyrics so good luck." Mr. Manulat added.

Sumenyas naman si Donny nun sa operator.

Seconds later pumailang na sa ere yung intro ng ginawa kong kanta.

Suminghap naman yung tatlong babae at napatitig sa likuran ko na ikinapagtaka ko kaya napalingon na rin ako.

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon